Insecure "Can I rest first, mom?" pagod at inaantok kong tanong kay mommy. "I'm so tired and sleepy." Kakagaling lang namin ni mommy sa Manila nang dahil sa interview ko sa Canadian Embassy. Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong merong embassy dito sa Davao but mom insisted na sa Manila na upang mas sigurado. Akala niya ba'y napakadali lang pumunta ng Manila galing Davao. Hindi rin biro ang pamasahe ah. "I told you that we should just stay in Manila. Sa mga Tita mo doon. I'm sure they won't mind habang inaayos natin ang papeles mo." suggestion ni mommy. I think she's going to sleep in my condo dahil madaling araw na kami nakarating dito sa Davao. "Gusto ko pong sulitin ang natitira kong araw dito sa Davao, 'mmy." sabi ko. "Just please let me have this.." She sighed. "Okay." ngumiti

