CHAPTER 1

1205 Words
Leo's POV "Is what he said was true?" Tanong ko kay Sofia nang nasa hapag kainan na kami. Di pa kami nag uusap simula nang umalis si Sariel. "Huwag ngayon, Leo." Galit na sabi niya habang pinapakain si Rohan. "Sorry." Tumahimik naman ako. Maybe this isn't the right time. Natapos ang pagkain namin nang tahimik. Pinapatulog na ni Sofia ngayon si Rohan kaya nagkaroon ako ng paglakataon na buksan ang folder. Nandoon ang birth certificate at marriage contract. Nandoon ang pangalang Leo Gabriel Verzosa at Loriana Athena Zambroso- Wait! What?! Loriana Athena Zambroso?! The cold hearted CEO of Z-mall Company?! Everyone knows Athena as cold, mysterious, serious, and silent who doesn't even smile at magazine and in cameras. She's not my type. Athena is the most richest and powerful Zambroso among them. She's also one of the scariest person of the country. It's impossible. I will never marry a woman like her and how could I know the richest woman in the country when I am just a fisherman. Sariel really got the wrong person. "Everything doesn't make any sense-" Natigilan ako nang makita ko ang picture sa mga sumunod na pages. Picture iyon ng lalaking kamukhang kamukha ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa isang babaeng nakatalikod. Sa sumunod na picture ay may mga bata naman. Isang lalaki at isang babae. Is this Kie and Kian? "I'm sorry." Natigilan ako nang magsalita si Sofia. Umupo aiya sa tabi ko at agad akong niyakap. "Sofi?" "I'm sorry. Don't leave us!" Tumaas baba ang balikat niya at nagsimula siyang humagulgol. Wala akong sinabi at niyakap siya. She did lie. Alin kaya sa sinabi niya ang totoo at hindi? Kinalma ko ang sarili. Walang mangyayari kung magagalit ako sa kanya. Ang gusto ko lang malaman ay ang totoo. Wala namang magbabago sa nararamdaman ko. Kahit anong mangyari mamahalin at mamahalin ko si Sofia. Siya lang ang nandito nang walang wala talaga ako. "Di ko kayo iiwan." Panimula ko nang tumahan na siya. "Ngunit may karapatan akong malaman ang totoo." Dahan dahan siyang humiwalay sa akin. Pinahid ko ang luha niya at ngumiti para sabihing ayos lang ang lahat. "H-hindi ka mangingisda." Tiningnan niya ako ngunit agad din siyang nag iwas ng tingin. Kinuha niya ang folder. "Ang tunay mong pangalan ay Leo Gabriel Verzosa. Totoo ang lahat n-ng sinabi niya." Mayroon na akong kutob na totoo ang lahat ngunit di ko parin maiwasang magulat. Lahat ng pinaniwalaan ko parang natunaw. Perpekto na ang buhay ko rito at wala na akong balak ipagpalit pa ito. Ayon sa marriage contract isang taon palang kaming kasal ni Athena. Ibig sabihin hindi sa akin ang mga anak niya. Madali lang makipaghiwalay kung ganuon. Di rin naman niya dala ang apilyedo ko kaya sigurado akong di maganda ang relasyon naming dalawa. "Huwag kang mag alala. Makikipagkita ako kay Athena pero hindi dahil gusto kong makipagbalikan kundi makipaghiwalay." Nginitian ko siya. "Mahirap na. Gusto pa naman kitang pakasalan." Nagulat siya sa sinabi ko. "Mahal kita, Sofia. Tandaan mo yan." "Leo!" Niyakap niya ako ulit ngunit mas mahigpit na ngayon. Natawa naman ako at hinagod ang likuran niya. Whatever happens Sofia and Rohan are my family. ---- The next day Sariel shows up in front of our doorstep. Sofia was hesitant. She doesn't want me to go but Sariel was right. I have the right to know everything. "Are you ready?" Tanong niya. "Well, I am." Tumango naman si Sariel. Lumabas na kami mula sa sasakyan niya Pinagmasdan ko ang malaking bahay na nasa harapan ko. Malaki ito ngunit iba sa naiisip ko. Bahay daw ito ni Athena ngunit kumpara sa ibang pamilyang mayayaman. Ang bahay na ito ay simple lang. May second floor ito at siguro may pool o garden. Iba sa naiisip ko na malaking mansyon. Billionaryo siya kaya ang naiisip ko ay isang mansyon o palasyo. Pumasok kami sa gate. Wala man lang security guard ang bahay. "Wait here." Saad niya at pumasok sa bahay. Naiwan naman ako sa labas ng pintuan. Pinalibot ko ang tingin napaka simple, di mo aakalain na dito nakatira ang pinakamayamang babae sa buong Pilipinas. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako tawagin ni Sariel. Huminga ako ng malalim. Sa loob ng bahay na ito ay ang dati kong pamilya. Kapag nakita ko sila siguradong magbabago ang buhay ko. Pumasok ako sa loob at tumingin sa paligid. Agad mong makikita sa kanan ang kusina at sa kaliwa ay ang living room. Sa living room ako pumasok. Natigilan ako nang makita ang isang babae na sa TV ko lang nakikita. "Get away from here!" "You jerk! Leave me alone!" Napapilit ako nang marinig ang boses. Isang parte ng memorya ko. Isang galit na babae na pinapaalis ako. Dumilat ako at agad bumungad sa akin ang babae. Malamig na ekspresyon ang pinukol niya sa akin bago binalik kay Sariel. Napayuko naman ako. Parang pinapaso niya ako sa tingin niya. "You don't have to go this far." May galit sa salita ni Athena nang sabihin niya iyon kay Sariel. "I know it's him. Di lang niya naaalala-" "Do you have any proof? A DNA test result maybe? If you don't, you're just wasting my time." Tumingin si Athena sa akin at tumaas ang kilay. Ngumisi siya ngunit may panunuya iyon. "Maybe he only wants my money. Well, everybody does." Nilagpasan niya ako at umakyat siya sa second floor. Di ko naman maiwasang mainis sa sinabi niya. What the f**k is wrong with her?! Are all rich people like that?! They only cares about money! This is why it's impossible that I marries her. "Oh! Don't worry!" Tumingin ako sa hagdan kung saan paakyat siya. "Once the DNA result come out and it turns out positive. I will be divorcing you. I don't like you. I didn't even know why I married someone like you." Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not him. He's dead. You're wasting your time here, man." Saad niya bago nagpatuloy umakyat. She pisses me off big time. "I'm sorry about her." Napatingin ako kay Sariel. "Do you want tea? Juice? Soft drinks? Or beer?" "Tubig nalang." Tumango siya at umalis. Umupo naman ako sa sofa. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Wala akong makitang picture ko. Halatang di ako part ng family. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang babae at lalaki. Nasa 15 and edad ng babae at nasa 10 ang edad ng lalaki. "Tito!" Agad nilang nakita si Sariel sa kusina at tumakbo papunta sa kanya para yakapin ito. "Wala kayong pasok?" "Sabado kaya ngayon." Sagot ng batang lalaki. "Nag bike lang kami." Saad naman ng babae. "Sa akin bayan? Salamat!" Inagaw ng batang lalaki ang tubig kay Sariel na sigurado akong para sa akin. "Tito, anong ginagawa mo rito? Pwede ba tayong magbarbeque for lunch?" Tanong naman ng babae. Tumingin naman sa akin si Sariel at ngumiti. Tinuro niya ako kaya tumingin silang lahat sa akin. "It's him." Gulat na saad ng batang babae. "Pamilyar ka." Saad naman ng lalaki. "Di kita maalala. Naging driver kaba namin?" "Papa!" Nagulat ako sa sigaw ng batang babae. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. Nagsimula siyang umiyak at sumisigaw ng papa. Niyakap ko lang rin siya ng mahigpit. "Papa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD