Approved "What happened to Kate?" tanong ko kay Mel na ngayo'y nakatitig lang kay Kate. I saw Kate silently crying while holding a glass of whiskey at nakatingin lang sa kawalan. "Spacing out and drinking..." napakawalang kwentang sagot sa akin ni Mel. "She just asked me out to chill at ito na siya ngayon... umiinom." Napailing nalang ako sa binibigay na sagot sa akin ni Mel at saka pinausod siya sa kabila upang makatabi ko si Kate. "Kate.." I called her attention. "I failed again." simpleng sabi niya nang hindi ako binibigyan ng tingin. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong. "Ano bang nangyari sa'yo?" She smiled and a tear fell from her eyes. "I failed again." ulit niya. "My heart failed again." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Kung kanino siya nagkamaling magmah

