Namumula ang kaniyang pisngi. Kitang kita na nanginginig ang mga kamay niya pero tagos sa mata siyang nakatitig. Sincere siya sa mga sinasabi niya. Pasensya na talaga John. Hindi mo pa rin makuha ang atensyon ko. Ang layo ng iniisip ko. Ang galit kong kuya. Ang nararamdaman ko ngayon. Si kuya Levi. Si kuya kong bakla. Ang nag-aalala kong kuya Levi. Mas nagpapaubos din ng pasensya ko ngayon ang mabagal na usad ng Ferres Wheel na ito. Ito na yata ang pinakamabagal na oras ng buhay ko. Gusto ko nang makaalis. I'm so sorry John. I'm really sorry... Naiiyak na ako. Hindi talaga dahil sa mga pagtatapat niya. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kating-kati na akong tumalon para makauwi na. Hindi naman ako sobrang bastos na tao pero parang gusto ko nalang tumalon at tumakbo palayo sa k

