"NAKIKIRAMAY ako sa pagkamatay ng mommy mo, Kylie," sabi sa kanya ni Olga nang pumasok siya unibersidad.
Nilabas niya ang vape niya mula sa bulsa ng palda niya tsaka iyon hinithit. "Hindi ka naman pumunta," aniya na tila nagtatampo.
"Gustohin ko man pumunta pero paano? I was in Korea kaya hindi rin ako basta-basta makakauwi rito."
Umiiling-iling siya. "Whatever."
"Kumusta ka na?" maya'y tanong nito.
Taas ang kilay na tiningnan niya ito. "You want me to say I'm okay even I'm not? Baka kamamatay lang ng mommy ko, natural na hindi ako okay."
"Sorry," nakangiwing sabi nito. "I shouldn't ask that."
Nagbuntong-hininga siya. Aminadong mainit ang ulo niya idagdag pa ang inis niya dahil sa ilang araw ng pag-iwas sa kanya ni Rome kaya nasusungitan niya si Olga.
"Ayos lang. Sorry din at nasungitan kita."
"Naiintindihan ko. Umhm... Kumusta na ang stepfather mo? Edi aalis ka na sa mansion niyan?"
Panakunot ang noo niya na tumingin sa kaibigan. "Bakit naman ako aalis sa mansion?"
"Dahil wala ng dahilan para mag-stay ka pa 'dun?"
"Bakit wala?"
"Hello, dahil wala na ang mommy mo?"
Marahil ganu'n ang iniisip ng lahat na kinakailangan na niyang umalis sa mansion dahil patay na ang mommy niya. Kaya hindi na siya nagtataka kung ganu'n din ang iniisip ni Olga.
"Ibinilin ako ni mommy kay Rome hanggang sa maging legal age na ako. Isa pa may karapatan ako sa bahay na iyon dahil conjugal property iyon ni mommy at Rome. Kaya pwedeng hindi ako dun umalis kahit na kaya ko ng magsolo."
Hinawakan siya nito sa braso. "Sabihin mong mali ang iniisip ko, Kylie?"
Painosente niya itong nginitian. "Kung ang iniisip mo ay kung aakitin ko ba si Rome, bakit hindi? Pwede ko naman na gawin iyon dahil wala na ang mommy. Sa tamang salita, single na si Rome."
"Diyos ko! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kylie? Hindi ka man lang ba kinikilabutan?"
She rolled her eyes. "Bakit naman ako kikilabutan? Wala naman nang mali sa gagawin ko kung sakali."
"Anong wala? Kesyo wala na ang mommy mo, mali pa rin na akitin mo ang stepfather mo. Parang ama mo na siya kung titingnan mo."
Hindi niya minsan maiwasan na mainis sa pagiging pakialamero at pagiging matalk ni Olga kahit pa alam niyang concerned lang din ito sa kanya.
"Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang may gusto ka sa stepfather mo?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Kailangan ko bang intindihin ang mga sasabihin nila?"
Napatampal si Olga sa noo. "Natural! Kasi alam mong hindi tama ang gagawin mo."
Nang tingnan niya ang kaibigan ay hindi niya napigilan ang matawa. Masyado kasi itong seryoso sa buhay.
"May nakakatawa ba?" kunot ang noong tanong nito.
"Sorry." Pinipigilan niya ang sarili na hindi matawa. "Masyado ka kasing seryoso. Relax ka lang okay? So far wala pa naman akong ginagawa."
"Wala pa? So may balak kang gawin?"
Nagbuntong-hininga siya. "Huwag kang mag-alala, Ogla. Kung ano man ang gagawin ko sisiguraduhin kong hindi malalagay sa kapahamakan ang sarili ko."
"Hindi mo masasabi. Hindi mo alam ang posibleng pwedeng mangari sa'yo."
Hinawakan niya ito sa kamay. "Thank you for being concern with me. But I'm really fine."
Alam niyang may gusto pa itong sabihin pero mas pinili na lang nito ang manahimik. Umilis ito at hindi na nagsalita pa.
PAGKAUWI ni Kylie sa mansion ay natigilan siya sa pagpasok. Bigla niyang naalala ang mommy niya na palaging sumasalubong sa kanya sa tuwing dumarating siya galing sa school. Pero ngayon wala ng gumagawa sa kanya ni'yon.
Ngayon niya masasabi na malaki na ang pagbabago ngayon sa buhay niya ngayon na wala na ang mommy niya. She misses her smile at ang pag-welcome nito sa kaniya sa tuwing umuuwi siya. The excitement of his voice and the love in her eyes... Everything is gone now.
Walang ganang pinapatuloy niya ang paghakbang niya papasok sa mansion. Kung dati ay tahimik ang paligid, humigit iyon ngayon.
Napabuntong hininga siya nang maabutang madilim ang buong paligid ng mansion.
"Sundy!" tawag niya sa personal maid niya.
Patakbo itong lumapit sa kanya mula sa kusina. "Ma'am Kylie, dumating na ho pala kayo. May kailangan ka ba?"
"Bakit ang dilim-dilim? Hindi ba kayo pwedeng magbukasnng ilaw? Nagtitipid na ba tayo?"
Mabilis na kumilos si Sundy para buksan ang ilaw sa sala tulad ng nakagawiang gawin ng mommy niya.
"Huwag niyong kalilimutan na magbukas ng ilaw tuwing ala-sais ng gabi. Kaya kayo minamalas dahil gusto niyong madilim ang bahay," pagtataray niya.
"Opo, Ma'am Kylie."
Umiling siya tsaka hinihakbang ang mga paa paakyat sa hagdanan. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang napatigil siya at napatingin sa kwarto ng mommy niya at ni Rome.
Humakbang siya palapit sa pinto at tibulak iyon pabukas. Pumasok siya at dumiretso sa walking closet ng mommy niya tsaka pinagkukuha ang lahat ng damit ng mommy niya roon at dinala sa kwarto niya.
Isa-isa niyang pinagpilian ang mga damit kung ano ang kasya na niya at kung ano ang pwede niyang magamit sa araw-araw. Ang makapili, tinawag niya si Sundy para ilagay iyon sa walking closet niya.
"Ma'am, huwag niyo ho sana mamasamain pero damit ho ito ng ni Ma'am Tanya," sabi ni Sundy nang makilala ang damit ng mommy niya.
"So?" taas ang kilay niyang tanong.
"Hindi ho ba magagalit si Sir Rome na kinuha mo ang damit ni Ma'am Tanya?"
Namaywang siya. "Bakit naman siya magagalit eh mapapakinabangan ko naman ito. Magalit siya kung itatapon ko."
"Nagpaalam na ka na ho ba kay Sir Rome?"
"Bakit ko naman kailangan magpaalam sa kanya? Eh damit naman 'yan ng mommy ko."
"Ma'am kasi..."
"Aayusin mo ba 'yan o tatanggalan kita ng trabaho? Pwede kong gawin 'yan dahil si mommy lang naman ang may gustong kunin ang serbisyo mo."
"O-oho aayusin ko na ho."
Inirapan niya ito. "Aayusin din pala ang dami pang sinabi."
Pumasok na siya sa banyo at ibinabad ang katawan sa bathtub. "Sebastian," tawag niya sa personal voice control niya sa sarili niyang kwarto.
"Yes, Kylie? How can I help you?"
"Play Taylor Swift songs."
"Sure." Pagkasabi ni'yon ay agad na pumailanlan ang kanta sa loob ng banyo niya.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang ma-relax ang katawan at isipan niya.
NAGISING si Kylie dahil kumalam ang sikmura niya. Gusto na lang niya baliwalain ang gutom pero hindi niya matiis ang nararamdamang gutom.
Bumangon siya sa kama at kinuha ang roba sa sabitan tsaka iyon sinuot. Iyon ang paboritong roba ng mommy niya at kinuha rin niya iyon sa kabinet ng mommy niya.
Pagkababa niya ay dumiretso siya sa kusina para maghanap ng pwedeng makain sa refrigerator. Nakakita siya ng graham cake kaya agad niya iyong nilabas at nagsalin sa platito at agad iyong nilantakan.
Nakakailang subo pa lang siya nang makarinig siya ng yabag ng mga paa papasok sa kusina. Inaasahan niyang isa iyon sa mga kasambahay pero hindi.
"Tanya?" si Rome na natigilan pa nang makita ang bulto niya sa dilim.
Marahil inakala niyang siya ang mommy niya dahil sa mga damit na suot niya at. Yes, lahat ng suot niya ay mga damit ng mommy niya na pinagkukuha niya kanina sa kwarto ng mga ito.
Hindi na kasi siya nag-abalang magbukas ng ilaw kaya may kadiliman ang paligid.
"Kamukha ko na ba ang mommy, Rome?" aniya.
Binuhay nito ang ilaw. "Jesus Christ, Kylie! Akala ko..." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa nukha niya.
"Why are you wearing your mommy's clothes?" kunot ang noong tanong nito.
"Bakit hindi ba pwede? Kinuha ko na dahil wala rin naman ng gagamit.
"Pero sa mommy mo 'yan."
"But mom is not here anymore," mariin niyang sabi.
"Nandito o wala, hindi mo dapat pinakialaman ang damit ng mommy mo, Kylie. Hubarin mo 'yan."
Binitawan niya ang hawak na tinidor at humakbang palapit dito. "Edi ikaw mismo ang gumawa." Umangat ang kamay niya sa dibdib nito at buong pang-aakit na humaplos doon.
"Undress me, Rome," hamon niya rito.
Galit nitong hinawakan ang kamay niya. "Hindi porket pinakiusap ka sa'kin ni Tanya pwede mo ng gawin ang mga ganitong bagay, Kylie."
"So, napipilitan ka lang na kumkupin ako?"
"Hindi sa ganu'n—"
Gakit na binawi niya ang kamay sa pagakahawak nito. "Sa mga bibig mo na nanggaling, Rome. Pwede naman akong umalis sabihin mo lang."
Nagbuntong-hininga ito. "Ang gusto lang magpakatino ka hanggang sa kaya mo ng mamuhay ng mag-isa. Hindi mo pwede gawin basta ang gusto mo."
"Tulad ng? Ang paghawak ko sayo?"
Hinaplos niya ang mukha nito na pilit nitong iniiwasan. "Ayaw mo bang hinahawakan kita, Rome, tulad nito?"
"Kylie, stop."
Humakbang pa siya palapit dito hanggang sa gahibla na lang ang layo ng mga katawan niya kung saan ramdam na niya ang init ng katawan nito.
"How about this? Ayaw mo rin ba?"
Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at galit na tunulat siya palayo. "Stop this nonsense, Kylie Rose!" Dinuro siya nito. "Kapag hindi mo tinigil ang ganitong kalokohan mo, mapipilitan akong—"
"Paalisin ako?" putol niya sa iba nitong sasabihin. "Sure. Paalisin mo ko, tingnan lang natin kung hanggang saan aabot ang konsensya mo. Baka nakakalimutan mo, Rome, nangako ka sa mommy na aalagaan mo 'ko hanggang sa kaya ko ng mamuhay ng mag-isa."
Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Alam niyang galit na ito pero pinipigilan lang nito ang sarili.
Pinaglandas niya ang daliri sa matipuno nitong didib. "Nagsisimula pa lang ako Rome. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong magtimpi sa init ng iyong katawan," aniya pagkatapos ay iniwan na itong nag-iisa.