IMINULAT ko ang aking mga mata ng marinig ko ang mga huni ng ibon at lagaslas ng mga puno
Bumangon ako mula sa kamang gawa sa kahoy na aking hinihigaan at saka lumapit sa bintana at ito'y binuksan
Di pa naman gaano mataas ang araw. Di pa naman ata ako tinanghali ng paggising
Agad kong tinungo ang pintuan at lumabas. Dahan dahan akong bumaba sa kahoy na hagdanan
Pagkababa ko ay luminga linga ako sa paligid
"Gising ka na pala"
Nakita ko si Finn na nasa tapat ng lamesa habang nakataas ang mga paa sa lamesa at prenteng nakasandal ang likuran sa isang upuan
"Nasaan ang iba?" - tanong ko rito habang naglalakad palapit
"Maaga silang umalis para mag hunting"
Hunting?
Nanatili lamang akong nakatayo habang nakatingin sakanya
"Don't worry. They're just hunting deers in the forest" - sya at saka inilagay sa harapan ko ang isang plato na may laman na parang patatas na nilaga at mga prutas
"Better to eat first"
Umupo naman ako sa isang upuan di kalayuan sakanya
"Ahm. Pwedeng magtanong?"
Lumingon naman sya sa gawi ko
"Nasaan ba tayo ngayon? At ako lang ba ang tao na nasa mundong ito?"
"Nasa isang lugar tayo na nasasakupan ng Parua Abellon. And no, may mga tao naman dito maliban sayo"
Bigla akong nabuhayan sa sinabi nya
"Where are they?"
"Sa bayan"
"Sa bayan?"
"Malapit lapit lang naman un dito. Dun nagaganap ang malakihang kalakalan. Nandoon rin makikita ang mga kauri mo"
"Are they some sort of vendors there?" - nagtataka kong tanong
Tinitigan nya naman ako na nakakunot ang noo
"No. Nasa isa silang bulwagan. Ibenibenta sa mga uhaw na bampira" - balewalang sagot nya
What?! Kung ganon pagkain lamang talaga ang silbi ng mga katulad ko rito??
"Kinukuha sila ng mga arachian mula sa mundo nyo at dinadala dito para ipagbili. Depende sa kung anong gustong gawin sa kanila ng mga nakakabili sa kanila. A slave, their p****i, o pampatid uhaw. Alam mo naman atang sariwang dugo ng tao ang pinakagusto naming mga bampira"
Napalunok ako ng makitang naging pula ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin
"Kaya nga nagtataka kami kung ano ang ginagawa mo sa lugar na ito kung hindi naman namin naamoy mula saiyo ang amoy ng mga Arachian. Nakakapagtaka ang iyong biglaang pagdating rito sa mundo namin"
Mariin syang nakatingin saakin samantalang ako ay halos hindi na makagalaw
"Anong pinag uusapan nyo?"
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Yael na papalapit na saamin
Bumalik na rin sa dating kulay itim ang mga mata ni Finn
"Wala naman. May mga itinanong lamang sya" - sagot ni Finn na ngayon ay may hawak ng prutas sa kanyang kamay
Nakatingin lang naman saakin si Yael samantalang nasa likod nya naman sila Keena at Gretel
"Yow! Limang usa sa kalahating oras di naman na ata un masama hindi ba?"
Nilingon ko naman si Keisler na kakapasok lang at may apat na usa na nasa magkabilang balikat nya habang na kay Yael ang isang usa
"Gretel lutuin mo na yan at ng makaalis na tayo" - Keena
Agad namang pumunta sa kusina si Gretel kasama si Keisler
"Saan tayo pupunta?" - tanong ko kay Yael
"Pupunta tayo sa bayan"
Keena POV
Pinagtitinginan kami ng mga bampira habang dumadaan ang aming mga kabayo
Si Yael ang nasa unahan at nasa harapan niya ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gustong makasama
At nasa likuran nya naman si Keisler at Gretel, samantalang nasa hulihan kami ni Finn
Pansin ko naman na pinagtitinginan ang taong kasama namin
Alam kong kung hindi lang saamin ay kanina pa nilapa yang taong iyan ng mga bampirang narito
Amoy na amoy ang kanyang dugo. At ang kanyang natural na amoy, amoy rosas
"Sya ang taong iyon"
"Ang amoy nya ay tugma sa hinahanap na tao!"
Dinig kong bulungan ng mga bampirang aming nadaraanan
Sinong tinutukoy nila? Wala naman kaming ibang kasamang tao kundi ang huwad na babaeng nakaangkas sa kabayo ni Yael
Nagtataka akong inihinto ang aking kabayo ng biglang huminto ang kabayo nila Keisler at Gretel.
"Bakit tayo huminto? Wala pa naman tayo sa bilihan"
Tanong ko kay Finn na nakahinto na rin ang sinasakyang kabayo at nakatingin lang ng diretso sa unahan. Kaya't sinundan ko ang kaniyang tinitignan
"Mga sundalo ng palasyo"
Freya POV
Nakakatakot tumingin ang mga tao, hindi pala mga tao. Mga bampira na nandito sa bayan. Namumula ang kanilang mga mata at nagbubulungan. May ibang gustong lumapit saamin ngunit parang takot ang mga ito sa mga kasama ko
"Sya ang taong iyon"
"Ang amoy nya ay tugma sa hinahanap na tao!"
Bulungan ng mga nadaraanan namin
Ako kaya ang tinutukoy nila?
Hindi kaya pinahahanap pa rin ako hanggang ngayon nung maladyosang bampira, ni Kazarina?
Ang pagkakatanda kong sinabi noon ni Zeyton saakin ay nasa Parua Abellon ang palasyo ng nahihimlay na hari. Kaya't kailangan kong makalayo rito sa lugar na ito. At gagawin ko iyon kapag nagkaroon na ako ng tamang tiyempo
Nawaglit ako sa aking pag iisip ng biglang tumigil ang kabayong sinasakyan namin ni Yael
Nagtataka naman akong lumingon kay Yael na nasa aking likuran. Seryoso lamang syang nakatingin sa harapan kaya tumingin rin ako sa harapan kung saan ay may mga bampira rin na nakasakay sa kabayo. Pero mukhang di sila ordinaryong bampira. Para silang mga mandirigma dahil sa mga kasuotan nila at ang mga dala nilang sandata
"Kung siniswerte nga naman. Narito pala ang mga Salvatory. Alam niyo naman atang mahigpit kayong pinahahanap sa buong Emperyo" - sambit ng bampirang nasa pinakaunahan bago siya tumingin saakin
"Sino ang taong kasama nyo mga Salvatory?" - tanong nito
"She's my slave" - Yael
"Ibigay mo saamin ang taong iyan"
Ramdam ko naman ang pag higpit ng yakap saakin ng isang braso ni Yael sa aking bewang
"She's my property. Bakit ko sya ibibigay sainyo?"
Property? Anong pinagsasabi nya? Hindi ako isang bagay
"Sya ang taong pinahahanap ni Kazarina"
Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pangalan na iyon
Kung ganun, bumalik na siya sa mundong ito at ngayon ay pinahahanap niya ako
"Kazarina? Papaano nyo nasabing sya ang hinahanap nyo?"
"Sya lang ang taong may amoy ng rosas. Kaya ibigay nyo sya saamin kung ayaw nyong masaktan"
Ilang segundo ang lumipas bago itinaas ni Yael ang kanyang kanang kamay at saka mabilis na pumunta sa unahan namin sila Keisler at Finn
Napakapit naman ako ng mahigpit sa kabayong aming sinasakyan ng biglang pihitin paikot ni Yael ang kabayo at mabilis iyon na pinatakbo. Tumatakbo na rin ang mga kabayo nila Gretel at Keena na nauuna saamin
Nilingon ko naman sila Keisler at Finn na nakikipaglaban na pala sa mga bampira. Nagkakagulo na rin sa pinanggalingan namin
Kita ko ang mga bmpirang nakahawak sa kanilang leeg na parang nahihirapan huminga samantalang may shield naman na kulay puti ang nakapalibot sakanila ni Finn
"Anong sadya nila sayo?"
Muli akong humarap sa harapan ng marinig si Gretel na ilang dipa lang ang layo saamin
"Mamaya na natin yan pag usapan" - rinig kong sagot ni Yael
kakaiba ang kanyang boses ngayon. Parang napakalamig nito.
"Masyado silang marami"
Napalingon ako sa kanan namin kung saan ay naroon ang tumatakbong kabayo ni Keisler at may tama siya sakanyang kaliwang braso
"Mahihirapan tayong makalusot ngayon" - Finn na nasa kaliwa namin na kapantay na rin ng kabayo namin ni Yael
Katulad ni Keisler ay may tama rin si Finn
Nakasunod na pala sila
"Damn! sinasabi ko na nga ba! panganib ang dala ng taong iyan!" - Keena na mas pinabagalan ang pagpapatakbo hanggang sa huminto sya ganun na din sila Keisler at Yael
Naabutan na kami ng mga humahabol saamin at kasalukuyan nila kaming napapalibutan. Nasa loob na kami ng isang gubat
Kakayanin ba nila? Ang dami ng mga bampirang nakapalibot saamin ngayon
Kita ko ang unti unting pag gapang ng anino mula sa kaliwang kamay ni Yael. Bumaba na sa kanyang kabayo si Keena habang inuunat unat ang kanyang latigo. Habang seryosong nakatingin lang sila Keisler sa mga bampira. At si Gretel ay diretso lang ang tingin at nakababa na ang kanyang hood ng suot nyang cloak
Nagsibabaan na rin ang mga bampirang nakasakay sa kanilang mga kabayo. Samantalang may mga nagsisidatingan pang mga bampira mula sa iba't ibang direksyon using their vampire speed
Kasabay ng pag atake saamin ng mga bampira ay ang paglaho rin bigla si Finn sa kanyang pwesto at nakita ko na lamang na nahahawi sa isang linya ang mga bampira
May mga bmpira namang nakaluhod na sa lupa habang nanlalaki ang mga mata na nakahawak sa leeg. At mga bampirang nangagapa sa paligid na agad namang inaatake ng lubid ni Keena
At lahat naman na nadadaanan ng anino na mula sa kamay ni Yael ay nilalamon nito ng walang kahirap hirap
Kapwa nagniningas ang mga mata ng aking mga kasama
Marami na silang napapatumba ngunit tila walang katapusan ang pagdating ng mga bampira
"Keena!"
Npatingin ako sa pwesto ni Keena at nakita kong nasaksak sya sa kanyang tagiliran
Napahinto naman sya sa pag atake. Bago pa man sya ulit masaksak ay lumitaw sa harapan nya si Finn at saka ibinalibag ang bampirang umatake kay Keena
"Magtago ka muna"
Napatingin ako kay Yael na nakababa na pala ng kabayo habng nakalahad ang kamay sa akin
Agad naman akong bumaba sa kabayo at dinala nya ako sa likod ng malaking puno
"Stay here" - mabilis na sabi nito bago biglang nawala sa harapan ko
Dinig ko mula sa tinataguan ko ngayon ang mga daing at tama ng mga sandata. Maging ang mga sigaw ng mga bmpira.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at saka tinakpan ang aking mga tenga
Ayoko ng mga naririnig ko ngayon
Wala man lang akong magawa upang tulungan ang mga bampirang kumukupkop saakin
Ilang minuto bago ko inalis ang kamay saaking mga tenga at saka binuksan ang aking mga mata
Wala ng mga ingay. Tahimik na sa paligid maliban sa ilang mura at mga mabibigat na paghinga
Dahan dahan akong sumilip mula sa punong aking pinagtataguan
Napatakip ako ng bibig ng makitang wala na ang mga bampira kanina pero sa lupa ay nakahandusay ang mga sugatan kong kasama
Napatakbo ako plapit sakanila
Una kong nilapitan si Yael na sa tingin ko ay syang may pinakamalala
Patuloy ang pag agos ng dugo mula sa kanyang tiyan maging sa kanyang magkabilang braso
"A-akala ko ba ay kaya nyong maghilom" - tanong ko
Diba ang mga bampira ay may kakayahang maghilom ng kanilang mga sugat?
"W-we are. P-pero hindi masyadong mabilis tulad ng mga pureblood. At d-depende sa tama" - Keisler na halatang iniinda ang kanyang sugatang paa
"And heck! They used silver!" - Finn at saka umubo ng dugo. May tama rin sya sa tagiliran katulad ni Keena
Si Gretel naman ay tahimik lang na nakasandal sa ugat ng puno na may malalim rin na sugat sa kanyang kaliwang braso at mga paa
"Argh!"
Nagpanic ako ng gumalaw si Yael na halatang nahihirapan
A-anong gagawin ko? Saan ako hihingi ng tulong
Muntik ko ng masampal ang aking sarili ng may maalala ako
I have an ability to heal!!!
Ba't nakalimutan ko iyon??
Iniangat ko ang suot na damit ni Yael at agad kong itinapat ang aking dalawang palad sa kanyang tiyan
Nakakunot noong tumingin sa akin si Yael
Sana gumana.. Sana gumana.. Gumana ka
Napangiti ako ng makita ko ng mayroong lumalabas na kulay asul na liwanag mula sa aking mga kamay papunta sa sugat ni Yael at unti unti iyong naghihilom
Sinunod ko naman ang mga sugat nya sa braso
Pagkatapos ko kay Yael ay nilapitan ko naman na sila Keisler
Pare-pareho lang ang kanilang ekspresyon ng mga mukha. Mga nakakunot ang noo na halatang naguguluhan at nagtataka sa aking ginagawa
Ang huli kong pinagaling ay si Gretel
Ramdam ko naman ang panghihina ko pagkatapos ko silang mapagaling
Napapikit ako ng may bigla na lamang humawak sa aking kaliwang braso at marahas akong pinatayo
"Sino ka ba talaga?"
Nabigla ako ng makita kong si Yael pala ang humila saakin
Mariin syang nakatingin saakin at kitang kita sa mga mata nya ang galit
"N-nasasaktan ako Yael"
Pilit kong inaalis ang kanyang kamay sa aking braso pero mas diniinan nya lamang ang pagkakahawak dito
"Ano ka ba talaga?!"
Kita ko namang lumapit na saamin sila Keisler at tumayo na rin si Gretel
"Isa kang babaylan mula sa Light Empire tama ba?" - Keena
"Answer us or else.. I will kill you right here - right now" - may diing sabi ni Yael
Ang Yael na nakilala ko noong una.. Ay napakalayo sa Yael na kaharap ko ngayon
"I-I'am F-Freya Cassidy Aurius G-Glasiever" - pautal utal na sagot ko
"So, totoo pala talaga. Buhay ang huling tagapagmana ng asul na apoy. Ba't ba ako nag bingi-bingihan?"
Tinignan nya ako ng matalim
"You will pay big for betraying us"