NAKAYAKAP lang sa kanya si Rome habang nagluluto siya ng umagahan. Tuturuan daw siya nitong magluto pero wala naman itong ginawa kundi ang yakapin siya. Napapangiti na lang siya dahil sa pagiging sweet nito ngayon. "Akala ko ba tuturuan mo 'kong magluto? Paano ako matututo kung nakayakap ka lang sa'kin?" Hinalikan nito ang gilid ng leeg niya. " just keep cooking," anito habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. Natawa siya. "Kung tinuturuan mo na kaya ako diba?" "Gusto ko lang kayakap ka, kitten." "Para naming matagal mo akong hindi mayayakap. Pwede naming ditto ka ulit mamayang gabi matulg kung gutso mo?" "Hmmm... date tayo?" mayay sabi nito. Pumihit siya paharap dito. "Saan mo naman ako ide-date hmm?" "Kahit saan mo gusto. Sabihin mo lang sakin." Saglit siyang nag-isip kung sa

