HINDI magawang makapag-focus ni Kylie sa pag-aaral dahil sa pag-uusap nila ni Veronica. Pilit man niyang kalimutan ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito. Hindi na niya sinabi pa kay Rome ang ginawa nito dahil kaya pa naman niyang dalhin. Isa pa, alam din naman niyang marami na rin iniisip si Rome para dagdagan pa niya. Dahil sa ginawang eskandalo ni Veronica sa school na pinapasukan niya naging tampulan na siya ng chismis. Kabilaan ang naririnig niyang balita tungkol sa kanya. Ang iba may dagdag at ang iba naman ay may bawas. Hindi na lang niya pinapansin dahil naniniwala siyang lilipas din ang lahat. Papunta siya sa locker nang marinig niya ang dalawang babae na nag-uusap at ang pinag-uusapan ng mga ito ay tungkol sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali ng pag-alala

