The Illusions

2110 Words
Yael POV Nilinga linga ko ang paligid ng biglang magbago ang lugar kung saan ako nakatayo Nasa isang silid ako ngayon. Kita ko ang isang babae at batang lalaki na masayang nag-uusap sa loon ng kwarto      "Anak, lagi mong pakatatandaan na andito lang kami ng papa mo at mga kapatid mo ha? Lagi kang magpapakabait" Kita ko ang pagtango ng batang lalaki na parang nasa limang taong gulang na      "Ina, Paglaki ko po ba ay magiging isang magiting rin akong prinsipe?" - tanong ng bata      "Syempre naman anak, balang araw ay magigi kang isang magiting na prinsipe. At iingatan at po-protektahan mo ng magigi ang iyong prinsesa" - masayang sabi ng babae      "Sisiguraduhin ko iyon ina, at ikaw lang ang magigi kong prinsesa aalagaan at po-protektahan kita" Bigla na namang nagbago ang paligid Ngayon ay nasa isa akong hardin Nandito ulit ung batang lalaki kanina. Nakasiksik sya sa mga malalagong halaman      "Nasaan kana? Nahanap ko na si Lia, ikaw nalang ang hindi pa" May dalawang bata na naglalakad palapit sa tinataguan nung batang lalaki. Mukhang pitong taong gulang sila pareho Napahagikhik ang batang babae ng makita ang nagtatagong bata. Itinuro nya iyon sa kasama nyang batang lalaki Sabay silang tahimik na lumapit sa bata at saka bigla nila itong hinila      "Huli ka! Hahaha jan ka lang pala nagtatago ha!"      "Ang daya nyo ni Lia, Van!" - sambit ng bata pagkalabas nya sa tinataguan nya Panay sa kakatawa ang tatlong bata ng may dalawang sundalong lumapit      "Mahal na prinsipe at mahal na prinsesa oras na daw po ng inyong pagsasanay" Agad na nawala ang ngiti sa batang lalaki at tinignan ang dalawa pang bata     "Magsasanay na naman kayo? matatagalan na naman bago tayo makakapaglaro ulit" - malungkot na sabi nung bata      "Hayaan mo sa susunod hihilingin ko sa aming taga pagturo na pahabain ang aming pagbabakasyon" - sagot na batang babae      "Ba't kailangan nyo pa kasing magsanay?" - tanong nung bata      "Haha bilang prinsipe at prinsesa dapat lang na magsanay kami ni Lia. Pag tumuntong kana rin sa edad namin ay maiintindihan mo rin ang lahat" - paliwanag ng batang lalaki Nagbago na naman ang paligid. Ngayon nasa isang kwarto ako kung saan ginaganap ang isang pagpupulong      "Ina, ama, tama ba ang balita? Nagtakda si King Magnus ng isang digmaan?" - tanong ng bagong dating na makisig na binata. Mukhang nasa edad dose pa lamang ito      "Oo anak, digmaan sa pagitan ng dalawang emperyo" - sagot ng lalaking may suot na korona sa ulo      "Nasaan ang aking mga kapatid Ina?" - tanong ng binata      "Umalis sila upang magsanay. Matatagalan bago sila makabalik" - sagot ng babaeng meron ring korona sa ulohan nito      "Ngunit malapit ng sumiklab ang digmaan" - sabi ng binata      "Wag kang mag-alala anak, walang mangyayaring masama. Mananalo tayo sa digmaan" - sagot ng matandang lalaki muli na namang nagbago ang paligid. Masayang kumakain ang binata kanina kasama ang kaniyang mga magulang sa mahabang mesa ng may dumating na sundalo      "Kamahalan, pinatatawag kayo ni King Magnus" - sabi ng sundalo Napatigil naman sa pagkain ang binata      "Ina, Ama, wag na lamang kayong pumunta"      "Anak hindi maaari, utos iyon ng hari" -sabi ng reyna      "Ngunit, delikado na. Di pa natin alam kung kelan sila lulusob. Wag na lang kaya tayong mangi-alam"      "Anak, hindi maari ang sinasabi mo. Ayaw man namin ng iyong ina ang digmaan na ito ay wala kaming magagawa para itigil ang nalalapit na digmaan. Ang digmaan na ito ay kasangkot tayo sa ayaw man o sa gusto natin. Aalis na kami ng iyong ina. At ipinapangako namin na babalik kami" - hari Nagbago na naman ang paligid at ngayon nasa loob ako ng isang palasyo. Magulo sa paligid, nagsisitakbuhan ang mga kawal. Rinig ko ang mga sigaw mula sa kung saan      "Ina! Ama! Nasaan kayo?" - sigaw ng isang binata. Sya. Sya rin ang binata kanina Hindi lamang bampira ang mga nakakabangga nya kundi mga taga ibang emperyo. Pamilyar sila. Mga taga Light Empire      "Ina?" Nagmadali sya ng matanaw nya ang kanyang ina at ama na nakikipaglaban sa mga sundalong nakasuot ng kulay asul na pandigmang kasuotan sa isang pasilyo      "Ina! Ama!" - tawag nya sa mga ito Nakikipaglaban na rin sya upang makalapit sa kanyang ina Ng malapit na syang makalapit ay naestatwa sya ng makita niyang may umatake sa kanyang ama. Pero humarang ang kanyang ina sanhi upang ito ang masaksak        "Lilia!!!!" - sigaw ng kanyang ama Dahil sa paghihinagpis ng kaniyang ama ay di na nito napansin na may papalapit na sundalo sakanya. Tumakbo sya upang pigilan ito pero huli na Agad nyang sinaksak ang kawal na nakasuot ng asul na kasuotan gamit hawak niyang espada      "Ina? Ama?" Niyakap nya ang dalawang duguang katawan na nasa sahig nagawa pang imulat ng kanyang ama ang mata nito at saka nagsalita      "R-run, Run away" - bigkas nito bago nalagutan ng hininga patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hanggang sa nakita nyang dumaan ang hari, si King Magnus Tinignan lamang siya nito maging ang wala ng buhay nitong mga magulang at saka umalis na para bang walang nakita Galit at poot... iyon ang nakikita ko sa mata ng binata. Sumigaw ito ng malakas bago nabalot ang paligid ng kadiliman. Bampira man o hindi ay walang nkaligtas. Tanging sya lamang at ang wala ng buhay niyang mga magulang ang natira sa lugar na iyon. Ang binatang iyon. Ang mga nakita ko. Ang mga pangyayaring iyon. Ang sakit na nakita ko sa mata ng binata. Lahat iyon ay pamilyar. Napakapamilyar. Dahil ako, ako mismo ang binatang iyon Labing-dalawang taong gulang pa lamang ako ng mangyari iyon. Kung saan naganap ang digmaang kumuha sa aking mga magulang Nawala sa aking paningin ang eksena kanina at bumalik na ako sa dating lugar kung nasaan magkaharap kmi ni Kazarina pero wala sya sa paligid. Kahit sila Keena ay wala rin. Tanging ako lamang mag-isa Ibinaling ko ang aking paningin sa aking likuran ng makarinig ng yapak mula roon   Bakit sila nandito? Ano ang ginagawa nila rito?      "Yael, bumalik kana saamin hindi mo kailangang gawin ito" ang dalawang bampirang kailangan ko ng mga panahon na iyon. Bakit ngyon naandito sila? Hindi ko na sila kailangan!      "Hayaan nyo na ko. Ayoko sa mundong ito. Ang mundong ito ay kinuha na ang lahat lahat ng akin. Ang mundong wala na akong ibang makita kundi karahasan!"      "Yael, bilang nakatatandang kapatid, inuutusan kitang bumalik ka na sa palasyo! Hindi mo na matatakasan ang kapalaran Yael"      "Hindi. Hindi na ko babalik. Wala na akong mga kapatid. Di ko kayo kapatid"      "Anak" Natigilan ako. Ina? Ama? Bakit sila andito? Wa-wala na sila hindi ba?     "Anak, magkakasama sama na tayo ulit. Halika na? Naandito na rin ang mga kapatid mo at kami ng ama mo bumalik na tayo anak ayos na ang lahat" - sabi ni Ina habang nakangiti at nakalahad ang kanyang kamay At si Ama maging ang dalawa kong kapagid ay kapwa nakangiti saakin Aabutin ko na sana ang nkalahad nyang kamay ng may mapagtanto ako Hindi ito totoo. Isa lamang itong ilusyon! Bakit ako nagpadala? Alam ko na ito sa simula palang ngunit hinayaan kong matagalan ako sa ilusyon na ito Agad akong umatras      "Hindi. Hindi ako sasama. May bago na akong buhay" - mariin kong sabi Pagkasabi ko noon ay bigla namang gumuho ang paligid Nakabalik na ako. Nakita ko namang wala na si Kazarina maging si Freya. Sila Keisler ay di pa rin nakakabalik at tulala pa rin ang mga ito Nilapitan ko sila isa isa at saka tinapik tapik     "Isang ilusyon lamang ang lahat. Bumalik na kayo, hindi kayo dapat manatili sa ilusyon na iyan" - sambit ko Miya POV Natagalan kami bago makapunta dito sa Dark Empire. Masyadong delikado kung basta basta nalang kaming pupunta rito ng walang plano Sinusundan pa rin namin ang mga petals ng bulaklak ni Kyran. Medyo nahihirapan rin kami sa paghahanap nito dahil na rin sa tagal bago kami nakasunod dito Kasama rin namin si Sky, ang legendary guardian ng prinsesa. Nasa maliit na anyo sya na karga karga ni Zane     "Ano? Nasaan na si Cass? Kailangan na natin syang mahanap" - Zane     "Huminahon ka Zane mahahanap natin sya" - Kevin Tahimik lang na nagpapalinga linga si Zeyton sa paligid at si Dion naman ay mariing nakatingin sa lupa, samantalang si Kyran ay abala sa pagsipat ng nakuha nyang petal. Inaamoy nya iyon habang bahagyang naka half knee      "Malapit na tayo" - Kyran Nabuhayan naman si Zane sa narinig Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad hanggang sa makarinig kami ng mga boses Agad kaming nagtago sa malalagong damo     "Damn that Illusionist! Muntik na nating kagatin ang patibong nya!" - boses ng isang lalaki     "He is good, nakaya nyang ipasailalim tayong lima sa ilusyon nya ng sabay sabay. Di pangkaraniwan. Isa lamang ang kaya ng isang karaniwang illusionist" - boses ng babae      "He is a Dragomir for bloody sake! Ano pa bang aasahan mo sa isang Dragomir" - panibagong boses ng babae Nagkatinginan kaming lahat ng marinig ang apelyidong iyon bago kami lumabas sa pinagtataguan namin Kita ko ang pagkagulat nung tatlo pero ung isang lalaki at isang babae ay parang naramdamn na kanina pa ang aming presensya kayat di na sila nagulat pa Napatayo ung dalawang lalaking nakaupo..      "Sino kayo?" - tanong nung isang lalaki     "Nasaan sya? Nasaan ang prinsesa?" - Zeyton Nakita ko naman na napangisi ung lalaking seryoso lamang na nakatingin saamin      "Light Empire together with Vampires?" - sabi nito naglakad palapit sa kanila si Kyran agad na namula ang mata ng  bampirang lalaki na katabi ng bampirang nagsalita. Tinitigan nya si Kyran na patuloy na naglalakad palapit sa kanila Pero agad namang nangunot ang noo nito na tila nagtataka      "B-bakit hindi sya tinatablan ng kapangyarihan ko?" - gulat na tanong ng bampira Sunod na namula ay ang mata ng babaeng nakasuot ng cloak at tulad ng lalaking bampira bakas rin sa mukha nito ang pagkagulat      "Even mine" - usal niya habang nagtatakang nakatingin kay Kyran nanatili kaming nakatayo sa may pwesto namin habang naglalakad palapit si Kyran sa mga bampira Ibinaling naman ng lalaking bampira na namumula pa rin ang mata sa pwesto namin subalit kaagad na nakagawa ng shield si Dion      "Owh great!" - inis na sabi nung bampira ano ba talagang meron sa dalawang bampirang ito? may hawak na ngayong latigo ang isa sa mga bampirang kaharap namin at ang isa naman na kanina pa seryoso ang mukha ay mayroong lumalabas ng kulay itim mula sa kaliwang kamay nito na parang anino susugurin na sana nila si Kyran ng lahat sila ay bigla na lamang pinuluputan ng mga baging ng rosas na nagsisulputan mula sa lupa. Itinaas sila nito sa ere      "Sino ka bang bampira ka?!" - sigaw nung isa sakanila habang nagpupumiglas Pero di siya sinagot ni Kyran      "Now, I will ask you. Where is Freya?" - kalmadong tanong niya      "Bakit kayo interesado sa babaeng iyon? Isa ka rin ba sa mga bampirang naakit sa panlabas nyang kagandahan?" - tanong nung lalaking mayroong kulay itim na kapangyarihan Anong pinagsasabi ng bampirang ito! Nakita kong lulusubin na sana siya ni Zeyton ng pinatigil sya ni Dion      "Ang babaeng iyon ay sadyang may nakabubulag na kagandahan pero sinasabi ko sayo nilinlang ka lang din nya. At ngayon ang mga tulad nyong bampira ay kasama ang mga taga light empire?!" - pagpapatuloy nito      "Just answer my damn question you vampire! Where is she?" Ngayon ay mas lalong humigpit ang pagkakagapos sakanila ng mga baging habang mas pumupula ang mata ni Kyran Pero mukhang wala talagang balak ang mga ito na magsalita. Pilit pa din silang nagpupumiglas na makaalis sa mga baging      "You don't want to speak? Then better to end your life" Pagkasabi nya nito ay agad na nagkaroon ng mga tinik ang mga baging ng rosas na pumupulupot sa kanila.. pataas ng pataas iyon Sumisigaw naman sila sa sakit dahil sa mga tinik na tumatarak sa kanilang katawan      "Wala na sya saamin! Kinuha sya ni Kazarina!" - sigaw ng babaeng bampira na nakapuyod ang mahabang itim na buhok na kanina ay may kawak na latigo Pagkasabi niya nun ay agad silang nagsibagsakan sa lupa kasabay ng pagkawala ng mga baging Nasa kamay na sya ni Kazarina?      "Kailangan na nating mkaalis kaagad. Sundan na natin sila" - Zeyton      "Baka may mangyaring masama sakanya Kevin" - nag-aalalang sabi ni Zane      "Dion gumawa ka na ng portal" - Kyran na nasa harapan na namin may mga binanggit na mga salita sa latin si Dion at nagliwanag ang kamay nya na may marka na itinaas nya sa kanyang harapan bago tumambad saamin ang isang portal Napakalaki talaga ng tulong nila. Buti na lamang talaga at nakilala sila ni Louella Dadating na kami mahal na prinsesa.. Magiging ligtas kana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD