Alas siete pa lang ng umaga, gising na ako. Suot ko na agad ‘yung apron kong may print na “Live, Laugh, Lumpia” at handang-handa na sana akong bumawi sa pagkakasunog ko ng dila ni Don Quixotte kagabi. Naisip ko, this is my redemption arc. Kailangan kong bumawi sa almusal.
“Okay, Mira. Magtimpla ng kape. Walang sablay. Kape lang. As in coffee. Not complicated,” bulong ko habang nilalabas ang mug.
Nakita ko ‘yung canister na may laman. Dark brown ‘yung powder. “Uy, ito na ‘yon!” sabi ko sa sarili ko. Nilagyan ko ng mainit na tubig, halong-halo, lagay sa tray. Kinuha ko pa ‘yung best cup na may gold lining. Bongga!
Habang naglalakad papunta sa breakfast nook, pinapangarap ko na naman:
“Mira, ang sarap ng kape.”
“Mira, you’re improving!”
“Mira, will you marry—”
“Ay wait lang, wag muna dun…” pinutol ko ang sariling daydream. Focus muna.
Pagkapatong ko ng tray sa mesa, andoon na si Don Quixotte—suot pa rin ‘yung black robe na parang laging may lamay pero sosyal.
Tahimik lang siya. Binuksan ang diyaryo. Ako naman, nakatayo sa gilid, proud sa gawa ko.
Kinuha niya ‘yung tasa. Inamoy.
“Hm. Mabango.”
Napangiti ako. Success!
Tinikman niya.
Sumimangot.
Tumitig sa tasa.
Tumitig sa akin.
“MIRA.”
Napakagat ako sa labi. “Po?”
“WHAT IS THIS?”
“Uh… Coffee, po?” sagot ko habang pilit ngumingiti.
“COFFEE? This tastes like juice! Sweet! Fruity! May aftertaste na parang kindergarten party!”
Napalunok ako. “N-nestea po ba ‘yun?”
“Apple. Nestea. Juice!” galit niyang sambit habang nilapag ang tasa. “You served me hot apple iced tea in a mug meant for coffee. At mainit!”
“Pasensya na po… kasi po magkamukha sila ng powder ni Nescafé!”
“Mira…” he stood up, deep breath. “I’ve had it. I said one more mistake and you’re fired. This is it.”
Napatulala ako. Hindi ako agad nakagalaw. This is it na raw talaga. The final episode ng Mira sa Mansyon.
“Pack your things,” malamig niyang sabi.
“Now na po?” tanong ko, namumuo na ang luha ko.
“Now. Before I lose my patience.”
Pero bago pa man ako makalakad paalis, biglang bumukas ang pintuan sa hallway. Tumambad si Mirl—ang sosyal at stylish na pinsan ni Don Quixotte. Parang galing fashion week. Blonde wig, shades sa loob ng bahay, at may dalang maliit na bag na di mo alam kung pang-aso o pang-pusa.
“Ohh, cousin!” bulalas ni Mirl habang lumapit. “I missed you!”
Napilitan si Don Quixotte na ngumiti ng kaunti. “Mirl, I didn’t know you’d arrive this early.”
“Surprise! I wanted to see your new mansion and of course—meet the people who serve your daily life,” sabay tingin sa akin.
Napakapit ako sa tray.
“She’s new,” sabay sabing ni Don, pinipigilan ang inis. “But I’m letting her go.”
“Why?” tanong ni Mirl habang tinatanggal ang shades niya. “She looks harmless. Like… a broken puppy.”
“Because she just served me hot apple iced tea as my morning coffee.”
“OMG,” tawa ni Mirl. “That's... honestly impressive. Who does that?”
Ako po.
“I do not have time to keep fixing her mess,” sabay buntong-hininga ni Don Quixotte.
Pero si Mirl? Tumayo, pumalakpak ng maliliit. “Well, guess what? I love her. She’s funny! She gives... chaotic house girl energy. Very t****k. You can’t fire her while I’m here.”
“Excuse me?” Don raised an eyebrow.
“Oh, come on. I’m your guest. And who’s going to serve me while you sulk in your office? Wala ka nang ibang katulong, ‘di ba?”
Napatingin sa akin si Don Quixotte. Matalim.
Ako? Ngumiti. Malamya. “Sir, I can still serve naman po... I promise next time, coffee na talaga—cross my elbow.”
“Cross your elbow?” Mirl laughed. “She’s a keeper.”
Don sighed. Deep. Frustrated. Defeated.
“Mira…” tinawag niya. “I swear, one more mistake—”
“I’m fire?” sabay sabat ko.
“No—you’re ashes.”
Napangiti ako. “Okay po!”
Tapos, binuhat ko ulit ‘yung tray. Pero maliwanag na sa puso ko—hindi pa ito ang ending ni Mira Marinduque. Kahit ilang beses akong mapagalitan, basta hindi ako nawawala, laban lang. Dahil kung si Don Quixotte ang boss ko...
Ako naman ang bida sa kwento ng breakfast gone wrong.
Nagtagumpay ako. Hindi ako na-fire.
Isang maliit na miracle sa mansyon—ang hindi matanggal kahit sunod-sunod ang sablay ko.
Pagkatapos ng coffee-juice incident, sinabihan ako ni Don Quixotte na huwag na huwag ko raw uulitin ’yon. Hindi ko naman talaga uulitin… siguro. Promise ko sa sarili ko, bawi ako ngayong umaga—lalo na’t andito si Mirl, ang sosyal na pinsan niyang parang laging nasa runway kahit simpleng breakfast lang.
“Spa water daw, Mira,” utos ni Mirl habang nakasalampak sa rattan lounge chair sa veranda. “Nothing too basic ha. I want to feel rejuvenated.”
“Copy, Ma’am!” ngiting-ngiti akong sumaludo pa. “Your water shall be the spa-iest of all waters!”
Pagdating ko sa kusina, humarap ako sa baso, bote ng tubig, at fruit basket na walang laman kundi calamansi, dalandan, at… sili.
“Hmm…” bulong ko sa sarili ko habang tumitig sa siling labuyo. “Red. Aesthetic.”
Kumuha ako ng basong may gold rim—pang-guest talaga. Nilagyan ko ng yelo, calamansi slices, konting dahon ng mint na medyo lanta pero okay na rin, at siyempre… ang isang pirasong siling labuyo na pinutol ko’t nilubog sa gitna.
“Para maiba,” sabi ko proudly. “This is… spicy luxury hydration!”
Dinala ko ang baso kay Mirl na parang presenting a cocktail sa beach resort. May towel pa akong ipinatong sa braso ko para legit.
“Here you go, Madam Mirl! Spa water special edition.”
“Ooooh, how fancy!” bulalas niya habang tinitigan ang baso. “I love the creativity. Is this… pink peppercorn?”
“Ah, no po. That’s labuyo. Sili po ‘yan.”
She paused. “Sili?”
“Yes po! Rich in Vitamin C, for immunity! And makes your throat... hot, but healthy!”
Mirl laughed, “You’re hilarious, Mira.”
Pero bago ko pa siya mapigilan, tinungga na niya ‘yung tubig. Isang higop. Tapos... another sip.
Hanggang sa bigla siyang natigilan.
“Haaah— AAAAH!” sabay tayo ni Mirl, nalaglag pa ang shades niya. “What the—IT BURNS!”
“Ma’am?!” napaatras ako, hawak ang tray. “Spicy spa water po ‘yan! Sabi ni Aling Doray sa amin, pang-detox!”
“PANG-SUMPA!” sigaw niya habang pumapaling-paling ang ulo. “It’s not detox, it’s ARSON in a glass!”
“Do you want milk po?” sabay abot ko ng gatas sa tray.
“YES, QUICK!” uminom siya pero hindi pa rin makausap. Hinila niya ang scarf niya, ginamit pamaypay, at napatayo sa harap ni Don Quixotte—na kakababa lang galing sa kwarto at nakakunot na naman ang noo.
“Ano na naman ‘to?” tanong niya.
“Your alalay,” hingal ni Mirl, “just turned my spa water into a weapon.”
Tumingin siya sa akin. Malamig. Parang refrigerator sa ilalim ng dagat.
“Mira… ano na naman ‘to?”
“Sir, sili lang naman po. Parang lemonade with feelings…”
“I specifically said—NO MORE MISTAKES.”
“Pero si Ma’am Mirl po nagsabing gusto niya ng something na extraordinary.”
Tumingin ako kay Mirl, “Di ba po sabi niyo gusto niyo ng water with... rejuvenation? E di ayan po, may spice of life!”
Mirl, still fanning herself dramatically, suddenly laughed. “Okay, fine! You know what? I actually admire her confidence. Mira’s like... a walking prank show, but in human form.”
Tumalikod si Don Quixotte, naglakad papalayo habang nagbibilang ng malalim na hinga. “I need… a real vacation.”
Sinundan ko siya. “Sir, gusto niyo po ng spa water din? May natira pa akong sili!”
“Touch my cup and you’re out,” sabay turo niya sa akin. “Mirl, bahala ka na sa kanya.”
Napalunok ako. “So… not fired po?”
“Not yet,” sagot ni Don Quixotte, hindi na lumingon. “But your days are… very numbered.”
Pagkatapos niyang lumabas, tumawa lang si Mirl. “Mira, you’re an entire comedy sketch. But you’re growing on me.”
Ngumiti ako. “Growing like sili po, Ma’am?”
“Exactly,” tumango siya, tapos uminom ng tubig na wala nang sili. “You're a hazard, but at least you’re never boring.”
At doon ko napagtanto, hindi pala kailangan maging perpekto para mapansin. Kahit epic fail ang spa water experiment ko, kahit laging sablay ang English ko, kahit ako lang ang yaya sa buong mansyon—may charm pala ang pagiging Mira Marinduque.
At kung hindi man ako perfect sa coffee, at spa water,
eh baka... perfect naman ako sa pagpapasaya ng tao.
Edi sili all.