SA MGA sumunod na araw ay naging abala si Keren sa flower shop. Nitong mga nakaraang araw kasi dumami ang mga naging customer niya at kabilaan ang mga order kaya kinakailangan niyang pumasok ng maaga at gabi na nakakauwi ng bahay. Mabuti na lang talaga naaasahan niya ang stay out baby sitter ni Cedric na si Joy. Katatapos lang niyang mag-arrange ng bouquet nang may pumasok sa shop niya. "Good morning, sir—Liam?" hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "I'm glad I found you, Keren." malawak siya nitong nginitian at sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap. "It's been awhile," tinitigan siya nito kuway ngumuso. "bakit umalis ka ng walang paalam?" Kababata ni Keren si Liam sa Teharas. Mula kasi nang mamatay ang mga magulang nila ni Karyn ay kinakailangan nilang ibenta ang maliit nilan

