DON'S HEIR 1
Jeni's POV
"I'm here to apply as a surrogate." lakas loob na sabi ko.
Tumango ang babaeng kaharap ko tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi pa yata ako papasa. "Please wait for a moment, Miss." sabi niya. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan siya.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang isang lalaking nakasuot ng black suit. Lumapit siya sa akin pagkatapos itong senyasan ng babae. Para bang mas nakakatakot pa yata sila sa mga sindikatong tinakasan ko.
"This way, Miss. Sumunod ka sa akin." nauna siya sa aking maglakad. Tahimik akong sumunod kahit pa kinakabahan ako.
Dinala niya ako sa isang pribadong opisina sa pinakamataas na palapag ng gusali.
Pagkapasok namin ay sinuyod ko kaagad ang aking paningin sa buong opisina. Pinaupo niya ako sa harap ng isang malaking mesa. Inilapag niya ang isang makapal na folder sa harapan ko.
"My name is Victor. I work directly for the Don."
"Don?" tanong ko. "P-pangalan ba ng lalaking naghahanap ng babaeng magiging surrogate niya ay Don?" hindi ko na napigilang magtanong.
Wala pa kayang asawa ang Don na 'yon? Baka naman meron na at hindi lang sila magkakaanak kaya naghahanap sila ng magiging surrogate.
"Iyon lamang ang tawag namin sa kaniya. Isa siyang makapangyarihang tao." paliwanag nito.
Mukhang nakakatakot naman.
Hindi ko akalaing ang ina-applyan kong surrogacy ay para pala sa isa sa pinakamakapangyarihang tao.
"You came here voluntarily, Miss?" tanong niya. "Anong pangalan mo?" dagdag niya.
"Jeni Santos po."
Tumango siya. "Do you understand what surrogacy means? Baka naman pumunta ka dito na hindi alam kung ano ang gagawin mo?"
"Hindi po ba iyon yung magbubuntis ako? Iyon ang pagkakaalam ko. Bago naman ako umalis nag-research naman ako."
Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago muling nagsalita. "I'll explain the conditions." binuksan niya ang folder. "If you pass all medical examinations, you will become the surrogate mother of the Don's heir."
Napalunok ako. Don's heir?
"Twenty million."
Namilog ang aking mga mata sa narinig. Parang huminto ang paghinga ko. Ang laki naman ng offer na 'yon. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Bigla akong natameme sa laki ng pera.
"Twenty million pesos, Miss." muli ay sabi nito. Doon pa lang ako napakurap.
Hindi pa ako nakahawak kahit isang milyon sa buong buhay ko. Tapos ngayon yung offer niya twenty million. Utang ng mga magulang ko sa sindikato ay eighteen million kaya may matitira pa. Saan ko naman itatago yung two million. Bahala na. Bastat mabayaran ko lang yung utang ayos na. Tsaka ko na poproblemahin yung iba.
"All medical expenses will be covered. You will also receive a monthly allowance throughout the pregnancy." pahabol pa nito. "Also, you will be required to stay in a private residence under our protection until the child is born."
Napaangat ang ulo ko.
"Meaning?" biglang nag-loading ako. Akala ko pa naman sa bahay ako titira. Doon malaya akong makakagalaw
"You will live in one of the Don's properties."
Napakunot ang noo ko. "For nine months?"
"Possibly longer."
Napaawang ang labi ko. Malaki nga ang offer na pera pero kaya ko kaya ito?
"What happens after I give birth?"
"The child will legally belong to the Don. Aalis ka na parang walang nangyari."
Napaawang ang labi ko. Sana lang hindi ako masyadong ma-attach sa bata para hindi ko siya ma-miss.
"So?" dagdag na tanong niya. "Pumapayag ka na ba?"
Hindi pa rin ako nakasagot. Nag-iisip pa ako.
Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Kailangan ko ng pera. Desperado na ako. Kaysa mamatay kami ng pamilya ko sa kamay ng mga sindikato. Mas lalong nakakaawa ang sasapitin ko at ng pamilya ko. Pagkatapos kong manganak ibibigay ko sa kanila ang bata pagkatapos bahala na sila. Pero paano ako? Hindi ko ba mamimiss yung bata? Bahala na.
Habang nakatingin ako sa kontrata, pakiramdam ko ay hindi lang sanggol ang isusuko ko balang araw.
Parang may bahagi rin ng sarili ko ang mawawala.
Dahan-dahang itinulak ni Victor ang kontrata at binigay din niya sa akin ang sign pen.
"You don't have to decide today, Miss Chelsey. But opportunities like this don't come twice."
Napatitig ako sa papel tsaka huminga ng malalim. Nandito na ako at ito naman talaga ang pinunta ko dito kaya bakit pa ako magdadalawang isip na pirmahan ito.
Hindi ko na pinatagal ng ilang minuto. Pinirmahan ko na kaagad ito at ibinalik kay Victor. Napangiti ito.
"Tomorrow, you are required to report to the hospital at 8:00 a.m. The medical team will begin the first stage of the surrogacy process. Please make sure to arrive on time."
"O-opo."
Napatayo na ito. Ako rin naman.
"Wala na po ba kayong itatanong pa? Lalabas na ho ako?"
"May nakalimutan ako." pahabol niya.
"Ano ho iyon?"
"Are you still a virgin?"
Nanlaki ang aking mga mata at muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway. "Excuse me?"
"That's one of the Don's primary requirements...ayaw niya ng babaeng may sabit. He wants a woman who is clean and healthy. Since you'll be carrying his child, you need to be healthy and free from any diseases."
Napaawang ang aking labi. Kalaunan ay nakabawi rin naman sa mga sinabi niya. "Huwag ho kayong mag-alala. Wala pa ho akong naging boyfriend. Never been touched never been kissed. Virgin pa ho ako one hundred percent." nakakahiya man sabihin pero mukhang ipinamumukha niya kasi sa aking hindi na ako virgin.
"Good to hear that, Miss Santos." ngumiti naman ito.