CHAPTER 1

1700 Words
Hindi ko talaga alam kung bakit ako tinanggap ni Don Quixotte bilang alalay. Siguro dahil desperado na sila sa kakahanap ng bagong maid, o baka... awa na lang talaga. Probinsyana ako mula Marinduque—oo, same as my surname, kaya nga feeling ko palagi kaming connected ni destiny. Pero sabi nga nila, destiny can't save you from an angry boss, lalo na kung ang boss mo ay si Don Quixotte—a tall, dark, and scary na biyudo na laging may suot na mamahaling barong kahit nasa loob lang ng bahay. First week ko palang, muntik ko nang masunog ‘yung silk curtain. Akala ko kasi steam iron lang ‘yun, hindi pala. Umiiyak pa ako habang pilit pinapalis ang marka ng plantsa gamit ang basang bimpo. “Are you trying to burn the entire mansion down?” sabi ni Don Quixotte habang nakatayo sa likod ko, malamig ang boses. “Sir, I’m just ironing lang po,” sabay ngiti ko na awkward. “To make the cloth soft… and smoothier.” “Smoothier?” sabay angat ng kilay niya. “Do you mean smoother?” “Same-same po, sir,” sagot ko habang pilit tinatakpan ‘yung sunog sa kurtina. Tumingin siya sa akin na para bang gusto na niya akong isumbong sa fire department. Pero kahit madalas akong napapagalitan, may isa akong dahilan kung bakit hindi ako sumusuko—si Miko. Si Miko ay anak ni Don Quixotte. Five years old pa lang siya, payat, maputla, at laging tahimik. May trauma siya kasi nakita raw niya mismo kung paano barilin ang nanay niya sa harap niya. Dahil doon, hindi na siya nagsasalita. Hindi rin siya sumasama kahit kanino—kahit pa sa mga mas magagaling na yaya na dumaan dito. Pero ako? Ewan ko ba kung bakit, pero ako lang ang pinapalapit ni Miko. Kahit malamya akong kumilos, kahit mali-mali English ko, kahit minsan akala ko may lagnat siya pero gutom lang pala—ako pa rin ang tinatabihan niya tuwing gabi. “Are you hungry, Miko?” tanong ko minsan habang hawak ko ‘yung platitong may nilutong sopas. “Let’s eat this… delicious soup. This is made from cow milk and elbow pasta from elbow.” Tiningnan lang ako ni Miko, tapos bigla siyang natawa—una, tawa lang sa ilong, hanggang sa napahagikhik siya. First time kong marinig na tumawa siya. At doon ko na-realize—hindi ko kailangang maging perfect para mapangiti siya. Pero siyempre, hindi ‘yon palaging gano’n. May mga araw din na parang gusto ko na lang umuwi sa Marinduque at magtinda ng halo-halo. Lalo na kapag si Don Quixotte na ang kaharap ko. “Mira, bakit may toothpaste sa lababo ng guest room?” “Ah sir, I make it sparkle kasi. I saw sa t****k, toothpaste is good for stainless!” “Mira, that's marble.” “Oh…” ngumiti ako habang tinatakpan ang toothpaste na may halong baking soda. “Don’t worry po. I will wash it with—uhm—hot boiled water!” “Mira… boiling water.” Napapikit siya sa inis. “And don’t pour anything hot on marble, ever again.” Pero hindi ako sumusuko. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit hindi ako marunong sa lahat ng gawaing bahay, gagawin ko pa rin ang lahat—para mapasaya si Miko. At kahit madalas akong pagalitan ni Don Quixotte, ewan ko ba, parang gusto ko pa rin siyang mapasaya. May isang gabi, nadatnan niya akong nasa kusina, nagluluto ng sinigang. “Anong niluluto mo?” malamig niyang tanong. “Sinigang po. Para kay Miko. Kasi sabi po ni Chef Mario, you should cook from the heart. Kaya ayan, sinubukan kong mag-experiment.” Tumango lang siya. Tahimik. Tapos bigla siyang lumapit, kinuha ‘yung kutsara, at tinikman. “Mira…” “Yes po?” ngumiti ako, proud na proud. “Bakit parang may lasa ng Milo ‘yung sinigang?” Napako ako sa kinatatayuan ko. Ooops. “Naubusan po kasi ako ng asim powder, so I use konting Milo... para may contrast?” pilit kong paliwanag. Tumingin lang siya sa akin ng matagal. Tahimik. Hanggang sa napabuntong-hininga siya at sabay upo sa kitchen stool. “Maghanda ka ng tubig. ‘Yung hindi may halong kung ano man.” “Yes po!” ngumiti ako. At habang naglalakad ako papunta sa ref, narinig ko siyang bulong: “This woman will be the death of me.” Hindi ko alam kung insulto ‘yun o love quote, pero keri lang. Makalipas ang ilang linggo, naging mas kumportable na si Miko sa akin. Nakakakain na siya ng marami. Nakikitawa na siya sa mga jokes ko kahit mali-mali. At minsan, kapag tulog na si Don Quixotte, binabasahan ko siya ng storybook habang ginagaya ko ang accent ng mga British actor sa TV. “And then, the prince was kiss the princess and he say, ‘I love you in the morning and in the noon and in the snack time!’” sabi ko habang hawak ang libro. Tumawa si Miko, tapos biglang niyakap ako. Mahigpit. Sobrang higpit, na parang ayaw na niya akong pakawalan. At doon, parang may bumigat sa puso ko. Hindi lang pala ako basta alalay dito. Ako pala ang tagapag-alaga ng pusong basag. At sa isang tagpo ng gabi, habang sinusuklay ko ang buhok ni Miko sa veranda, lumapit si Don Quixotte. Tahimik. Pero hindi na siya galit. May kakaibang lambing sa boses niya. “Thank you, Mira,” aniya. “Walang anuman po, sir,” sagot ko, mahina. “Hindi ko akalaing ikaw ang magpapatawa sa anak ko.” Napatingin ako sa kanya. Tapos ngumiti. “Sir… I just want to make Miko happy. Because when he happy… my heart also happy.” Nagkatinginan kami. Tapos tumango siya. “Keep doing that, Mira. Not just for him... but for me too.” At dun, napangiti ako ng todo. Kinurot ko ang sarili ko sa tagiliran. Shocks, is this it? Is this the love story of the century? Nagising akong parang may lobo sa dibdib ko—malambot, masaya, at parang may theme song sa background. Sa panaginip ko kasi… OH MY GULAY. Ang sweet namin ni Don Quixotte! Grabe. Si Miko, tawa ng tawa sa jokes kong mali-mali. Si Don? Aba, nag-thank you pa! Tapos may pa-quote pa siya na parang galing sa w*****d. "Keep doing that, not just for him, but for me too." Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Pero teka. Sandali lang. Parang masyadong perfect. Bigla akong napamulat. Nakasubsob ako sa kutson. Ay hindi, hindi ito sinigang na may Milo. Kutson nga. Teka lang… Bumangon ako ng dahan-dahan habang sumisiksik sa utak ko ang huling eksena sa panaginip: yakap ni Don Quixotte, bulong ni Miko, at ‘yung sinigang kong may Milo na feeling ko dapat isali sa MasterChef Disaster Edition. Tiningnan ko ang paligid. Madilim. Tahimik. Walang fairy lights, walang background music, at higit sa lahat… walang Don Quixotte na nakangiti. Napasigaw ako. Hindi malakas, pero ‘yung tipong pagod na pagod ka sa kilig tapos malalaman mong nananaginip ka lang pala. “AAAACK!!! Bakit naman ganyan, universe?!” Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. “Sana all totoo…” Dahil uhaw na rin ako, tumayo ako, suot pa rin ang lumang daster kong may Mickey Mouse na punit na ‘yung tenga. Kumuha ako ng tubig sa kusina, pero napansin kong bukas pa ‘yung pinto ng kwarto ni Don Quixotte habang dumadaan ako sa hallway. Uy… bakit bukas ‘yun? Hindi ako chismosa ha, pero napasulyap ako. Maliwanag pa sa loob. Tila gising pa ang Don. Nako, baka dehydrated na ‘yon. Ang mga mayaman mahilig sa mineral water. Dapat i-serve ko siya. Kumuha ako ng baso. Nilagyan ko ng tubig. Mainit na tubig, kasi ang sabi ni Aling Doray sa baryo, “Kapag mayaman ang nilalagyan mo ng tubig, dapat mainit, kasi sosyal ang init, Mira. 'Wag malamig, nakakatrangkaso raw ‘yan sa mayaman!” Sumunod naman ako. Mainit na tubig. Tamang-tama. Pak! Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Don Quixotte, parang ninja sa daster. “Sir…” bulong ko habang iniaabot ang baso. “I bring to you the hydration you needing…” Tumingin siya sa akin mula sa gilid ng kanyang desk, gulat pero composed. “Ano ‘yan?” “Hot water po, sir. To release stress and detoxification!” proud kong sagot. “According to research from… Google.” Kinuha niya ‘yung baso habang nagbabasa ng papel. Tapos, ininom niya—diretso. Walang amoy-amoy. Walang hinala. Tapos bigla siyang... “AAAAAAARRRGHH!” Tumayo siya bigla na parang nasunog ang dila. “MIRA!!!” Napatalon ako. “Sir?! Okay lang po ba kayo?!” “HOT WATER?! Mainit?! Are you trying to boil my throat?!” Napatitig ako sa baso. “Ay… too hot po ba, sir? Kasi ang sabi sa YouTube—” “One more mistake, Mira, and I swear I will fire you!” Napaatras ako ng kaunti. “Okay lang po. Fire me slowly…” Tumingin siya sa akin ng matalim. “I mean fire me—with... caution.” Hindi ko alam kung anong mas masakit: ‘yung posibilidad na mawalan ako ng trabaho o ‘yung pagkasira ng panaginip kong sweet kami. Pero sa totoo lang, kung titignan mo, at least na-hydrate siya... di ba? Napakamot na lang siya ng sentido. “Just… go, Mira. Please. Before I burn, literally.” “Yes po,” sabay talikod ko. Pero bago ako lumabas, huminto ako sandali sa pinto, sabay bulong: “Next time po, malamig na lang… with calamansi po para sosyal!” Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, napangiti ako kahit napahiya ako. Hindi man totoo ‘yung panaginip ko, at hindi man ako kagalingan sa grammar, o sa pagluluto, o sa pag-init ng tubig… Pero may puso ako. At siguro, someday, makikita rin ‘yon ni Don Quixotte. Pero sa ngayon, kailangan ko munang i-Google kung ilang degrees dapat ang tubig para sa mga amo. At siguro... mag-practice ng grammar. “Water for your throaty-throat?” Nope. Hindi pa rin tama. Pero at least, hindi ako susuko. Dahil sabi nga sa panaginip ko, "Keep doing that..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD