Other World

3396 Words
Miya POV Ang walanghiyang Veronica na un! anong klaseng lugar itong pinagdalhan nya saakin? Mukhang nasa gitna ako ng masukal na gubat Kailangan ko ng makabalik. Natagalan akong maalis ang itim na hanging pumapalibot saakin. Masyadong marami ng oras ang nasayang ko. Tumayo ako ng maayos at nagconcentrate hanggang sa lumiwanag ang marka ko sa aking noo kasabay ng paglitaw ng isang portal sa aking harapan. Isa sa mga kakayahan namin ni Zeyton bilang guardian ay ang makagawa ng portal. Portal na iisa lamang ang patutunguhan. Kung nasaan mismo ang prinsesa Ng makalabas ako sa portal ay nadatnan kong nakasalampak sa lupa ang nanghihinang si Zeyton at sa di kalayuan ay nakatayo sila Kyran at Dion na nakaharap sa duguang katawan ni Louella habang yakap yakap ni Zane na katabi ang legendary guardian ng prinsesa Damn! Did I came late? Nasaan ang prinsesa? nilapitan ko si Zeyton at saka ko sya hinawakan sa kanyang magkabilang kamay hanggang sa dumaloy ang enerhiya mula sa aking kamay papunta sakanya. Kaming guardian ay maaaring magregenerate ng lakas gamit ang isa't isa Ng tuluyan ko na syang mabigyan ng lakas ay tumayo na sya "Salamat" - dinig kong sambit nya sa mahinang boses Lumingon sya sa direksyon nila Kyran at saka naglakad palapit habang nakasunod lang ako sakanya. Ngayon ay inaalo na ni Kevin si Zane habang umiiyak na yakap yakap ang kanyang ina "Im sorry wala ako ng mangyari ang lahat" - ako habang nakatingin sa wala ng buhay na si Louella "W-wla k-kang ka-kasalan" - Zane Binuhat naman ni Kevin ang katawan ni Louella at dinala sa likod bahay habang nakayukong nakasunod lamang sakanya si Zane "Nasaan ang prinsesa? Nakuha ba sya nila Veronica?" - tanong ko kay Zeyton Sana naman ay hindi "Kazarina and Veronica runaway pagkatapos higupin ng portal patungong kabilang mundo ang prinsesa" "What?? At saan nanggaling ang portal na iyon?? At ano pa ang ginagawa natin dito unang tagabantay? Sundan na natin sya" - I said half panicking bakit di nya pa sinundan ang prinsesa? "May problema" "At ano ang problema?" "Ako ang gumawa ng portal" Napatingin ako kay Dion. He has an ability to make portals?? "May kakayahan akong gumawa ng portal. Kukunin na ni Veronica ang prinsesa ng dumating kami dito, kaya ginawa ko iyon upang sana ay maitakas sya. Pero hindi ko na alam kung saang lugar sa kabilang mundo napunta si Freya, dahil may pwersang gumulo sa transportasyon nya patungo sa kabilang mundo" - Dion "We can make portal Zeyton to where exactly the princess is" - baling ko kay Zeyton "We can't, cause I tried it already, but I failed. There's a force that preventing me to do so" - sabi ni Zeyton habang nag iisip Force? What kind of force? "Ano ng gagawin natin ngayon?" "I had left one rose to Freya, and I know she keeps it with her. We can follow the petals" - Kyran Napatingin ako sakanya. He is useful more than I thought he will be "Don't think of me like that second guardian. Im not a thing to be useful" - sya na hindi nakatingin saakin H-how did he know what I am thinking?? Did he read my mind even without looking at me? Or he can hear thoughts? Iniiwas ko ang aking paningin sakanya I must be careful to him "Kung ganun we should go there pagkatapos lang nating mailibing si mrs. Iver. We should not waste time, baka maunahan tayo nila Veronica" - Zeyton At saka namin nilingon ang anak ni Louella at ang bampirang Gregory na kasalukuyang inaalo si Zane habang patuloy ito sa pag iyak Freya POV Iminulat ko ang aking mga mata Nasaan ako? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ang alam ko ay gabi pa kanina? Ba't umaga na ngayon? Nakatulog ba ako ng matagal? Nakatulog? Dito sa lupa? Hanggang sa maalala ko ang mga nangyari. Dumating sila ulit, Nawala si Miya, sila Zeyton na nakasalampak sa lupa at ang pagharang ni tita sa aking harapan, ang pagbagsak ng duguan nyang katawan sa lupa Si tita No! Hindi pa sya patay. Hindi maaaring mamatay si Tita! Hindi! Nagsidaloy na ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Iyak lang ako ng iyak habang nakasubsob ang aking mga braso sa aking tuhod Ilang minuto ang lumipas bago ako nagpasyang pahirin ang aking mga luha Nasaan ba talaga ako?? Tumayo ako at saka naglakad lakad. Nasa isang gubat ako. Gubat na ngayon ko lamang nakita. Kakaiba ito sa mga gubat na karaniwan kong nakikita sa lugar namin. Patay na gubat. Iyon ang tamang paglalarawan sa kung saan man ako naroroon Ang huli kong naaalala ay ang hinigop ako ng isang portal. Portal? Hindi kaya, nasa ibang mundo na ako?? Natigilan ako ng may marinig akong kaluskos mula sa mga malalagong d**o na nasa aking paligid. Lalo itong gumalaw na parang may mga kung ano ang nasa likod niyon Nanlaki ang aking mga mata ng magsilabasan ang mga kakaibang nilalang mula sa mga malalagong damo Mga mababalahibong nilalang. Para itong mga malalaking pusa na mayroong sungay na parang sa mga malalaking usa at may maliit silang mga mata. Kulay puti at itim ang kanilang balahibo samantalang ang balahibo sa kanilang likuran ay kulay maroon. Mayroon silang matatalim na malilit na ngipin at mga matatalas na kuko Halos hindi na ako makagalaw. Ano ang laban ko sakanila? Apat sila at pinalilibutan ako. Hindi ko na magagawang makatakbo dahil kahit anong oras man ngayon ay susunggaban na nila ako Naglalakad sila paikot saakin. Naglalaway at nanlilisik ang mga mata Napaupo ako ng bigla silang sabay sabay tumakbo palapit saakin. Halos mawalan na ako ng pag asa ng makita kong nasa aking harapan ang rosas na binigay ni Kyran. Lumulutang ito pataas sa ere at bigla na lamang nagsiliparan ang mga tinik nito papunta sa mga halimaw na malapit na sa aking pwesto. Agad namang natigilan ang mga ito at nagsiungol habang nagwawala at di nagtagal ay bigla na lamang nagsibagsakan ang wala ng buhay nilang mga katawan. Unti unti na ring bumababa ang rosas kaya't inilahad ko ang aking palad upang ito'y saluhin Ano pa bang kayang gawin ng mga rosas ni Kyran? Ito ba ang dahilan kung ba't ibinilin nya saakin na palagi ko itong dalhin?? Muli ko iyong inilagay sa gilid ng nakapuyod kong buhok. Tumayo ako at dahan dahang dumaan sa mga malalaking katawan ng mga halimaw na muntik na akong gawing pagkain Mukhang naliligaw na ako. Kanina pa ako palakad lakad sa gubat na ito pero hindi pa rin ako makalabas. Hindi naman siguro puro gubat ang mundong ito Paminsan minsan ay tumitigil ako at nakikiramdam. Kanina pa ako nakakaramdam na para bang may mga nakatingin saakin simula ng mapunta ako sa dto sa mahamog na parte nitong gubat Agad kong iniiwas ang aking paa ng makitang may gumapang na ugat na pupulupot sana sa aking binti. Tumakbo ako agad at doon ko nakita na may buhay ang mga parang patay na mga puno sa aking paligid. May mga mata ito, ngunit isang mata lamang. Nagsisigalawan rin ang mga sanga at ugat nito na hinahabol ako. Ilang beses akong nadapa pero nagagawa kong makabangon agad naiwan ko na rin ang aking sandalyas dahil sa pagmamadali. Tanging isang sanga na napulot ko ang ginagawa kong pang hampas sa mga sanga at ugat na lumalapit sa akin Alam ko rin na may mga sugat na ang aking pang yapak dahil sa aking pagtakbo ng walang sapin sa paa at sa aking mga braso dahil sa mga sanga na nakakalapit saakin ngunit hindi ko iyon ramdam siguro dahil na rin ito sa adrenaline rush Akala ko ay wala ng katapusan ang aking pagtakbo ng makakita ako ng liwanag Sapo sapo ko ang aking dibdib na naupo sa isang malaking bato ng makalabas na ako ng tuluyan sa patay na gubat na iyon. Ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib Nasa parang kapatagan ako ngayon ngunit parang gubat pa rin dahil wala pa akong makitang mga kabahayan o ano, pero mas maigi na ito kaysa sa patay na gubat na aking pinanggalingan May mga nagsisigandahang bulaklak sa paligid. May mga puno din ngunit hindi tulad sa napuntahan kong gubat, ang mga punong ito ay tila puno ng buhay. May mga ibon na nagpapahinga sa mga sanga. At nakakarinig din ako ng agos ng tubig Tumayo ako at sinundan ang agos ng tubig na aking naririnig. Di nagtagal ay nakakita ako ng isang magandang ilog. Tila kumikislap ang malinaw nitong tubig. May mga isda rin akong nakikitang nagsisilanguyan. Agad akong lumapit dito at saka inihilamos sa aking mukha ang malamig na tubig mula sa ilog Nakakita ako ng malaking bato at saka doon lumapit at sumandal. Napangiwi ako ng unti unti ko ng maramdaman ang hapdi mula sa aking mga sugat. Tinignan ko ang sugat ko sa aking kanang braso na tuloy tuloy na dumadaloy doon ang aking dugo. Nakagat ko ang ibaba ng aking labi at parang nangangatal din ang aking katawan. Hindi ako sanay na nasusugatan kaya ganito na lamang ang reaksyon ng aking katawan "Look what we have here. Ano ang ginagawa ng isang tao sa mundong ito?" Itinaas ko ang aking paningin at nakitang may pitong lalaki sa aking harapan Hindi. Hindi sila normal na lalaki lamang. Mga lalaking bampira sila How could be my life be this cruel? Talaga bang di na ako makakapagpahinga? Mula ng napunta ako sa mundong ito di na ako tinantanan ng mga kakaibang nilalang! "Your blood smells so sweet. Napakabango na kahit nasa malayo kami ay nakuha mo ang aming atensyon" - sabi ng pangalawang bampira "I think di lang dugo nya ang mapapakinabangan natin. She's a human but she is more beautiful than those tasteless girl vampires" - sabi naman nung pangatlong bampira Nangilabot ako sa kakaiba nyang titig sa aking katawan "I can't wait to taste her" - sabi naman ng pang apat na bampira "I'm going first, since Im the one who first saw her" - ung bampirang unang nagsalita Dahan dahan akong lumuhod mula sa pagkakasandal sa malaking bato at palihim na kinuha ang dagger na bigay ni Dion na nakatali sa aking kanang hita bago tumayo "Don't try to fight us human. Mapapagod ka lang" sya habang unti unting lumalapit saakin Nagsitawanan naman ang mga kasama nya "Don't go near me! Im warning you!" - I said trying to be brave kahit alam kong dehado ako sakanila, apat sila at hindi sila mga ordinaryong nilalang "Haha, you think you can scare us?" - ung pang-anim na bampira Tumingin ako sakanya which is a wrong move. Nakalapit na saakin ang unang bampira using his vampire speed. Agad kong hiniwa ng dagger ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Napangiwi ako ng makita ang sugat nya. Hindi ko gustong makasakit pero ako naman ang mapapatay pag di ko un ginawa "Aargh!" Agad itong napaatras habang hawak ang umuusok nyang kamay It is a silver dagger. It is effective to used against vampires Nagsipulahan naman ang mga mata ng pitong bampira. At wala pang ilang segundo ay nawala ang dalawang bampira sa kanilang pwesto at nakita ko na lamang silang nasa magkabila ko na, parehong hawak na ang aking magkabilang kamay. Tumilapon na rin sa malayo ang hawak kong dagger "Bitawan nyo ako!!" Sigaw ko sa mga ito ngunit tila wala silang naririnig Lumapit naman sa akin ung apat na bampira pati ung unang bampirang nasugatan ko "Palaban ka ha! Now we will not going to be easy on you" - sabi nung unang bampira na namumula ang mga mata habang sabay sabay na nagsilabasan ang kanilang mga pangil Nice. Nakaligtas nga ako sa mga malalaking pusa kanina pati na rin sa mga buhay na puno. Pero ngayon naman, these blood sucking creatures will going to drain my blood! Dito na ba ako mamamatay?? At sa mismong kaarawan ko pa?? Kakagatin na sana ako nung dalawang bampira ng bigla na lamang silang sabay sabay na nagsihawak sa kanilang mga leeg at nagsiluhuran sa lupa habang parang nahihirapang huminga. Nabitawan na rin ako ng dalawang bampirang nakahawak sa akin kanina At mula sa kung saan ay sabay sabay na nagsidatingan ang limang tao. Tao? Hindi. Another vampires. Dalawang babae at tatlong lalaki. "A-ang m-mga Sa-sal-vatory" Hirap na sabi nung pang-pitong bampira na nahihirapan pa ring huminga. Tumingin naman ang anim na bampira sa mga bagong dating at bakas sa mga mukha nila ang takot "Bunch of assholes" Sabi nung babaeng nakasuot ng black fitted short with black belt and also a black fitted shirt and high black boots. Her long straight black hair is in high ponytail with some strand of her hair left hanging on both sides of her face. She has a very red lips and a very pale skin and a pair of black eyes. At may parang isang telang kulay itim na naka tali sa kanyang leeg "What are we going to do with these garbages?" - Tanong nung isang lalaki na may itim na buhok at itim na kulay ng mata "Keisler! Let them go. We will have a little play" - sabi ulit nung babaeng naka ponytail "Aww. That fast?? Im enjoying seeing them gasping for air. Not now Keena" Sagot nung tinawag na Keisler nung babaeng bampira na ang pangalan ay Keena. He has a curly black hair. And his red eyes is glowing. So sya ang may kagagawan kung ba't nahihirapang huminga ang mga bampirang ito?? "Let them go Keisler, I wanna have some play" - sabi nung Keena while she's now holding a black whip Saan nya un nakuha? "Okay okay tsk!" Sagot nung Keisler at naging kulay itim na ang pula nyang mata kasabay ng pag hinga ng malalim ng mga bampirang hanggang ngayon ay kapwa nakaluhod pa din Isa isa silang nagsitayuan "Ba't ba kayo nakikialam mga Salvatory?! Maghanap kayo ng ibang makakain! Nauna kami sakanya!" - sigaw nung unang bampira "Nagkataon lang na napadaan kami at gustong makialam ni pinuno" - sagot nung babaeng nakasuot ng cloak na kulay violet. Ang mapulang labi nya lamang ang kita ko dahil sa cloak na suot nito "Pwe! Then we dont have choice but to fight with you" At nagsisuguran na ang anim na bampira samantalang nanatiling nakatayo malapit saakin ung unang bampira kanina kaya dahan dahan akong humakbang palayo rito So its a Five vs. Seven fight?? "Dito ka lang Keisler. Tapos na ang laro mo kanina pa, kami naman" - sabi nung Keena Humakbang naman paabante ung Keena, ung isa pang lalaking bampira na may itim din na buhok at ung babaeng naka cloak Ipinagpag nung Keena ang kanyang hawak na latigo sa lupa bago sya tumakbo para salubungin ung dalawang bampira na palapit sa pwesto nya at saka nya pinuluputan ung isang bampira sa binti na agad namang napaso ang binti nito bago pinalipad sa isang puno. Kita ko naman ang sakit na ininda ng bampira. Kakaiba ang kanyang latigo. Humahaba ito at nakakapaso kapag nakakadikit ito sa balat Hinarap naman niya ung natirang isa pang bampira at pinuluputan nya ng kanyang latigo ang buong katawan ng bampira habang parang humihigpit ang latigo sa katawan nito At napapikit ako ng bigla nyang saksakin ito gamit ang hawak nyang patalim na kinuha nya mula sa nakataling lalagyan nya sa kanyang kanang hita. At ng imulat ko ang aking mata ay wala na ang bampira sa kanyang harapan Inilipat ko naman ang aking tingin sa pwesto nung babaeng naka cloak at nung isa pang kasama nyang lalaking bampira. Agad na nawala sa tabi nung babaeng nkacloak ung lalaking bampira. Kahit ung susugod sa kanyang dalawang bampira ay nagtatakang napalingon lingon sa paligid hanggang sa bigla na lamang natumba ang isa at sumunod naman ung isa pang bampira habang hawak ang kaliwa nilang pisngi na tila sinuntok ng kung sino man. Hindi pa man nakakabawi ang mga ito ng sunod sunod itong napapahawak sa iba't ibang parte ng kanilang katawan na parang sinusuntok Pero sino ang sumusuntok sakanila? Di nagtagal ay bigla na lamang ung lalaking nasa tabi nung naka cloak na babae ay nakatayo na sa harapan ng dalawang nanghihinang bampira at saka nya sinaksak ng maliit na kutsilyo ang dalawang bampira na naging abo na mabilis na inilipad ng hangin Is his ability is invisibility?? Ang dalawa pang bampirang natitira ay tumakbo na rin papunta sa kinatatayuan nung babaeng nka cloak maging ung napatalsik ni Keena sa puno ay nakatayo na rin at susugod na ulit sana kay Keena ng nakita kung ibinababa nung babaeng nakacloak ang kanyang suot na cloak Kulay puti na parang may halong patay na kulay green ang kanyang paaalon alon na buhok na lampas balikat lamang. Mayroon din syang kulay itim na kwintas na parang pang classic ang dating. May mapupulang labi. At ang kanyang mga mata ay nakapikit Ng malapit ng makalapit sa kanyang pwesto ang dalawang bampira maging ang isang bmpira sa pwesto ni Keena ay bigla nyang iminulat ang kanyang mga matang namumula kasabay ng pagtigil ng tatlong bampira na kasalukuyang nangangapa sa kanilang paligid "H-hindi ako makakita!!" - sigaw nung isang bampira Isang ngisi naman ang nakita ko sa mga labi ng babaeng may suot na violet na cloak Ano ang kanyang kakayahan? Nilapitan naman ni Keena ang bampirang papalapit sa kanyang pwesto na nangangapa pa rin at saka nya ito sinaksak ng hawak nyang patalim at saka iyon naging abo. Nilapitan na din nung invisible vampire ung dalawa at tulad ng ginawa nya kanina ay sinaksak nya rin ang mga ito ng patalim na agad ring naging abo Natigilan ako sa aking pagmamasid. Kanina ko pa napapansin na tila may dalawang pares ng mata ang kanina pa ako pinagmamasdan. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa mahinto ito sa isang bampirang kasama ng apat na bampirang bagong dating. Sya ung bampirang kanina pa hindi nagsasalita na nakatingin lamang siya saakin He has black orbs pair of eyes. And a jet black hair. At napansin ko ring may black tattoo sya sa kanyang kaliwang kamay. Nakatayo lamang sya roon kasama nung Keisler na imbis tulungan ang mga kasama ay ako pa ang napagtripan panuorin Nawala ang atensyon ko sakanya ng maramdamn kong may bisig ng nakapulupot sa aking leeg "Wag kayong lalapit sa akin! Kundi papatayin ko ang babaeng ito!" Nakalimutan kong may buhay pa pala ritong duwag na bampira! Napalingon naman sa gawi ko ang apat na bampira. Apat lang, kasi dati ng nakatingin saakin ung isa nilang kasama. "Then kill her. As if we have plan to keep her alive. We're just a passerby" - bagot na sagot nung Keena What?? Are they just gonna watch me while this vampire draining me to death?! Ramdam ko naman ang pagngisi ng bampirang nasa likuran ko Naglakad naman na palapit ung Keena at ung si invisible vampire sa kasamahan nila "Haha, pinatay lang pala nila ang mga kahati ko sayo. Ngayon matitikman na rin kita" What the word? Kanina pa yang salitang iyan. Matitikman??? Muli akong napatingin sa pwesto nung mga "passerby" vampires na mukhang plano na talagang umalis. Pero natigilan sila ng hindi pa umaalis sa pwesto nya ung bampirang kanina pa nakatitig saakin Nakita ko naman na mas umitim ang tattoo na nasa kanyang kaliwang kamay at mula roon ay gumapang ang isang kulay itim na bagay? O anino? Mabilis itong gumapang palapit sa pwesto namin. At ang walang kamalay malay na gutom na bampirang nasa aking likuran na kasalukuyan ng inaalis ang buhok ko sa kanan kung balikat ay bigla na lamang napasigaw Agad akong lumayo rito Tinignan ko sya at nanlaki ang aking mga mata ng makitang unti unting nilalamon ng anino ang katawan ng bampira. Literally NILALAMON! Hanggang sa tuluyan ng nawala sa aking paningin ang bmpira at saka mabilis na gumapang pabalik ang anino sa kamay ng misteryosong bampirang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin saakin Ilang beses akong napakurap ng makita ko na syang nakatayo mismo sa aking harapan. His black orbs pair of eyes is looking directly at me "What are you doing?" Tumingin ako kay Keena na nasa tabi na nitong kaharap ko maging ang tatlo nya pang kasamahan Muling nabalik ang aking tingin sa aking harapan ng bigla nyang kunin ang aking kamay at saka nya iyon dinala sa kanyang mapupulang labi at hinalikan I even heard the gasp of his comrades "I am Yael, and you are?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD