Blanca Nemesis Santiago-Chan Ang feeling naman! Pinagmayabang ko kaagad sa mga kaibigan ang pagti-text namin ni John. Mangha sila sa ganda ko. Naniniwala na sila na hindi ako nagsisinungalin at buhay na buhay ang karisma ng isang Blanca Nemesis! Ako pa ba? Ina-update ko sila kapag nagrereply si John at sabay-sabay kaming tatlong kiligin. Minsan si Win pa ang nagrereply para sa akin. May parte rin si Rafa dahil nakyu-kyutan din siya kay John. Pero siyempre, sa huli sa akin siya uuwi. Ang feeling ko talaga! "Ano nang status n'yo?" "In a future relationship or husband na," kumindat ako kay Rafa. "Ang babata pa natin para sa ganiyan," ani Rafa. Akala mo naman hindi 'to nabaliw kay Freud. Loka loka rin 'to, e. Hindi ko na siya pinansin at patuloy sa pakikipaglandian kay John. Kahit na

