PAGKATAPOS nilang kumain ay nagkaaayaan na silang maligo sa dagat kaya agad silang nagpalit ng swimsuit at pagkatapos ay dumiretso sila sa cottage kung saan naghihintay na doon ang mga lalaki. Himala hindi kasama ni Rome si Isabella. Lumapit si Rome sa kanya. "Hindi ba masyadong revealing ang suot mo?" tanong nito sa kanya. Ang lakas nitong kausapin siya pagkatapos nitong sirain ang araw niya. At ang lakas ng loob nitong kausapin siya porket wala si Isabella sa paligid. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano naman sa'yo? Susuotin ko kung ano ang gusto ko," masungit niyang sabi. Nagbuntong-hininga ito. "I'm sorry kung kinakailangan kong isama si Isabella, ayaw niya kasing magpaiwan. Hindi ko rin naman siya pwedeng iwasn baka kasi—" Walang emosyon na tiningnan niya ito. "I don't need your exp

