HALOS hindi makahinga si Kylie habang titig na titig siya pregnancy test na hawak niya. Two lines and it means positive. She's pregnant! Hindi niya mapigilan na maiyak dahil naaawa siya para sa magiging anak niya. Hindi pa stable ang buhay niya, ano na lang ang buhay na maibibigay niya sa magiging anak niya? Idagdag pa na kahit kailan ay hindi nito pwedeng makilala ang ama. Namumutla na lumabas siya mula sa banyo habang hawak ang dalawang ginamit na pregnancy test. "Anong resulta?" hindi makapaghintay na tanong ni Sundy. Ipinakita niya iyon pero hindi tulad niya ay hindi na ito nagulat. Parang inaasahan na nito na buntis siya. "Buntis ka," anito habang nakatingin sa pregnancy test. Nanlulumong naupo siya sa upuan. Bakit wrong timing pa kung kailan wala ng pag-asang magkita sila ni Rom

