NAKAGAT ni Keren ang ibabang labi nang maalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Dave. Alam niyang palabas lang 'yun, pero sa tuwing naaalala niya ng tagpong 'yun ay bumibilis ang t***k ng puso niya. Mariin niyang ipinikit ng mga mata at pagkakuway ay pinilig ang ulo. Hindi tama ito. Hindi tama na mahulog siya kay Dave dahil wala itong magandang maidudulot sa buhay niya. Hindi lingid sa kaalaman niya na kaya ito nagpasyang tulungan siya dahil meron din itong kailangan sa kanya. Kaya hanggat maaga kailangan na niyang supilin kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata. Narinig niya ang pagtunog ng bell sa may pinto, tanda na may pumasok na customer. "Good day, ma'am—" Natigil siya sa ginagawang pag-aarange ng bulaklak nang makitang si Monique ang pumasok sa shop niya. Taas a

