Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang highway. Nakaupo ako sa likod, tumitingin sa bintana, pero wala akong nakikita. Hindi ko maramdaman ang mga ilaw sa kalsada o ang tunog ng gulong sa sementado. Ang naririnig ko lang ay ang sarili kong isip na paulit-ulit na binabalikan ang nangyari. Cassie. Nakakulong na siya. Hindi na niya magagawa pang saktan si Miko… o ako. Pero kahit nasa likod na siya ng rehas, parang hindi pa rin ako makahinga nang maayos. Bakit ganito kabigat? Bakit parang ang dumi-dumi ng mundo ko ngayon? Kasalanan ko ba ’to? Oo. Dahil pinaniwalaan ko siya. Dahil hindi ko nakita na sa likod ng bawat ngiti niya, may kasamang kasinungalingan at dugo. Napapikit ako at humigpit ang kapit ko sa upuan. God, Lexi… if you can hear me, I’m sorry. I’m so damn sorry. “Sir?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


