"Ui! Kinakabahan ako sa ate mo baka mahuli tayo patay ako. Ang lakas pa naman ng saltik ng Ate Raine mo." "Hello! Bakit tayo mag papahuli kaya nga isinama ko kayo e." ani Maggy habang nag-aayos sila ng mga gamit nila sa kuwarto nila sa hotel na sinagot ni Doc Arrow lahat ng hotel accomodation nila. Nag sinungaling s'ya sa parents nila ang sabi n'ya meron silang tour sa boracay din pero wag ng sabihin sa ate n'ya at ayaw n'yang umabala sa lakad nito at ng Kuya Nathan. Ang sabi na lang n'ya mag kaibang panig naman sila ng boracay although nasa iisang lugar sila, pumayag naman ang parents n'ya at nag bilin na hayaan ang kapatid n'ya kapag nakita at wag na daw s'yang makisawsaw. Walang ka idea-idea ang mga ito na si Doc Arrow ang nag yaya sa kanya na sumama sa boracay, ayaw pa n'ya ng una ka

