Kazarina POV
Ang bampirang iyon. Sino ang mga bampirang nanggulo sa mga plano ko? Tiyak na mahihirapan ako ngayon dahil sa dalawang tagabantay. Papaano ko na sya makukuha??
Isang malakas na hangin ang pumasok sa aking kwarto at nakita ko na nakatayo na di kalayuan saakin si Veronica
"Ano na naman ang kailangan mo? Pakialamerang bampira?!"
"Haha, ikaw ang may kailangan saakin Kazarina"
"Wala akong kailangan saiyo. Bumalik kana kay Haden. Dahil hindi mo makukuha ang babaeng iyon"
"Why don't we help each other Kazarina?"
"Playing trick to me huh? I won't buy that Veron. Leave now!"
Pero imbis na umalis ay umupo pa ito sa upuan na nasa loob nitong aking silid
"Mahihirapan kang makalapit sa babaeng iyon hanggat nasa tabi nya ang dalawang guardian"
Alam ko. Alam na alam ko iyon. What is she want to bargain with me now??
"Why not we help each other to get rid off one of those guardian so that it can be easy for us to get her?"
"Get rid one of them? And how can we do that? Besides even we get rid one of them, still she's surrounded by those irritating vampires and those under of water element"
"Come to think Kazarina. If we get rid one of the guardian it will be easy to break the protection of the princess and about those extras, we can handle it besides you have power and I am guided by Haden's power so what's the problem with that? It depends to us on how to handle those bunches of garbage that are trying to block our way"
Bahagya akong nag isip. Kung sabagay may punto siya
"So how can we get rid one of the guardian?"
I dont trust her and I dont want to team up with her.. But if it is the only way to get that girl. Then I'll go with her plan
Tumayo siya at naglakad palapit saakin
"I can use the remaining power of Haden to get rid one of the guardians, and then after that, bahala na tayo sa pag unahan na makuha sya"
Well I think I can really use her power here
Her power from Haden
"So deal?"
Inilahad nya saakin ang kanyang kamay
"Deal"
Sabay abot ko sa kamay niya
I will make sure that I will get her.. I must get that girl for Luan
Freya POV
"They are here" - Zeyton
"Freya"
ibinalik ko ang aking tingin kay tita ng tawagin nya ako. At may isinuot sya saaking kwintas
"Your mother wants me to give it to you when this day comes"
Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na parang tear drop na may kulay asul na crystal
"Its your family's heirloom"
Pinakatitigan ko naman ito
"We need to go" - Zeyton
Lalabas na sana ako ng bigla akong pigilan ni Zeyton
"Mas ligtas pag sa bintana tayo dumaan mahal na prinsesa"
"H-ha?? Pero may kataasan ang kwarto ko"
"Don't worry princess. I am here, di kita papabayaan"
"Go with the First guardian Freya. Wala ng oras. Pupuntahan ko na sa baba sila Zane" - Tita
"Mauuna ako. At pagkatapos kong tumalon ay sumunod ka mahal na prinsesa" - Zeyton
Napatango na lamang ako sakanya
Mabilis syang nakatalon pababa ng bintana ko. At ngayon hinihintay nya na lang ako sa baba. Madilim na sa paligid dahil gabi na at ramdam ko ang lamig ng hangin
"Don't be afraid princess" - sigaw ni Zeyton mula sa baba
Itinaas ko ng konti ang suot kong dress bago sumampa sa bintana. At pikit matang nag patihulog
Bigla kong naramdaman ang pagbaba ng gravity dahil naramdaman kong biglang bumagal ang paghulog ko. Napamulat ako at nakita kong hindi ako bumubulusok pababa kundi dahan dahan akong nahuhulog habang seryosong nakatingin lamang saakin si Zeyton. Oo nga pala, nakalimutan ko. Zeyton can also manipulate Gravity
Ng makalapag na ako ng tuluyan ay agad nya akong hinawakan at tatakbo na sana kami paalis ng may mga bampirang humarang saamin
Binitawan nya ako at saka inilahad ang kanang kamay nya at mula roon ay unti unting lumabas ang isang malaking espada na mayroong asul na apoy na pumapalibot rito
"Umatras ka muna sandali mahal na prinsesa. Lilinisin ko lang ang ating daraanan"
Humakbang ako paatras
At nagsimula ng sumugod ang mga bampira. Naiiwasan nya naman ang mga ito at madali nyang napapatay ito at nagiging abo gamit ang kanyang espada. Marami pang dumating na mga bampira. Mukhang nalaman na nilang naandito kami
nakita kong tumatakbo mula sa kung saan si Sky na nasa totoong anyo nito at saka pinagsasakmal ang mga bampira kanyang nakikita
Lumingon ako sa loob ng bahay at kita ko rito na nakikipaglaban sila insan at kevin sa mga bampirang nasa loob. Ngunit tila may nawawala ngayon
"Looking for someone?"
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko roon ung babaeng bampira na may perpektong mukha na nakasuot ng puro puti at nakapuyod ng pabilog ang knyang itim na itim na buhok. Ang pagkakatanda ko ang pangalan nya ay Veronica
Napaatras ako ng humakbang sya palapit saakin
"Afraid of me hu? Haha don't be, I wont hurt you. But - I might bite you"
At nakita kong humaba ang kanyang pangil. Nagsitaasan naman ang aking balahibo at aatras sana akong muli ng may nabangga ako sa aking likod
"Running away?"
Sya. Sya ung babaeng mayroong kakaibang kapangyarihan. Ang maladyosang babae. Kazarina ang kanyang pangalan kung di ako nagkakamali
bigla namang may malakas na impact kaming naramdaman at nakita kong nagsitapon sa malayo ang mga bampirang nakapalibot kay Zeyton. maging sila Veronica at Kazarina ay napaatras din sa lakas ng impact na mula kay Zeyton lumapit sya saakin ng ilang metro at nakita kong nasa tabi nya na rin si Miya
Lumitaw ang mga tattoo sa kanilang magkabilang braso at kamay maging sa knilang noo. At lumiwanag ito. Kulay asul na liwanag. At kasabay ng pagliwanag nun ay ang pagkakaroon ng medyo transparent na kulay asul na harang sa paligid ko
"Gawin mo na ang napag usapan Veron!"
Dinig kong sabi ni Kazarina kay Veronica
Nasa labas na din ng bahay sila insan, tita at Kevin.
Lahat ng nadadaanan na bampira ni Kevin ay tumitilapon dahil sa lakas nya. Sila insan at tita naman ay parehong pinagagalaw ang tubig mula sa kanilang kamay na gumagapos sa mga bampira. Si Zeyton naman ay kasalukuyang kaharap na ni Kazarina na paminsan minsan ay napapahinto dahil ginagamitan sya ng kapangyarihan ni Kazarina. Si Miya naman ay kaharap si Veronica. Gumagamit lang sya na maliit na kutsilyo habang puro sangga lamang si Veronica
Samantalang ako parang tanga lamang na nanunuod mula dito sa loob ng harang na nakapalibot saakin na walang nkakalapit na bampira
"Veron! Gawin mo na!"
Napalingon ako sa gawi ni Kazarina na nakaupo na ngayon sa lupa habang hawak ang kanyang dumudugong tagiliran
Nagtataka namng napalingon si Zeyton sa gawi nila Veronica at Miya
Kita ko naman ang pag ngisi ni Veron habang nakatingin kay Miya.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Miya na parang nakuha nya na ang ibig sabihin ni Kazarina
Wala pang ilang segundo ay napalibutan ng itim na hangin si Miya habang namumula ang mga mata ni Veronica
tumakbo naman palapit sakanila si Kevin pero huli na ng biglang maglaho ang itim na hangin kasama si Miya
Unti unti namang nawawala ang shield na nakapalibot saakin
At nagsisimula na ring magsilapitan saakin ang mga bampira maging si Veronica
Tumayo naman na si Kazarina at mas lalong namula ang kanyang mata kasabay ng pasigaw nila insan at Veronica dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman, namimilipit naman sa sakit si Zeyton maging ang ibang bampira at sila tita at Kevin.
Ako, si Sky at ang ibang bampira lamang ang hindi nakararanas ng bagsik ng kapangyarihan ni Kazarina. Alam ko kung gaano kasakit ang epekto ng kapangyarihan ni Kazarina dahil naramdamn ko na rin ito noong una nilang pagpunta rito. Mamimilipit ka talaga sa kakaibang init at sakit na mararamdamn mo sa loob ng katawan mo.
Tumakbo papalapit saakin si Sky pero napalibutan sya ng itim na hangin na nagmumula kay Veronica kaya't hindi na sya nakakagalaw
Naglakad naman na papalapit saakin si Kazarina habang hawak ang duguan nyang tagiliran
"Mukhang wala ata ngayon ang bampirang may pulang buhok at ang bampirang palagi niyang kasama" - sya habang pinagmamasdan ang paligid
"Ang mahalaga ngayon ay wala ng sinuman ang hahadlang pa saakin. Dadalhin na kita sakanya. At ako mismo ang tatapos saiyo pagkatapos mo syang buhayin"
Papalapit na papalapit na sya saakin. At hindi ko magawang ihakabng paatras ang aking mga paa
"Dadaan ka muna saakin bago mo sya makuha!"
Biglang humarang sa aking harapan si tita kahit alam kong ramdam nya pa rin ang kapangyarihan ni Kazarina
"Umalis ka sa aking daraanan kung ayaw mong mamatay!" - sigaw ni Kazarina
Pinalibutan ni tita si Kazarina ng kanyang tubig. Kita ko na ang mga ugat na nagmumula sa mga kamay ni tita. Alam kung malakas na pwersa ang kanyang pinakakawalan. At dahil doon ay nawala ang epekto ng kapangyarihan ni Kazarina. At nanghihina itong napaupo
Kita ko naman na nakatayo na si Veronica habang pinalilibutan ng itim na hangin
mula sa kanyang nakapuyod na buhok ay may kinuha syang isang patalim. Kakaibang patalim. Mukhang may nakaukit sa mismong patalim nito
naglakad sya hanggang sa makarating sya sa aming pwesto. Nakita naman ito ni tita at hinarangan nya ito. Pero isa iyong pagkakamali
"Mama!!!!" - dinig kong sigaw ni insan na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa lupa maging sila Kevin
"Tita!" - lalapitan ko sana si Tita ng makitang natumba ito habang dumadaloy ang kanyang dugo mula sa kanyang tiyan. Subalit nakalapit na saakin si Veronica
Rinig ko ang malakas na alulong ni Sky ksabay ng pagkawala ng nakapalibot sakanyang itim na hangin. Iyon ang unang beses kong marinig ang kanyang alulong. Kita ko sa mata nyang kulay asul ang matinding galit. Tumakbo sya papunta sa aking pwesto pero hinarangan sya ng mga bampira na walang kahirap hirap nyang napapatalsik
"I think you're little pet is really mad now. Haha, but now you will never escape from me"
Hahawakan nya na sana ako ng may biglang lumabas na portal mula sa aking likod. Isa iyong itim na portal. At hindi ko alam basta bigla nalamang ako nitong hinigop at hindi na ako nagawang hilain pa ni Veronica
Ramdam ko ang pag kalaglag ko sa kawalan. Wala akong nkikita kung hindi kadiliman. Hanggang sa unti unting bumagsak ang talukap ng aking mga mata kasabay ng tuluyang paglamon sa akin ng walang hanggang kawalan