Salvatory

1689 Words
"I am Yael, and you are?" Tanong nya habang bahagyang nakayuko at nagniningas ang kanyang mga matang nakatingin saakin "I am Freya" Sagot ko bago ko hinila ang kamay ko mula sakanya nakangiti syang tumuwid ng tayo habang nakatingin pa rin saakin "A beautiful name for a beautiful deity" "Yael! What is this??" - tanong nung Keena habang nakatingin kay Yael hindi naman sya nilingon nito "It is dangerous for a human like you to roam around here alone, It's safe for you to go with us" - sabi nito na kulay itim na uli ang kulay ng kanyang mga mata "Isasama natin sya?" - tanong ni invisible vampire "Yes" KASALUKUYAN kaming nakaupo ngayon palibot sa isang mesa dito sa maliit nilang kubo. Nasa gitnang parte ito ng gubat, pero malayo dun sa patay na gubat na aking pinanggalingan Ginamot na rin nila kanina ang mga sugat ko. Ung babaeng naka cloak ang gumamot saakin dahil sa lahat sakanila sya daw ang may mas malakas kumontrol ng sarili "Paano ka napadpad sa lugar na ito?" - tanong nung Keisler na nasa harapan ko katabi ni invisible vampire "Hinigop ako ng isang portal" "Isang portal? Saan naman galing ang portal na iyon?" - tanong naman ni invisible vampire na nasa kaliwa ni Keisler "Hindi ko rin alam kung saan iyon nanggaling" "Imposibleng nagkataon lamang na napunta ka dito TAO" - Keena na nasa dulo ng mesa sa kaliwa ko na masuri akong pinagmamasdan Hindi dapat nila malaman kung sino at ano talaga ako. Maaaring kalaban pa rin sila. Tanging sila Kevin at Kyran lang ang bampirang dapat kung pagkatiwalaan "Hindi ka ba natatakot saamin? We are vampires and we might suck your blood" - Keisler na dumukhang sa lamesa palapit saakin Agad naman syang itinulak pabalik sa upuan ni Yael na nasa dulo ng mesa na nasa kanang bahagi ko malapit kay Keisler "Noong una oo pero alam ko namang wala kayong gagawing masama dahil tinulungan niyo ako kanina" Tahimik lamang silang tinitignan ako. Hanggang sa ako ulit ang nagsalita "Magkakapatid ba kayo?" - tanong ko na nakapagpangiwi sakanila "NO!!" - sabay sabay na sagot nilang lima Ahh hindi ba?? "Nagkataon lamang na nagkasama sama kami pero we are not brothers and sisters" - Keisler habang panay iling "Ahh, maaari ko bang malaman ang inyong mga pangalan at kung ano ang inyong mga kakayahan? Kita ko kanina na hindi kayo ordinaryong mga bampira lamang" - tanong ko sa mga ito "I am Keisler and I have an ability of strangulation" Ahh kaya pala. Kaya nyang kontrolin ang paghinga ng biktima nya na parang walang hanging nasasagap kahit di nya man ito hawakan Tinignan ko naman ang katabi nyang si invisible vampire "I am Finn, and I can make shield and barriers. At kaya ko ring maging invisible" - sabi nya So Finn pala pangalan nya sunod ko namang tinignan ay ung babaeng naka cloak na nasa kaliwa ni Finn. Pansin ko di sya palasalita Nakababa ang hood ng kanyang cloak kaya kita ko ang buo nyang mukha maging ang weird na kulay ng kanyang buhok "I'm Gretel. I can blind my victims, temporarily" - sabi nito sa kaswal na pananalita napatango naman ako sakanya at saka ibinaling ang tingin ko sa pwesto ni Keena maging sila Keisler at Finn ay nakatingin na din sakanya "Tsk! Kailangan ko pa talagang magpakilala?" - inis na sabi nito "Walang mawawala Keena" - bagot na sagot ni Finn sakanya "Haixt! I am Keena and I can kill you using my whip in one wrong move!" - may diin nitong sabi habang naka cross arm at matalim na nakatingin saakin Mukhang hindi magiging madali ang buhay ko rito kasama sya "Don't mind her. Ganyan na talaga yan" - Keisler na parang sanay na sanay na sa ugali ni Keena Tinignan ko naman si Yael. nagtataka pa rin ako kung ano ang kanyang kakayahan na ipinakita kanina "Si Yael ang aming pinuno, he can manipulate shadow. A deadly shadow. He can also manipulate darkness" - paliwanag ni Keisler Tahimik lang naman na nakatingin saakin si Yael. What is happening to him? Ba't kanina pa sya titig ng titig?! "Welcome to Salvatory" - sambit niya Liro POV Simula ng sapilitan akong ibinalik ni Veronica dito sa Valhalla ay di pa rin ako lumalabas ng palasyo Para saan pa? wala rin naman akong gagawin sa labas. Ayoko talaga sa mundong ito! "Nabalitaan kong ang hinahanap na babae ay nasa mundo na natin" Bigla akong napalingon kay Aria na nakasandal sa pintuan ng aking kwarto Si Freya?? Nandito siya sa Dark Empire?? Hindi kaya nakuha na sya ni Kazarina o ni Veronica?? "Nasaan sya? Hawak na ba sya ni Haden?" "Don't worry brother, kasalukuyan pa rin syang malayang nagliliwaliw sa mundong ito ng mag-isa. Hindi ba't mas delikado iyon sa isang mortal na katulad nya?" - Aria Agad akong tumayo at nilagpasan si Aria ng nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sakanya ay may kulay abo na usok ng pumalibot saakin "Damn Aria! What's with this smoke of yours?!" Hindi ako makagalaw! "You think brother na papayagan kitang umalis at hanapin ang babaeng iyon? Manatili ka lang dito sa palasyo kung ayaw mong makarating ito kay Haden" Binalewala ko lamang ang kanyang mga sinabi. At nagpupumilit akong makagalaw at makawala sa usok nya "Aria! Alisin mo ang usok na ito sa katawan ko!" She can make smokes. Poisonous, paralyze, shield, entrapment, and a deadly smoke "Sorry my dear brother but I won't. Hindi magandang galitin si Dike alam mo un" Haixt!!! I really hate my brother and sister for being manipulative! Keena POV "Ano ba ang pumasok sa isip ni Yael at naisipan nyang mag ampon ng tao?" "Wala kang magagawa Keena. Hayaan mo na si pinuno. Wala naman sigurong masamang idudulot sa atin si Freya" - Keisler Napangiwi ako ng sabhin nya ang pangalan ng taong iyon! First name basis ehh? "Ang amoy ng kanyang dugo nga lang ang magiging problema natin" - Finn na kasalukuyan ng namumula ang mata maging si Keisler "Amoy ng dugo nga lang ba talaga?! O baka nabibighani na rin kayo sa taong un tulad ni Yael?" "Totoong maganda sya kaya't hindi ko masisisi si Yael. At aaminin kong nabibighani ako sa angkin nyang kagandahan ngunit hindi na ako makikihati pa kay Yael. Ngayon lamang sya tumingin sa babae ng ganun. At sa hindi pa natin kauri" - Keisler Tumango naman si Finn bilang pag sang ayon "Hu? Sinasabi ko na nga ba! Baka hindi talaga sya tao! Mag isip nga kayo! Walang tao na hihigit pa sa ganda ng mga bampira! Baka nililinlang lamang tayo ng babaeng iyon! Baka isa syang babaylan!" "Naiinsecure ka ba sakanya Keena?" Tinignan ko ng masama si Gretel na seryoso lamang na nkatingin sa akin "Ano ang pinagsasabi mo Gretel? Kailanman ay hindi ako maiinsecure sa isang huwad na kagandahan" kita ko naman ang pag iling ng dalawang lalaking bampira sa sinabi ko "Pasalamat ka na lamang at wala si Yael ngayon" - Gretel "Oo nga pala. Nasaan si Yael?" kanina ko pa sya hindi nakikita. Maggagabi na "Umalis sya kasama ang babaeng sinasabi mung may huwad na kagandahan" Yael POV "Salamat nga pala sa pagtulong nyo saakin kanina. Kung di kayo dumating ay baka naging tanghalian ako ng mga gutom ng mga bampirang iyon" - sabi nya habang nakatingin saakin Nakaupo kami ngayon dito sa parte ng kagubatan kung saan ay kita mo ang kapatagan na may mga magagandang bulaklak. Nasabi niya kasing mahilig sya sa mga bulaklak "Walang anuman" Napatingin sya sa kaliwang kamay ko kung saan ay naroon ang aking tatto "Maaari ko bang mahawakan ang tattoo sa iyong kamay?" - tanong nito saakin Isang tango lang ang aking naging tugon sakanya Ibang enerhiya ang dumaloy sa aking kamay ng dumampi ang kanyang malambot na mga kamay na kasalukuyang hawak ang aking kaliwang kamay habang marahang tini-trace ang aking tattoo "Kakaibang marka" - sya na parang naaaliw sa nakikita Ang tattoo ko ay parang itim na anchor na may mga nakasulat na lenggwaheng griyego at mga simbolo sa palibot nito "Don't you scared of me?" - tanong ko sakanya habang abala sya sa pagtingin sa aking tattoo "Why would I?" - sabi nito at saka itinaas ang ulo para tignan ako "You'd witnessed how we killed those vampires" "Nung una oo. Kasi di ako sanay na makakita ng ganung karahasan. Pero alam kong hindi nyo naman iyon ginusto. Alam kong hindi mo gustong makasakit ng iba" - sya bago ako nginitian at pinagmasdan niya ulit ang aking marka I Just stared at her while she's continue tracing my tattoo using her fingers Kahit saan ka man nanggaling. Kahit hindi pa rin malinaw sa akin kung paano at bakit ka napunta sa mundong ito Nagpapasalamat pa rin ako at hinayaan ang isang katulad ko na makakilala ng isang magandang dyosang katulad mo Freya POV "Sa kwarto ko na ikaw matulog, dito na lamang ako sa labas" - Yael "What? Sya ang dapat na matulog dito sa labas tutal sampid lang naman sya sa grupong ito" - Keena "Keena! Im warning you" - biglanf singhal sakanya ni Yael Kita naman ang pagkabigla at pagkatakot sa mukha ni Keena "S-sorry" - Keena at saka ako tinignan ng masama bago pumasok sa kwarto nila ni Gretel "Ayos lang saakin Yael dito na lamang ako sa labas" "No. I won't let you. Pumasok kana at matulog" Nagpapalipat lipat lang naman ng tingin saamin sila Finn at Keisler habang naka upo sa harapan namin ni Yael. Habang nakatayo kami sa harapan nila "Nakakahiya naman sayo. Tama si Keena ako dapat dito sa labas" Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nya "Go inside now Freya" - Yael habang nakapikit Magsasalita pa sana ako ng hinila na ako ni Gretel at saka ipinasok sa kwarto ni Yael using her vampire speed. Medyo nahilo ako dun ah "Don't try to argue with him again" - Gretel "Pero.." - magsasalita pa sana ako ng magsalita sya ulit "Nakakapanibago, ngayon lamang sya nagkainteres sa babae. At sa isang tao pa" Sambit niya bago niya ako iniwan sa kwartong ito na tulala What does she mean?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD