Chapter 4

678 Words
"Hoy!", tawag sa akin ng isang mababang boses. Nakita ko 'yung Ganster-like smile nung nagligtas sa akin. Hinabol ko siya pero nahulog ako sa butas. "Gah!", nagising ako at nasa loob ako ng kwarto ko. "Ano ba yan, panaginip lang pala." "Oh? Anong nangyari sayo?", tanong ni Ellaine na may hinahalungkat sa closet. "Pahiram akong shorts." "Napanaginipan ko 'yung nagligtas sa akin eh.", sabi ko habang ginugulo buhok ko. "Hay nako Ellaine, hindi ko makakalimuan 'yung gangster smile nung nagligtas sa akin. Nakakakilabot kaya!" "Kalimutan mo na nga yon! Ganito nalang, maligo ka na at mag ayos! Bibili na tayo ng mga gamit natin for school." Oo nga pala, next week na 'yung pasukan namin. OMG, ang bilis ng panahon. Bumangon na ako at nag-ayos. Pagkatapos dumeretso na kami ni Ellaine sa Department Store ng mall. "OMG, ang ganda nung bag! Tignan mo El! ", sigaw ko. "Oo nga,bibilhin mo? ", tanong ko. "Yup!" After mga 3 hours, naikot na namin ang buong mall. "Marami rami narin to Cass. Tara, kain tayo?" "Sige,gutom na rin ako eh." Pumunta kami si Pizza Hut, my favorite food.  Kumuha kami ng isang malaking box. "Grabe, mauubos ba natin to Cass?" "Syempre, tayo pa!" "Tsk, kaya ka tumataba eh!" "Last na to, promise." "Bahala ka na nga!" Kumain na kami. Hala,ang arte nitong si El. May nakita lang gwapong dumaan, parang kung sinong disenteng kumain ng pizza, pa knife knife pa. "Hoy! Kamayin mo na yang pizza mo!" "Che! Umayos ka nga! Tignan mo 'yang bunganga mo! Ang daming dumi, magpunas ka nga!" "Hay nako, you really need to get a makeover. Tignan mo, mukha ka na talagang manang. Tara sa Salon! Treat ko! " "Grabe naman, kung makapagsalita ka parang ang pangit ko ha?" "Gusto mo maging honest ako? OO! Ang panget mo na Cass!" "Ouch ha." "Hindi, joke lang. Maganda ka naman talaga, baduy ka lang at walang class. 'Yung ganun. And besides, we will be kolehiyalas, we have to look like one!" "Oh of course! I'm talking to a model!" "Right, you're talking to a model! So dapat ayusin mo na yang sarili mo, tsaka ikaw ang mag knife! Nandito ka sa restaurant! Wala sa bahay!" "Alam mo bang mga Pilipino lang ang nagkukutsilyo ng pizza? Sa America kinakamay 'yan. " "Wala akong pakialam, Pilipino ka at nasa Pilipinas ka. Follow the norm.", sabi ni El at itinuloy niya ulit ang pagpapa cute sa lahat ng gwapong lalaking naglalakad malapit sa amin. Pagkatapos naming kumain, dumeretso na kami sa Salon. Inayusan nila ako, nag pa straight ng buhok at nag pakulay. Inayos din nila 'yung kilay ko. Hala, may ganito pa palang proseso sa mundo? Matapos nila akong pagandahin pa, pumunta naman kami sa mga may damit, hindi kasi ako mahilig mag dress.  "Uy, ang iikli naman ng damit dito!" "Che! Ito ang bagay sayo! Para saan pa at inaalagaan mo 'yang maputi mong legs kung di mo din lang ipapakita?" "Kailangan?" "Oo, dahil ate mo ako! Ako ang susundin mo!" pumili siya ng mga damit na marami. Kulang nalang bilhin niya 'yung buong store! "Miss, lahat 'to. " "Ha? Are you crazy? Isusuot ko 'tong lahat?" "Cass, college ka na. Wala nang school uniform." "Pero, magiging nurse din naman ako ah! May uniform!" "Oo nga, pero hindi naman everytime naka uniform ka diba?" Wala akong magawa, inayusan niya na ako. Nakakainis naman oh, baka hindi na nila ako makilala nito. "Cass, bagay 'tong lahat sayo, trust me!" "Whatever.", tumawa siya. Ewan ko kung pinapahirapan niya lang talaga ako eh. Nakauwi na kami at nag aabang si Daddy. "Goodness, maganda ka pala. Kamukha mo na ang mommy mo." "Ouch dad, nung hindi ba ako nag ayos hindi ko kamukha si Mommy?", tanong ko. "Actually hindi, kasi ang mommy mo mahilig mag ayos 'yan hindi katulad mo, pasalamat ka kay Ellaine at nagmalasakit siya sayo." "Of course Dad, she should act like a true Pineda. Pansin ko, mas baduy pa siya kaysa sa school nerd namin eh.", sabi ni El. "Ako ata ang totoo mong anak, Tito" "Oo nga eh.", nagtawanan kami. Magkasundo talaga 'tong dalawang 'to. Hindi na ako nagtaka mahilig kasi silang dalawa sa business kaya nga 'yun ang course ni El eh. Hindi ako nagseselos ah, alam ko namang pantay ang pagtingin sa amin ni Dad eh. School is approaching, I'm so excited! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD