"Hay! Ikaw na lalaki ka pinagod mo ako sa pag hahabol sa'yo sa susunod na mang-iinsnatch ka pipiliin mo ang bibiktimahan mong sira-ulo ka." galit na wika ni Ian na hawak sa damit ang lalaking habang binabatukan sa isang eskinita. "Pinagod mo pa ako sa pag habol sa'yong animal ka. Sumama ka sa akin ng malaman mo kung anong buhay ang nag iintay sa'yo." "Boss pasensya na, wala na talaga akong nagawa, ngayon ko lang ito ginawa. Kailangan ko lang dalahin ang kapatid ko sa hospital." "At uutuin mo pa ako, alam mo bang picture ng babaeng mahal ko ang laman ng cellphone ko na ito. Dito ko na nga lang s'ya puwedeng mahalin nanakawin mo pa. Kaya hindi mo ako madadala sa drama mong animal ka." "Boss! Ni ra*ped ang kapatid ko, dinudugo s'ya ngayon 19 pa lang s'ya kaya hindi ako puwedeng makulon

