PAGKARATING ni Kylie sa hospital ay halos manghina siya nang makita niya si Rome sa emergency na walang malay at naliligo ito sa sarili nitong dugo. Kinakailangan nitong maoperahan dahil may tubong bumaon sa dalawa nitong hita pati na rin sa may bandang dibdib nito. Pero dahil mag boyfriend pa lang sila ay hindi pa rin pinayagang ng hospital na siya ng pumirma sa waver at sumailalim sa operasyon si Rome. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang tawagan si Veronica at ipaalam ang nangyari kay Rome. Agad namang dumating si Veronica pero gusto muna siya nitong makausap bago nito pirmahan ang waver. "Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Importante ba 'to kay sa buhay ni Rome?" umiiyak niyang sabi. "Pipirmahan ko ang waver sa isang kundisyon." Napakunot ang noo niya. "Kundisyon? Anong kundisyo

