Chapter Seven

1536 Words
SA ARAW ng Lingo ay inilibing ang mommy niya. Tulad ng mga naunang araw, marami pa rin ang sumama sa kanila hanggang sa huling sandali na ihatid ang ina sa huling hantungan nito. Marami ang umiyak pero hindi siya. Hindi niya ipinakita sa iba ang sakit na nararamdaman niya. Ibinuhos na niyang lahat kagabi na walang nakakakita. Never niya kasing ipinakita sa iba ang kahinaan niya, pakiramdam niya kasi gagamitin iyon laban sa kanya. Lahat ay nakapagbigay na ng huling mensahe para sa mommy niya ganu'n din si Rome. Nang tawagin na siya para magbigay siya ng huling mensahe sa mommy niya ay hindi siya tumayo at nagtaasan ng kilay ang lahat ng nandun dahil sa ginawa niya. "Kylie," si Rome nang lapitan siya nito. "Sinabi ko na lahat kay mommy ng dapat kong sabihin sa kanya noong nag-usap kami kaya hindi ko na kailangan pang magsalita ngayon sa harap ninyong lahat." "Kylie," "Huwag mo na akong pilitin, Rome dahil hindi ko ugaling makipagplastikan sa lahat," walang emosyong sabi niya. Nagbuntong-hininga ito at marahan na tumango. Hindi na siya nito pinilit pa dahil alam naman nito na hindi siya nito mapipilit sa ayaw niyang gawin. Nang tuluyang mailibing ang mommy niya ay isa-isa ng nagsialisan ang lahat. Ang iba ay nagpaalam sa kanya, ang iba naman ay hindi. "Kylie," tawag pansin sa kanya ni Rome. "Mauna ka na. Gusto ko munang manatili rito," aniya. Tumango-tango ito. "Okay. Ipapahintay ko na lang si Bong. Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako," anito na tumalikod na. Nang siya na lang ang naiwang mag-isa doon hinayaan ni Kylie na pumatak ang mga luha niya. Hindi na niya inabalang tanggaling ang sunglass na suot para hindi mapansin na umiiyak siya. "Mommy... I'm gonna miss you," aniya na tinutop ang bibig. Mami-miss niya ng sobra ang mommy niya. Mami-miss niya ang ngiti nito, ang tawa, ang pagtawag sa kanya ng anak at higit sa lahat ang mga yakap at halik nito na hindi na nito magawa dahil ayaw niyang ginagawa nito sa kanya. Pagkatapos niyang maiiyak lahat-lahat ay pinakalma muna niya ang sarili niya bago siya nagpasyang umuwi. Pagkarating niya sa mansion, naabutan niya si Rome sa sala kasama ang isang lalaki. Nang makita siya ni Rome ay tumayo ito. "Kylie, I want you to meet Attorney Morada. Attorney, this is Kylie, ang anak ni Tanya." Pagpapakilala ni Rome sa kanilang dalawa ng abogado. Tumayo naman ang abogado para kamayan siya at tinanggap naman niya iyon kahit pa nagtataka siya kung bakit ito nandito ngayon. "Pwede na ba tayong magsimula, Rome?" tanong ng abogado kay Rome. "Sure, Attorney. Kylie, come here." Sinenyasan siya ni Rome na lumapit. "Para saan ba 'to?" tanong niya rito na napilitang lumapit at naupo sa kaharap nitong upuan. "Ito ay tungkol ito sa conjugal properties ng iyong ina at ng iyong stepfather na si Rome," ang abogado ang sumagot sa kanya. "Is that necessary?" kunot ang noong tanong niya. "Yes," ang abogado ulit. "Paaalisin mo na ba ako rito, Rome?" baling niya sa lalaki. "Of course not. Nangako ako kay Tanya na magsisilbi akong guardian mo hangang nasa tamang edad ka na. Gusto ko lang malaman mo kung anu-ano ang mapupunta sa'yo at ang karapatan mo once na nasa legal age ka na at may kakayahan na mamuhay ng mag-isa." Napakunot noo siya. Mamuhay mag-isa? Never niyang naisip iyon samantalang si Rome gusto nitong mamuhay siyang mag-isa. "Bakit hindi mo na lang ako diretsahin at sabihin sa akin na umalis na lang ako rito?" "That's not what I mean, Kylie. Gusto ko lang malaman mo kung ano ang mga naiwan ni Tanya para sa'yo," si Rome. Inis na isinandal niya ang likod sa backrest ng upuan kuway pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Whatever. Alam ko naman na labag sa loob mo ang manatili pa ako rito." "Kylie—" "Sabihin niyo na ang dapat kong marinig," sabi niya. Nagbuntong-hininga si Rome at humarap sa abogado. "Umpisahan na natin." Sinimulan na ng abogado na basahin ang conjugal properties ni Rome at ng kanyang ina. Halos hindi siya makapaniwala sa naririnig. Hindi siya basta pwede paalisin ni Rome sa mansion dahil ang kalahati ni'yon ay pagmamay-ari ng kanyang ina na ngayon ay mapupunta na sa kanya. May binanggit pang mga ibang properties na pagmamay-ari mismo ng kanyang ina at maliban 'dun ay meron itong ilang milyon na nasa banko. At ang lahat ng mga nabanggit ay mapapasa kanya sa oras na nasa legal na edad na siya. "Tapos na ba?" aniya nang matapos mag salita ng abogado. "Yes, Ms. Alcantara," ang abogado. "Can I leave now?" Tumango si Rome. "Sure. Magpahinga ka na rin. Ipapatawag na lang kita kapag maghahapunan na." Walang paalam na inalisan niya ang mga ito at dumiretso sa kwarto niya. Pagkapasok niya ay galit na ibinato niya ang shoulder sa ibabaw ng kama. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng inis kahit pa meron siyang makukuhang mana. Ang pagkakaintindi niya, maaari na siyang mag-solo kapag tumuntong na siya sa edad a labing walong taon. Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama niya. Hindi niya gugustohin na umalis sa puder ni Rome. Hindi siya aalis lalo na kung hindi nito tatanggapin ang nararamdaman niya para sa lalaki. Pinapangako niyang magiging sa kanya si Rome kahit na anong mangyari. Nagpasya siyang maligo para ma-refresh siya at pagkatapos ay nahiga siya sa kama. Dahil sa puyat at pagod ay hindi niya namalayan na tinangay na siya ng antok. Nagising siya dahil sa katok sa pinto ng kwarto niya. "Ma'am Kylie, kakain na ho ng hapunan," sabi ni Sundy. "Ma'am?" muling katok nito. "Susunod ako," aniya. Pungas-pungas na bumangon siya. Umalis siya sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Tinali niya muna ang mahaba at kulot niyang buhok bago nagpasyang lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa dining area. "Nasaan si Rome?" tanong niya ay Sundy nang hindi madatnan doon si Rome. "Umalis ho, Ma'am Kylie," Nangunot ang noo niya. "Umalis? Saan nagpunta?" "Hindi ho sinabi." "Kung ganu'ng wala pala siya, bakit mo ko tinawag para kumain?" pagtataray niya sa kasambahay. "Bilin ho kasi ni Sir Rome." Naiinis na ipinikit niya ang mga mata. Gusto niyang sumigaw dahil nadagdagan na naman ang nararamdaman niyang inis. Pinipigilan lang niya ang sarili na ibuntong ang inis kay Sundy. Naupo siya at sinimulan na kainin ang pagkain na inihain sa kanya ng personal maid niya. "HOW ARE you, bud?" tanong sa kanya ni Jerusalem nang dumating ito sa bar. Tinawagan niya ito para samahan siyang uminom." "I'm not fine." Tinungga niya ang laman na alak ng baso niya. "Pinipilit ko lang maging okay." Tinapik siya nito sa balikat. "Pasensya na kung hindi ako nakasama sa libing ni Tanya." "I understand." "Kumusta naman ang anak ni Tanya? Aalis na ba siya sa bahay mo?" Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Bakit siya aalis sa bahay?" "Dahil hindi mo siya resposibilidad?" "Anak siya ni Tanya, Jer." "Exactly! Anak ni Tanya. Sabihin na natin na sa'yo pinagkatiwala ng asawa mo ang anak niya habang wala pa ito sa tamang edad, pero hindi mo obligasyon na sa bahay mo siya patitirahin. Pwede mo siya kuhaan ng condo at dun patirahin. Kuhaan mo siya ng makakasama niya para magbantay sa kanya." Umiling siya. "I can't. May karapatan si Kylie sa bahay dahil conjugal property namin iyon ni Tanya. Isa pa, nangako ako kay Tanya na ako ang mismong maggagabay kay Kylie." "Sigurado ka ba dyan? Rome, I don't trust that girl. Mukha siyang merong gagawin na hindi maganda, believe me." Nangunot ang noo niya. "Paanong hindi maganda?" "You know what I'm talking about. Hindi ka naman siguro manhid o bulag para hindi makita o maramdaman kung ano ang motibo sa'yo ng batang 'yon. Iba siya mag-isip kumpara sa mga kaedaran niya." Hindi niya itatanggi ang sinabi nito dahil alam naman na niya at lalong ramdam niya na may gusto si Kylie sa kanya tulad ng sinabi nito. "I can't leave her alone, Jur. Besides, she's still a child. Ayoko na ipagkatiwala lang siya kung kanino." "Ewan ko ha? Feeling ko talaga maling desisyonang gagawin mo, Rome." "Ayokong mag-isip ng hindi maganda kay Kylie. Aminado akong matigas ang ulo niya pero naniniwala akong pwede pa iyong mabago." "Baka naman magulat na lang ako na ikaw na ang humahabol sa batang 'yon," anito na lumagok ng alak. "Hinding-hindi mangyayari 'yan." "Sana nga. Huwag na huwag kang padadala sa kapusukan ng anak-anakan mo, Rome." Hindi siya nakasagot. Nagsalin siya ng alak sa baso niya at agad iyong tinungga. Hindi na niya tinuon ang isip kay Kylie kundi iniisip niya kung paano niya magagawang makatulog na hindi na makakatabi pa si Tanya. Hindi na kasi siya sanay na matulog na hindi katabi ang asawa niya. Sanay na siyang malanghap ang pamilyar nitong amoy at sanay na siyang kayakap ito sa magdamag. Nasanay na rin siya na makakwentuhan si Tanya bago sila matulog. Sanay na rin siya na ang mukha nito ang mabubungaran niya at lalong sanay na siya na ang boses nito ang ang naririnig niya sa umaga sa tuwing gigisingin siya nito. Muli siyang tumungga ng alak at in-enjoy na lang niya ang gabing iyon para hindi maalala ang namayapang asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD