Chapter 5

1225 Words
Cassie's POV Dahil magkaiba kami ng course, hindi na kami masyadong magkikita ni El. Sigurado ako, magkakaroon na din siya ng new friends doon. Oh well, kailangan ko rin namang maghanap ng new friends ko. "Hi miss, ang ganda mo!", sabi nung isang boses. Akala ko wala nang catcalling sa college. Hindi ko inasahang meron pa pala. Tinignan ko sila ng masama hanggang sa may nabangga akong matigas na bagay. "Aray!", sigaw ko. Hindi ko namalayang hagdan na pala 'yung susunod kong step at nadulas ako.  Buti nalang walang tao, sa may bandang baba lang pero nakita nila akong nakaupo sa may staircase. "Miss, madumi diyan, 'wag kang umupo diyan.", sabi nung naka red na mukhang senior na ata. "May pinupulot lang po ako.", sabi ko na may awkward smile. Nginitian niya ako ng weird smile. "Nakita ko 'yon.", sabi ng isang boses ng lalake. Tinawanan ako nung lalakeng naka salamin.  "Ang alin?", sabi ko sabay masahe sa legs ko. "Nako, nakita ko no, nalaglag ka sa hagdan.." "Ganun, tapos pagtatawanan mo ako?" "Sige na tumayo ka na.", tinulungan niya akong tumayo. Ouch ang sakit sa pwet ko. "Ako pala si Zed", sabi nung lalaki. "Hello Zed, ako si Cassie. Cass for short, 1st year ka din ba?" "Yup, nursing, ikaw?" "Nursing din, what a coincidence." "Patingin nga ng schedule mo?", pinakita ko ang schedule form ko at kinumpara niya sa kanya. "Uy, magkasama tayo sa most of the subjects natin oh! " "Oo nga no, tara na sa first class? " At ganoon kadali, nagkaroon ako ng unang kaibigan. Pumasok na kami sa first subject namin, medyo boring pero ok lang naman. Ganito pala sa college pero masaya naman daw eh. Puro minor palang kami at may isang major ngayong first sem. Next subject na, pero hindi ko kasama si Zed. Kailangan ko pang pumunta sa next class ko, napadaan ako sa may malapit din sa hagdan. Nakita ko si manong Janitor, medyo matanda na siya na may dinidikit sa may pader kaso kailangang umakyat sa upuan. 'Yung mga bwisit na padaan daan lang, di man lang tulungan si manong. Dali-dali akong pumunta sakanya at nag alok ng tulong. "Manong, tulungan ko na po kayo." "Salamat iha, hindi ko na rin kasi maabot eh." "Sige po, ako na po." Umakyat ako sa upuan, parang hindi pa ito matibay. Hinawakan ni manong 'yung upuan para medyo stable. Malapit na sana akong matapos pero may mga nagtatakbuhan sa hallway, ano 'to Highschool? Shet, malalaglag na ako! Mauuntog na sana ulit yung pwet ko nang naistretch ko ang kamay ko sa isang matigas na bagay. Tao.  Nabigla kaming dalawa. Naka patong 'yung kamay ko sa magkabilang balikat niya at naihawak niya naman sa baywang ko 'yung kamay niya dahil sa pagkabigla. Literal na nakasandal ako sakanya habang 'yung paa ko nakapatong pa rin sa dulo ng upuan. Familiar ang mukha niya. Nginitian ko siya ng awkward at humingi ng pasensya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at inalis ang pagkakahawak niya sa baywang ko at 'yung mga kamay ko sa balikat niya. Buti nalang nakatalon ako kaagad sa sahig bago pa ako ma out balance ulit. "Aray! Ano ba!", hindi siya nagsalita at nilagpasan niya ako kasama ng mga kabarkada niyang mukhang adik. Binigyan niya ako ng creepy na ngiti. Teka? Familar yun ah,.parang nakita ko na! "Ok ka lang miss?", tinulungan ako ng isang babae. Ang ganda niya, para siyang anghel. "Uhm, ok lang po ate.", sabi ko na nakatitig pa rin sa mukha niya. "Lea, tawagin mo akong Lea, school director. " "Ok lang po ako ma'am Lea, ako po pala si Cassie. " "Pagpasensyahan mo na si Josh ah, ganyan lang talaga 'yang pinsan ko hindi gentleman. " "Pinsan niyo? 'Yung mukhang psycho na 'yun? ", tumawa siya. Kung school director siya ibig sabihin, influential na tao 'yung Josh. Nag-usap kami ng kaunti at nag network lang ako ng kaunti, hehe. Well, mana sa Tatay. Binigay niya sa akin 'yung number niya. "Ayan Cassie, itext mo ako o tawagan kapag may problema ha? ", nagpaalam na siya at tumuloy na ako sa susunod kong klase. Nalate ako ng kaunti. Pagkapasok ko, nagchecheck na sila ng attendance. Buti nalang P ako! Bigla kong naalala yung kanina. Teka, saan ko ba nakita yung smile na yon? Nakakainis, grabe! Ang sakit na talaga ng pwet ko, kanina pa to nasasaktan. Nung lunchbreak na namin, nagkita kami ni Ellaine na mukhang fresh pa rin. "Oh? Anong nangyari sayo?", tanong niya. "Huwag mo nang alamin." "Bahala ka. " "Nakakainis na first day to." Nakita ako ni Zed na may kasamang mga kaibigan niya ata. Kinawayan niya ako. "Yuck, kilala mo yung mga 'yun?" "Gaga, anong yuck? Ang bait kaya niya? Alam mo napaka judgmental mo, kung hindi kita kapatid baka magkaaway tayo ngayon.", sabi ko. "Oo na, tagapagligtas ng mga naaapi." "Tange, ikaw kamusta first day mo?" "Medyo nakakailang, may mga grupo kasi ng mga lalaki. I mean apat sila, ang seryoso, feeling mga royal bloods. Lalo na 'yung leader nila. Maayos naman 'yung pananamit nila pero 'yung kilos nakakatakot." "Oh, inano ka nila?" "Wala nga eh, hindi man lang nila napansin beauty ko! Nakakainis." Minsan gusto kong batukan tong si El dahil sa kalandian niya. "Kanina may na-meet akong lalake, parang kamukha nung mukhang gangster na nagligtas sa akin sa beach. " "Baka siya 'yon?", tanong ni El. "Grabe namang coincidence 'yon. Tsaka na meet ko yung school director natin! Ang bait niya!" "Gwapo ba?" "Sino, 'yung school director? Babae 'yon!" "Tange hindi, yung na meet mong kamukha." "Oo, siguro, pwede na." "Nararamdaman kong ipinagtagpo kayo ng tadhana." "Alam mo, sinasabi mo 'yan sa lahat ng lalakeng nakikilala ko. Pati 'yung mga aksidente kong nabangga sa grocery. Kulang ka ba sa pagmamahal namin?", hinampas niya ako. "Oo na, hindi na." "Uy, naalala ko, may na meet ka na bang gangsters?", tanong ko. "Sobrang curious kasi ako eh." "Gaga anong gangster? Gang members!"  "Potaytow, Potatow.", sabi ko.  " Silly, wala pa nga eh, balitaan kita kung meron, pero sabi nila may mga tambayan 'yang mga 'yang around the student quadrangle. Tara mamaya?", sabi ni El. Itinuloy namin ang pagmamasid sa mga tao sa cafeteria. Makikita mo ang grupo grupo eh. Nang natapos kaming kumain, nag-ikot kami sa student's quadrangle para mag observe. Iba-iba ang itsura ng mga tambayan. May mga kubo, may mga parang waiting shed lang, may mga parang kainan, may mukhang shed, may mukhang bench lang, at may mga iba na sa hagdan lang nakatambay. Eto ang main student grounds ng school kung saan nangyayari ang iba't ibang student interactions. "Saan kaya 'yung tambayan ng mga gangs no?", tanong ko. "Hindi kami dito.", sabi ng isang babaeng may kulay blue na highlights, naka white T-shirt, ripped jeans at boots. "May sarili kaming buidling.", itinuro niya 'yung isang bungalow building sa isang gilid ng quadrangle. "Cheska ka nga pala, manunulat." Wow. We actually met one! "Hello po." "Let me guess, freshies?" Tumango kami. "Course?" Sinabi namin ang course namin at nagpakilala na rin. "Ah, Cassie pwede kang sumali sa Life Savers and ikaw naman Ellaine, baka interested kang mag Wild Slayers." "Paano po ba sumali?", tanong ko. Hinampas ako ni El na alam kong sorority lang ang gustong salihan. "May kanya-kanyang application process ang gangs, frat-soro at student orgs. First step is to ask.", sabi niya. "Pero, bawal pa sumali sa mga ganito ang freshies. But you can attend the orientations para kung sophomores na kayo, pwede na kayong magstart mag apply. Sige, pasok na ako. See you around.", sabi niya. Napaka friendly naman ng mga tao dito. Mukhang ang gangs ang pinakamayayaman sa tatlong categories ah. "I'm scared, they look weird.", sabi ni El. "Let's go to our classes na." Bumalik kami sa school buildings at pumunta na sa kanya-kanyang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD