CHAPTER 42

1718 Words

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Kanina lang, hawak ko ang atensyon ng lahat. Lahat ng mata sa akin. Pero ngayon… ako na ang nakatingin sa kanya. Kay Mira. Nakatingin sa akin nang diretso, walang takot, walang pag-aalinlangan. At nang marinig ko ang salitang iyon—“Ang katotohanan sa pagkamatay ni Ma’am Lexi!”—parang biglang tumigil ang mundo. Lexi. Ang pangalan na hanggang ngayon ay parang sugat na hindi maghilom-hilom. Ang pangalan na ayaw ko nang marinig, pero narinig ko mula sa labi ng babaeng akala ko’y magiging kalmado ngayong araw. “Anong… anong ibig mong sabihin?” tanong ko ulit, mas mahina na pero may halong galit. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na hawak ang podium. Ayokong ipakitang nawawala ako sa kontrol, pero tangina, ang bilis ng t***k ng puso ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD