"BAKIT parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Jerusalem kay Dave habang nagmamaneho ito. Kasalukuyan silang nasa Marinduque dahil sa isang out of town meeting. Umalis lang sila sandali sa hotel para bumili ng makakain. Talagang pahirapan ang tindaan na pwede nilang bilhan dahil ang iba ay sarado at ang iba naman ay malalayo. "Meron lang akong iniisip," aniya. "Himala ngayon ka lang ata nag-isip." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tinuon lang niya ang mga mata sa labas ng bintana. "Sigurado ka na bang papakasalan mo ang kaaway ng kapatid mo?" maya'y tanong nito sa kanya. Alam kasi nito ang tungkol doon. Wala naman kasi siyang inililihim rito at kay Rome. "Oo. Kung hindi ko gagawin 'yon mapupunta kay Dalton ang kumpanyang pinaghirapan ko," aniya. Kapatid niya si Dalton sa ina a

