Chapter Thirty Two

2169 Words

SAMANTALA... Mahigpit na hawak ni Keren ang kamay ni Cedric habang mahimbing itong natutulog sa malaking itim na sofa. Hindi niya inaalis ang tingin dito na para bang ano mang oras ay maaari itong mawala sa kanya. Gagawin niya ang lahat para sa kapakanan ng bata. Hindi siya makakapayag na makuha ni Dalton ang nag-iisang ala-ala sa kanya ng kapatid. Hindi siya papayag na mapunta ito sa isang ganid na tao. Nangako siya kay Karyn na hindi niya ipapakita sa mga Franco ang bata at lalong hindi niya ibibigay ang bata sa ama nito kahit na anong mangyari. Pero sa pagkakataong ito, kailangan niyang harapin ang kapatid ni Dalton na si Dave Franco. Hinaplos niya ang malambot na mukha ng paslit at masuyo niya itong kinintalan ng halik sa noo. Isang taon na ang lumipas mula nang mamatay ang kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD