Their Dark Past

1782 Words
         DALAWANG araw na. Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwartong ito. Kwartong tanging ang laman lamang ay ako, ako na may kadena sa kanang paa at nakasalampak sa malamig na sahig. Dalawang araw na rin akong walang kain. Tanging tubig lamang na lihim na ibinibigay saakin ni Gretel ang syang nakukunan ko ng lakas. Simula ng pangyayaring iyon si Gretel lamang ang nakikita ko. Sya lamang ang bumibisita saakin Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit sila galit na galit sa light empire. Sa pamilya ko Hinahanap kaya ako nila Zane? Miya at Zeyton? Bakit tila ang tagal nilang dumating? Gusto ko ng makaalis dito. Ramdam ko na anumang oras papatayin nila ako Gusto kong tumakas pero mukhang imposibleng mangyari iyon. Naka lock ang pinto at ang tanging nag-iisang bintana na narito ay sadyang mataas at maliit lamang iyon na mukhang tama lang na makalabas ang aking mga kamay sa bakal na rehas Isang silid, isang silid na para sa isang bilanggong katulad ko Natigilan ako sa aking pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. At tulad ng dati, mukha pa rin ni Gretel ang tumambad saakin "Uminom ka muna. Dinalhan na rin kita ng prutas saktong wala sila at tayo lamang ang naiwan" - Gretel at saka inilapag sa sahig ang platong may laman ng prutas at baso na may laman ng tubig Hanggang ngayon ay di ko pa rin mawari na ang tahimik na bihira lamang magsalita, ang babaeng palaging nakatalukbong, ang bampirang parang walang pakialam sa kanyang paligid na si Gretel ay ang syang bampirang nasa harapan ko ngayon na nagmamalasakit saakin "S-salamat Gretel" - sabi ko rito bago ko kainin ang dala nyang prutas Kailangan ko ng lakas. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. May mga naghihintay saakin. May prinsipe pang naghihintay saakin Aalis na sana si Gretel ng tawagin ko ito "Gretel, maaari bang magtanong?" Muli syang humarap saakin "Ano iyon?" "Maaari ko bang malaman kung bakit kayo galit sa amin? Sa Light Empire?" Alam kong matagal ng magkagalit ang dalawang emperyo ngunit ramdam ko na may mga personal silang dahilan "Dahil sa naganap na digmaan ng Dark Empire at Light Empire namatay ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ni Keisler maging ang nag-iisang babae sa buhay ni Finn, ang kanyang nakababatang kapatid" Kung ganun ay tama nga ako. May mas malalim na pinaghuhugutan ang kanilang galit Saglit syang tumigil bago nagpatuloy "Si Keena, bata pa lamang ay sinasaktan na sya ng kanyang mga magulang, naglayas sya at nakilala nya ang inakala nyang kanyang prinsipe. Pero ipinagpalit sya nito, sa isang taga Light Empire. Mas ninais nitong piliin ang bawal na pag-ibig. Ipinagpalit sya nito sa isang babaylan" Kaya pala. Kaya pala ganun na lamang ang kanyang ugali saakin. Napakasakit ng mga pinagdaanan nya. She has a trust issue and I can't blame her that "And Yael..." Muli akong tumingin sakanya "Kinuha ng digmaan ang pinakamamahal nyang mga magulang. He lost his parents because of the war between the 2 Empires. His parents really love him. And He really loves them too" Di ko alam kong ano ang pakiramdam ng mawalan ng mgulang na nakasama mo ng matagal na panahon. Di ko naramdaman na mahalin at magmahal ng magulang. Dahil nagkamuwang ako na wala ng mga magulang "Malaki ang galit niya sa nangyaring digmaan na un. Di lang sa Light Empire sila namumuhi. Maging sa mga kauri naming mga bampira" May diin nyang sinabi ang huling salitang kanyang binitawan at kita sa mata nya ang sakit at pagkapoot Malaki ang naging epekto ng nangyaring digmaan sa dalawang emperyo. Nasabi saakin ni Tita noon na naganap ang digmaan na iyon noong panahon na itinakas ako ni Tita mula sa mundong ito. Sanggol pa lamang ako ng mga panahong iyon Hinintay kung magsalita ulit si Gretel. Pero mukhang wala na syang balak magsalita kaya muli akong nagtanong "Ikaw Gretel? Ano ang dahilan mo?" Nag-iwas sya ng tingin "Gretel a-ayos lang kung d...." Naputol ang pagsasalita ko ng magsalita sya "Wala akong galit sa inyong mga Light Empire. Tanging sa kauri ko lamang. Sinaktan ako ng bampirang pinaglaanan ko ng aking puso. Pero niloko nya lang ako! Ginamit nya lang ako!" Kita ko ang panginginig ng nakakuyom na mga kamao ni Gretel Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Rinig ang kalansingan ng kadena na nasa aking paa sa buong silid Nilapitan ko sya at saka ko hinawakan ang kanyang kamay "Niloko nya lang ako. Kinamumuhian ko ang angkan nila. Lahat ng lalaki sa kanilang pamilya ay kita ko kung paano nila nabibihag ng walang kahirap hirap ang mga kababaihan. Ginamit nya lamang ako" - may diin nyang sabi Nanatili lang kami nakatayo habang hawak ko pa rin ang nakakuyom nyang kamay. Hanggang sa unti unti syang kumalma Binawi nya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak bumalik na rin sa blanko ang kanyang mukha "Babalik na sila anumang oras. Di ligtas na malaman nilang nakikipag-usap ako saiyo" - sabi nya Naglakad na sya papunta sa pinto at saka sya umalis ng kwarto iniwan akong nakatitig lang sa sumasarang pintuan ng kulungan kung nasaan ako ngayon NAPABANGON ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig ng marinig ko ang pagbukas ng pinto Nabigla ako ng hindi si Gretel ang pumasok Kundi si Yael Blanko lang ang kanyang mukha Lumapit sya saakin at saka ako marahas na pinatayo "How I hate to see you" - Yael He is now looking at me directly on my eyes while holding my arms tightly "W-wla a-akong kasalanan sa pagkawala nila. Wala pa akong muwang ng maganap ang digmaan" - lakas loob kung sagot Napakislot ako ng maramdaman ko ang pagtama ng aking likuran sa pader habang nasa leeg ko ang kanyang kamay "Ikaw ang dahilan ng digmaan! Ikaw ang nagsimula ng digmaan ng dalawang emperyo. Kung hindi dahil sa kasunduan. Sa propesiya ng Phoenix hindi magkakaroon ng digmaan! Ngayon sabihin mo, ano ang kailangan sayo ni Kazarina?!" Mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa aking leeg dahilan para mahirapan akong huminga "A-ako ang v-vessel ng P-phoenix. A-ako ang naka-takdang bumuhay sa inyong hari" - nahihirapan kong sagot habang pilit tinatanggal ang kamay nya sa aking leeg Nakita ko naman na mas dumilim ang kanyang aura sa sinabi ko "Kung ganun. Nararapat lang palang patayin na kita!" Mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa aking leeg na halos wala na akong masagap na hangin "Yael, kailngan na nating umalis. Alam na ni Kazarina" Marahas akong huminga ng binitawan na ko ni Yael dahil sa biglaang pagpasok ni Finn "Dalhin mo sya" - Yael at saka umalis Tumingin naman saakin si Finn at saka inalis ang kadena sa aking paa bago ako hinila palabas ng kwarto HALOS di ko na maimulat ang aking mata dahil sa hangin na humahampas saaking mukha Kasalukuyan akong nakasakay sa likuran ni Keisler samantalang sila naman ay mabilis na tumatakbo using their vampire speed. Mahigit kalahating oras na rin kaming tumatakbo, I mean sila lang pala Biglang bumagal ang pagtakbo nila kaya nagawa ko ng tumingin sa harapan at kita ko na nasa aming dadaanan ay may mga bampira. Tulad ng nakalaban nila noon ang mga bampirang nasa aming daanan. At nasa unahan nila si Kazarina Tumigil sila Yael maging si Keisler "Where do you think you're going -Salvatory?" - Kazarina habang may nilalarong patalim na parang gawa sa pilak ang dulo Nanatili namang walang imik sila Yael "Give her to me" - Kazarina habang nakatingin kay Keisler na sakay pa rin ako sa likuran nya "I won't give her to you. Lets just have a fight" - Yael Kung noong una ay aakalain kong concern sya saakin pero ngayon I know he's just doing it because he hate me. He wants to kill me using his own barehands "Then let's begin" - Kazarina sabay hagis ng patalim na hawak nya sa gawi ni Yael na agad naman nitong naiwasan Halos sabay sabay ang pagpula ng mga mata nila Yael maging ni Kazarina Kita ko na bumagsak sa lupa si Kazarina habang hindi makahinga Naunahan sya ni Keisler Samantalang walang kahirap hirap na natapos agad nila Yael ang mga kasamang bampira ni Kazarina na hindi naman gaanong karamihan "You think you can beat us Kazarina? An inborn vampire versus a human that just turns into vampire?"- Yael habang papalapit kay Kazarina na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin itong huminga Si Kazarina ba ang tinutukoy nya? Napababa ako sa likuran ni Keisler ng makitang unti unti ng gumagapang ang anino na mula kay Yael papunta kay Kazarina na nanghihina na Tatakbo na sana ako palapit kay Yael para sana pigilan sya ng bgla syng napatigil sa paghakbng maging ang anino ay gumapang na pabalik sakanya Kita ko naman na nakahinga na si Kazarina Tinignan ko sila Keisler na ngayon ay parang mga nananaginip ng gising. Nakatulala na lamang sila sa hangin at iba iba ang reaksyon ng kanilang mga mukha Parang may nakikita sila na hindi ko nakikita. Parang nasa ibang dimensyon ang kanilang isip A-anong nangyayari?? "Xeon" Napatingin ako kay Kazarina ng banggitin niya ang pangalan na iyon Sinundan ko ang kanyang tingin. At sa itaas ng isang puno malapit sa amin ay may isang lalaking nakaupo sa malaking sanga habang nakatingin saakin Mayroon syang kulay pink na buhok at nagninigas ang kanyang mga mata Tumayo ito saka tumalon pababa at naglakad palapit saamin "Lyra!! Wag nyo syang kunin saakin!" Napalingon ako kay Finn ng bigla itong sumigaw. May nangingilid na luha sa kanyang mga mata "Wagggg!!!" Nabaling naman ako sa pwesto ni Keisler. Kasalukuyan na syang nakaluhod sa lupa A-ano ba talaga ang nangyayari sa kanila? Nakatulala lang din sila Gretel at Keena. Samantalang blanko lang ang mukha ni Yael "Anong ginagawa mo rito Xeon?" Bumalik ang tingin ko kay Kazarina at doon sa bagong dating na bampira "Owhh, your welcome Kazarina" - sarkastikong sabi nito Napakakisig ng bampirang ito. Ang kulay ng kanyang buhok ay nagpapadagdag ng kanyang kakisigan. "Who is she?" - ung bampira Xeon ang pangalan habang nakatingin saakin "Bakit ka andito Xeon? tinatanong kita" - Kazarina Lumingon naman sakanya ung Xeon "Balak ko sanang dalawin ang mahal kong kapatid ng makita kitang nagmamadaling umalis ng palasyo. Kaya't sinundan kita" - walang ganang sagot nito Wala pang isang iglap ay nasa harapan ko na ang bampira "Who are you human?" Napaatras ako dahil sa lapit ng mukha nya saakin "She's none of your business Xeon. Umalis na tayo baka makaalis na sila sa ilusyon mo" - Kazarina na hawak na ko Ilusyon? Nasa loob sila ng isang ilusyon?? Muli kong pinagmasdan ang bagong dating na bampira na hanggang ngayon ay nagniningas pa rin ang mga mata Ang bampirang ito ay may kakayahang gumawa ng ilusyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD