Don Quixotte POV Kanina pa ako naglalakad papunta sa boardroom habang hawak ang phone ko, pero biglang bumigat ang bawat hakbang ko nang mapansin ko siya… si Mira. Nakatayo siya malapit sa pader, tahimik lang, pero para siyang sinag ng araw na pumasok sa madilim na bulwagan ng Q Newspapers & Magazines Co. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon—pero para siyang ibang tao. Hindi ‘to yung Mira na nakilala ko nung una. Hindi ‘to yung babaeng halos laging simpleng ayos, naka-ponytail at may mantsa ng tinta sa daliri dahil sa kakasulat ng mga notes ni Miko. Ngayon… parang bumaba ang isang diyosa sa lupa. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko mula sa sapatos niya papunta sa katawan niya—at doon na ako tuluyang natigilan. Damn. That gown. Elegant pero hindi sobrang bongga. Classy. Yun

