The Last Vessel

3008 Words
      KASALUKUYAN kong hinahaplos ang malambot na balahibo ni sky na tahimik na nakadapa sa aking kandungan habang ako ay nakaupo sa ilalim ng malagong puno na nasa tapat ng aming bahay. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na si sky ang nakita ko knina. Ipinaliwanag rin nilang si sky ang legendary guardian ko at ganun talaga ang totoong anyo ni sky. Kaya pala sya hindi tumatahol tulad ng normal na aso, dahil hindi sya aso. Si sky ay isang legendary white fox with a bluish flame in his nine tails.  Bahagya kong isinalag ang aking kamay sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ni sky. Sa maamong mukha nito. Sa kabila ng lahat ng nalaman ko tungkol sakanya, para saakin ay sya pa rin ang sky na pinalaki ko, ang sky na inalagaan ko. "Nais nyo po bang mamasyal mahal na prinsesa?" Iniangat ko ang aking ulo ng may biglang ngsalita sa aking harapan "Maari bang wag mo na akong tawaging prinsesa Zeyton?" "Paumanhin mahal na prinsesa ngunit hindi po maaari ang iyong nais" "Hindi ako sanay na tinatawag ng ganyan. Gusto kong mismong pangalan ko ang itatawag sa akin" "Naiintindihan ko po ngunit ito'y isang paggalang" Ang kulit nya!! kung makagamit naman sya ng salitang "po" ay feeling ko naman ang tanda tanda ko na! Eh parang magkasing edaran lang naman ata kami kung titignan. Isang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago nagsalita "Kung di ko na talaga yan mababago ay wala na akong mgagawa" - ako sabay buhat kay sky at tumayo "Gusto kong maglakad lakad. Maaari mo ba akong samahan?" bahagya lamang syang yumuko saakin Miya POV Pinagmamasdan ko ang bampirang may pulang buhok na tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana may nararamdaman akong kakaiba sa bampirang ito. May kakaiba sakanya na hndi ko matukoy kung ano. Hindi sapat ang nalaman ko tungkol sakanya, sa naging pag uusap nmin kanina habang walang malay ang prinsesa ~flashback "Masaya ako't nagpakita na rin kayo. Subalit tila ngayon ko lamang naramdaman ang iyong presensya unang tagabantay" - Louella "Paumanhin, may kailangan lamang akong ayusin sa aming kaharian. pero kahit wala ako sa tabi ng prinsesa ay binabantayan ko pa rin sya mula sa aking mahiwagang salamin na nasa aming palasyo." "Ang mahalaga ay naririto kana at sana ay gampanan mo na ng maayos ang iyong tungkulin" - ako Hindi na ako nkapagpigil na makisali sakanila. Aaminin ko inis ako sa lalaking ito! Napaka iresponsable nya para pabayaan ang prinsesa Bahagya lamang syang tumingin saakin maging sila Louella bago inilipat ang kanyang paningin sa dalawang bampirang kanina ko pa rin pinagmamasdan "At sino naman kayo?" - tukoy ni Zeyton sa dalawang bampira "Ang pangalan ko ay Dion at sya naman ay si Youn-- si Kyran" - sagot ng bampirang may kulay lilang buhok "At ano ang ginagawa ng mga bampirang tulad nyo dto? Maliban sa isang Gregory na naandto, kayong dalawa ay hindi saakin pamilyar. Mga kaaway rin ba kayo?" - tanong ulit ni Zeyton "Wag mo kaming paghinalaan unang tagabantay, dahil kung kalaban kami ay kanina ko pa itinakas ang prinsesa" - sagot nung Kyran "Kung ganun ay ano ang relasyon mo sa prinsesa? Ngayon lamang kita nakita" Nakita kong magsasalita sana si Louella ng bahagyang itinaas ni Kyran ang kanyang kanang kmay "Naandito ako upang sunduin sya" Ano? "Sunduin?? Anong kahangalan ang iyong pinagsasabi?" "Kailangan na sya ni prinsipe Luan. Batid nyo naman ang kanyang kalagayan hindi ba?" Kung ganun ay sugo rin sya ni King Luan. Oo, ang tinutukoy naming Luan ay ang siyang hari ng mga bampira Kayat hindi ko alam kung bakit panay prinsipe ang tawag niya kay King Luan Gayun pa man. Sa mga sinabi niya, hindi ako makapapayag Hindi niya maaaring kunin ang mahal na prinsesa! Tatayo na sana ako ng una ng tumayo si Zeyton at ska lulusubin sana ang bampira ng pumagitna si Louella "Wala syang gagawing masama unang tagabantay" "Ngunit narinig mo ang kanyang sinabi. Kukunin nya ang prinsesa" "Alam nating lahat na mangyayari ito. At kailangang mangyari ito" Tama si Louella Alam namin na kailangan na mangyari ito. Isa ito sa aming tungkulin. Ang masigurong mangyayari ang propesiya "Alam ko. Pero kaming guardian ang magdadala sakanya roon upang masigurong makababalik sya ng ligtas" "Kung iyon ang iyong gusto. Ngunit sasama kami sa paghatid sakanya. Makatutulong kami ng malaki" - Kyran "Kung ikaw ay nasa panig ni Luan. Bakit mo kinalaban sila Kazarina? Hindi ba't alagad dn sila ni Luan?" - ako "Hindi ako kampante sa babaeng iyon" Kung ganoon ay pareho pala kami ng palagay sa babaeng bampirang iyon "Kung ganun ay pumapayag na akong isama ka, siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na ikasasama ng prinsesa" "Nasisiguro ko ------- dahil hinding hindi ko magagawang ipahamak ang matagal ko ng iniingatan" ~end of flashback "Staring is rude, don't you know that?" Nabalik ako sa realidad ng bigla syang magsalita. At nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na sya "Do you have something to ask?" "Nothing" "Your eyes tell the other way around" Bahagya syang yumuko at mas inilapit ang kanyang mukha sa akin "I don't want your presence vampire. I can sense harm from you. You will bring harm to the princess" Muli syang umayos ng tayo at saka inilagay ang dalawang kamay sa kanyang pantalon "I won't do that" tumalikod na sya saakin. Akala ko ay aalis na sya ng magsalita itong muli "And, if ever I will. I'll assure you second guardian ------- I have reason" - sya bago sya biglang nawala sa aking harapan Di ko namalayan na nakatikom na pala ang magkabila kong kamao Sino ka ba talaga?? Ano ang kaugnayan mo kay King Luan? Zeyton POV "Gusto kong malaman ang lahat simula sa umpisa, nalilito pa rin ako hanggang ngayon" Tinignan ko sya na kasalukuyang nakadapa sa damuhan at nakahalumbabang nakatingin sa repleksyon nya sa tubig "Mas maiging si Louella na ang magkwento sayo mahal na prinsesa dahil matalik syang kaibigan ng iyong ina" "Zeyton magbabago ba ang buhay ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw?" tanong nya at saka sya tumingala upang tignan ako "Oo mahal na prinsesa. Kailangan mong harapin ang bago mong buhay mahal na prinsesa. Ngunit huwag kang mag alala nasa tabi mo lang ako palagi. Nasa tabi mo lamang kami ng ikalawang tagabantay" Ngumiti naman sya at saka muling tinignan ang kanyang repleksyon sa tubig You've fully grown as a fine lady with a beautiful heart, a beautiful deity that any creature will envy your beauty. He doesn't deserve you. A devil doesn't deserve a beautiful angel. Freya POV "Happy Birthday Freya!!!!" Pagbalik namin ni Zeyton sa bahay ay ito na ang bumungad saamin pagkapasok namin "Happy birthday Cass, make a wish make a wish!" - insan na may dalang chocolate cake at may isang light candle Dati pa rin ang pakikitungo saakin nila insan kasi sinabi kong magagalit ako kapag nagbago ang pakikitungo nila saakin. Talagang sila Miya at Zeyton lamang talaga ang di ko mpilit. Sobrang loyal Tinignan ko muna silang lahat bago pumikit at pagmulat ko ng mata ay agad ko iyong hinipan Inaabot ni insan ang cake kay Kevin bago ako hinila papuntang kwarto "Anong gagawin natin dito?" - takang tanong ko kay insan "Birthday mo! Kaya dapat maganda ka. Ay mali, dapat mas maganda ka" Iniabot nya saakin ang isang paper bag at itinulak ako papasok sa banyo Kasalukuyan kaming nakaharap ngayon ni insan sa salamin Nakasuot ako ng kulay lime green na dress na parang semi gown na kasi halos sumayad na sa lupa. Di sya fit hanging sya with a golden rope in the waist line. At long sleeve sya na ang tela sa mgkabilang braso hanggang palapulsuhan ko ay transparent na telang kulay lime green pa rin. Regalo nya daw saakin ito. Ito yung gusto ko sanang bilhin nung huli kaming pumunta sa mall dalhin maganda sya at malambot ang may pagka minipis nyang tela. Ibinigay nya saakin to na may kasamang sandalyas pa na flat na kulay gold Ipinuyod nya paitaas ang aking buhok pero nagtira sya ng ilang hibla sa magkabilang mukha ko "Ayan baba na tayo" - masayang sabi nya Ng bumaba kami ay nakita namin sila na nasa kusina. Tumakbo naman agad papalapit saakin si Sky. At dahil dun ay nabaling ang lahat ng atensyon nila saakin Nakangiti saakin si Miya ay Tita habng nakatulala naman si Zeyton saakin. Kita ko namang nagniningas ang mga mata nila Kevin at Dion na agad namang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon ng tignan silang dalawa ng masama ni Kyran "You're really beautiful and lovable like your mother Freya" - sabi ni Tita at saka ako niyakap "Ehem! O tara na kain na tayo!!" - Sigaw ni Kevin ang patay gutom na bampira. Akalain mo un mayroon pala akong kaibigan na bampira! bampirang kung lumamon kala mo bibitayin na. He has super strenght 3x stronger than a normal vampire according to him. Kaya naman pala siya palagi ang inuutusan ni insan sa pagbili ng pagkain namin pati sa pagdadala ng mga gamit Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain, kahit di ko sigurado kung masaya nga ba ung iba naming mga kasama o hindi. Kasi si Kyran wala na naman ekspresyon ang mukha, sila Zeyton at Miya pati si Dion seryoso lang din na kumakain. Sila insan at kevin lang talaga ang panay salita eh Kevin gave me handkerchief with a beautiful embroidery of a beautiful flower na ngayon ko lang nakita. Sabi nya sa mundo lang daw nila meron nun. At ang mama nya mismo ang nagburda nun. Ang pamilya nya pala ay nasa other world hindi naman sa ibang bansa, ibang mundo nga lang. Zeyton gave me a crystal that is made of pure ruby. And miya gave me an invisible cloak na galing pa daw sa kaharian nila. And Dion gave me a silver dagger na nakalagay sa kulay brown na maliit na supot na may tali. Kakailanganin ko daw iyon. Ng matapos ang kainan ay hinanap ko si Kyran. Bigla nalang kasi syang umalis. May mga gusto akong itanong sakany Agad ko naman siyang nakita sa may labas ng bahay "Ahmm Kyran?" - tawag ko sakanya Lumingon naman sya saakin saka ako lumapit "What are you doing here? Its dangerous" medyo padilim na din kasi "Gusto lang sana kitang makausap" "About what?" "Nabanggit mo na kailangan nya ng tulong ko. Magkakilala ba kayo? Ano ang kaugnayan mo sakanya?" Tinitigan nya lamang ako "Bakit kayo magkakilala nila tita? Nagkita na ba tayo dati?" Hinihintay ko syang magsalita pero mukhang wala syang balak sumagot at magsasalita na sana ako ulit ng biglang lumabas si Dion lumapit ito kay Kyran at saka may ibinulong "Kailangan na muna naming umalis, mas maiging pumasok kana" - sambit saakin ni Kyran "Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko" Pero imbis na magsalita sya ay may iniabot sya saaking pulang rosas. Kinuha ko naman iyon sakanya "Itago mo iyan. Kung maaari ay huwag mong iaalis sa tabi mo ang rosas na iyan. Pumasok kana" Tinignan kong muli ang pulang rosas. Kakaiba ito sa mga nakatanim naming rosas sa likod bahay. May mga tinik ang sanga nito pero hindi ako nasusugatan Tinignan ko muna silang dalawa bago pumasok ng bahay. Pero agad ko ring binuksan ulit ang pintuan ng may maalala ako ngunit pag tingin ko ay wala na silang dalawa "Babalik pa kaya sila?" Tanong ko sa sarili bago isinara ang pinto Matapos ang hapunan ay pumunta muna ako sa aking kwarto at kinuha ang rosas na bigay ni Kyran at iniipit iyon sa gilid ng nakapuyod kong buhok at kinuha ko rin ang dagger na bigay ni Dion at itinali ko ang lalagyan nun sa aking hita sa loob ng damit ko. Alam kong may hindi magandang mangyayari, nararamdaman kong may mangyayari. Mas maigi ng handa At saka ako lumabas at pumunta sa kwarto ni tita "Tita?" - tawag ko mula sa labas ng kanyang kwarto "Pumasok ka Freya" - dinig kong sabi nya mula sa loob kaya agad naman akong pumasok "Nalilito pa rin po ako sa mga nangyayari" "Maupo ka" Bahagya nyang tinapik ang gilid ng kanyang kama kung saan sya nakaupo na agad ko namang sinunod. Naupo ako sa tabi nya "Ano ang iyong gustong malaman?" "Mula po sana sa umpisa" Umayos muna sya ng upo bago nagsimula "Matalik kong kaibigan ang iyong ina't ama. Pinamumunuan nila ang Elafry Vasileio. Ang iyong ina na si Queen Amaia ay mula sa angkan ng mga Aurius. Ang mga Aurius ay tanyag sa paggamit ng mga salamangka at may kakayahang magpagaling" Kung ganoon maari rin akong magpagaling? "Ang iyong ama naman na si King Cadius ay mula sa angkan ng mga Glasiever. Ang angkan na may kapangyarihan ng asul na apoy. Ang Elafry Vasileio ang tagapag balanse ng apat na elemento. Ang elemento ng hangin, tubig, lupa at apoy" "Kung ganun Tita ayon sa mga sinabi mo ay ang angkan ng aking ina ay ang may kayang mapaggaling ngunit ang aking ama ay wala. Kung ganoon ay papaano ko mabubuhay ang sinasabi nyong hari?" Ngumiti sya saakin bago siya nagpatuloy "Sa kabilang mundo ay mayroong nabubuhay na legendary phoenix. Ang legendary phoenix ang syang namumuno at bumabalanse sa lahat ng bagay sa kabilang dimensyon. At sya rin ang nagtatag sa kaharian ng iyong ama, sakanya nangagaling ang asul na apoy. Ngunit ito'y hindi basta bastang ngpapakita sa kung sino man. Pero sa hndi inaasahang pangyayari ay nakita ng ating mga ninuno ang legendary phoenix. Ngunit ito'y sugatan. Ginamot nila ito at inalagaan. Dahil sa ipinamalas na kabaitan ng ating mga ninuno ay binigyan sila ng regalo ng legendary phoenix. Ang ipagamit sa atin ang kanyang kakayahan. Mula noon ay pumipili ng magiging vessel ang legendary Phoenix. Isang may malinis at busilak na puso. Ang sinuman na napipili ay nagkakaroon ng kakayahang magpagaling ng mas mabisa at mas mabilis at may espesyal na kakayahang magbigay buhay muli. Ang kakayahang ito ay inaasam ng mga bampira dahil sa mga kauri nilang nais nilang bigyang buhay. Ngunit ito'y limitado lamang sa isang beses dahil sa oras na magbigay sya ng buhay ay nawawala na ang kakayahan nyang ito ngunit mananatili pa rin sakanya ang legendary phoenix. At kapag namatay na ang vessel ay isang daang taon muna ang lumilipas bago muling pumili ng susunod na magiging vessel ang legendary phoenix. " Saglit syang huminto "Freya ang iyong ina, si Queen Amaia ay naging vessel ng legendary Phoenix. At nagamit nya ang espesyal na kakayahang iyon saiyo" Saakin?? "B-bkit po saakin? N-nmatay ba ako?" "Ipinangank ka na hindi humihinga Freya. Naroroon ako mismo sa tabi ng umiiyak mong ina. Hanggang sa naisip nyang saiyo na gamitin ang kakayahang iyon. At ng oras na muli kang huminga ay doon rin lumipat ang legendary phoenix saiyo" "Saakin? Ngunit, sabi nyo ay isang daang taon ang lumilipas bago ngkakaroon ng panibagong vessel" "Walang may alam kung ano ang dahilan ng legendary phoenix sa biglaan nyang paglipat ng vessel at saiyo pa mismo. Hindi lang naman sa Elafry Vasileio pumipili ang legendary phoenix sa katunayan ay may mga naging vessel na ito mula sa ibang mga kaharian ng light empire" kung ganoon nasa katawan ko ang legendary phoenix?? "At iyon ang dahilan kung kaya't ikaw ay may kakayahang magbigay buhay rin tulad ng iyong ina" "Pero bakit po naging magkaaway ang light empire at dark empire?" Bahagya siyang tumigil at bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan tungkol sa kung ano man ang naaalala niya sa mga oras na iyo bumuntong hininga siya bago siya muling nagsalita "Dati ay maayos pa ang samahan ng dalawang emperyo. Ng magkaroon ng biglaang alitan. Dahil sa pagkaganid sa kapangyarihan ng hari ng mga bampira. Ninais nyang sakupin ang light empire at isunod ang mundo ng mga mortal. Pero dahil sa nakikita ng legendary phoenix na di kakayanin ng light empire ang dark empire ay doon sya gumawa ng paraan" "Ano ang ginawa ng Legendary Phoenix?" "Ang propesiya" "Ang propesiya?" "Ayon sa propesiya upang matigil ang hidwaan ng dalawang emperyo ay isang babae mula sa light empire at isang lalaking bampira mula sa dark empire na mayroong kakaibang kapangyarihan ang nakatakdang umayos ng hidwaan ng dalawang emperyo" "At sino Tita ang tinutukoy sa propesiya?" "Ang babaeng huling magiging vessel ng legendary phoenix at ang bampirang nagmamay ari ng kapangyarihan ng yelo" Kapangyarihan ng yelo?? Ang lalaki sa aking panaginip. Ang malaking bloke ng yelo sa kwartong iyon. May kinalaman ba ang lahat ng iyon dito?? "Mayroon silang natatanging palatandaan, pareho silang may marka sa kanilang mga dibdib" Bigla akong napahawak sa aking dibdib sa sinabing iyon ni tita "At ang iyong ina ay may kakayahang makita ang buong propesiya. May kakahayang makita ang mga magaganap. Alam ng iyong ina na hindi papayag ang hari ng mga bampira na magkaayos ang dalawang emperyo. At papatayin nya ang itinakdang babae at itatago ang bampirang tinutukoy sa propesiya. Kung kaya't nagbigay ng dalawang guardian ang legendary phoenix. Dalawang sanggol ang isinilang bago pa man isilang ang itinakdang babae. Sampung taon na ang unang tagapag bantay bago isilang ang sanggol samantalang siyam na taong gulang ang pangalawang tagapagbantay" "Ako ba ang tinutukoy sa propesiya?" tumango naman si tita bilang tugon unang ipinanganak saakin sila Zeyton at Miya ngunit tila magkasing edaran lamang kaming tatlo "Alam ko ang iniisip mo Freya. sila Zeyton at Miya ay mayroong immortal na buhay dahil sa responsibilidad nila saiyo bilang tagabantay kaya sila hindi tumatanda isa pa hindi sila mga mortal tulad ng tao" "Kung ganoon tita, bakit wala naman akong natatandaang mayroon akong marka sa aking dibdib?" "Dahil isinara iyon ng iyong ina Freya. Pati ang iyong kapangyarihan. Muli lamang itong lalabas kapag kinagat kana ng bampirang sinasabi sa propesiya" A-ano? K-kung gnoon ay kailangan ko pang mgpakagat sa bampirang iyon?? How creepy is that??? "Tita tungkol po sa tinutukoy nyong Luan. Sino po sya? At bakit sya namatay?" pero bago pa man si Tita makasagot ay buglang bumukas ang pintuan at pumasok ang hinihingal na si Zeyton "They are here"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD