Three years later... "MAMA, mama, gising na po!" gising sa kanya ni Ross habang tumatalon talon ito sa ibabaw ng kama niya. Umuungol namang nagising si Kylie dahil sa ginagawa ng anak. "Ross, itigil mo 'yan please..." "Gising ka na po, Mama. Diba you promise me po na ipapasyal mo 'ko sa mall ngayon?" sabi nito na patuloy pa ring tumatalon. Pilit niyang idinilat ang isang mata at tumingin sa anak. "Anong meron?" Naka ngusong huminto si Ross sa pagtalon at pabagsak na naupo sa tabi niya. "Si Mama naman! You forgot it's my birthday today." Nginisihan niya ito. "Hindi ka naman mabiro." Pinisil niya ang baba nito. "Makakalimutan ba ni mama ang birthday ng paborito kong anak?" Bumangon siya at inayos ang ilang hibla na tumabing sa maganda nitong mukha. Habang lumalaki si Ross hindi maitat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


