Chapter 19

1568 Words

Katatapos lang naming mag-order, nang matanaw ko si Ayen sa may entrance ng Chillax Bar. Nakangiti itong lumapit sa amin saka isa-isa kaming bineso. Matapos ay pumuwesto na siya sa tabi ko, na sadyang binakante namin para sa kaniya. “Sorry naman na-late ako,” hinging paumanhin pa niya sa amin. “So, anong mayroon mga friends?” tanong niya sa amin nang makaupo na siya nang maayos. Nagtinginan naman ang mga kaibigan ko sa akin, kaya inilabas ko na ang tatlong pregnancy test, at inilatag ang mga iyon sa harapan ni Ayen. Agad namang namilog ang mga mata niya, at napatakip ang dalawang palad sa kaniyang bibig. “Oh em ghee!!! Totoo ba ito?” bulalas niya saka humarap sa akin. Tumango-tango naman ako, habang nakangiting pinagmamasdan ang gulat na gulat niyang mukha. At hindi na nga niya napig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD