DP-4

1843 Words
Chapter 4 "I'm Zayn Asher McCartney" aniya sabay ngiti ng matamis. Napairap nalang ako, akala mo kung sinong gwapo ang pangit naman ng ugali. Tss. Oo tama kayo si Gago ang bago naming kaklase. Kilig na kilig naman mga babae pati si Ma'am. Tss. Anong nakakakilig dun? "Ahem. Okay welcome to our class, McCartney dun ka sa tabi ni Ayala" ani Ma'am. Teka? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sa tabi ni Ayala? Ayala? Ako yun? Sa tabi ko? Nilibot ng mata niya ang buong classroom at nang tumigil sa akin ay napangisi ito. Tss. Tanginangto mukhang aso. Nakangisi 'to papunta sa tabi ko. Nang nasa tabi ko na siya sinipa muna niya yung upuan ko bago umupo. Tangina talaga neto. Kalma mwoen, KALMA. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, kasi kung hindi sinapak ko na 'to. "Swerte naman niya katabi niya si Zayn" sabi ni Ella classmate ko. "Oo nga e" sabi ni Andy. "Sana ako nalang siya" sabi naman ng isa kong classmate diko na matandaan name niya basta classmate ko siya. Swerte? Anong swerte? Kung pwede lang makipagpalit ng upuan e. Tss. Palibhasa di niyo alam ugali ng kupal na 'to! "I'm your English Teacher. Again, My name is Marisa Dizon call me Ma'am Dizon or Mrs. Dizon. I'm your class adviser also" ani'to "Our Lesson for today is about Personal Discovering Challenges" mahabang sabi ni Ma'am Dragon. "So section A ka pala?" ani Gago. Hindi ko siya pinansin. Dahil wala ako sa mood makipag gaguhan sakanya. "Sabagay sabi nila kapag NERD, matalino" daldal nito. Hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka. "Hoy Nerd" sabay siko sa akin. "Ano ba?!" sabay siko ng malakas sakanya. Namilipit naman ito sa sakit. Tanginamo a! Daldal pa. Sabi ko sa isip ko. "Ayala and McCartney! Nag Le-lesson ako harutan kayo ng harutan jan! " sigaw ni Ma'am Dragon "Ikaw McCartney kakalipat mo lang nag papasaway kana agad! Di porket Gwapo ka! " dagdag pa ni Ma'am Dragon at namula ang pisngi? Nuyon? Napatingin naman silang lahat sa amin pati yung apat. Napayuko nalang ako. Nasisira imahe ko ng dahil sa gago na 'to. Pinagpatuloy ni Ma'am Dragon ang lesson niya at tumahimik na rin si gago. Nag lesson lang kami sa english bukas may activity daw. "That's all for today class! See you tomorrow" ani Ma'am. "May activity tayo bukas wag niyong kalimutan! " pahabol pa nito at tuluyan nang lumabas. Nag ingay naman ang lahat dahil 15 minutes bago dumating ang bagong teacher. Kinuha ko ang libro ko at nag earphones, magbabasa nalang muna ako habang wala pa yung next teacher. Habang nagbabasa ako ay biglang nag vibrate ang phone ko tinignan kung sino ang nag text. Si Niel. ___________________ From: Niel? Are you okay? Kilala mo ba yung new student? 12:07 pm Tuesday ___________________ Napangiti ako at nireplyan agad ito. ____________________ To: Niel? Yes and No. 12:08 pm Tuesday _____________________ Tipid kong reply sabay balik ng phone ko sa bag at nagbasa ulit. "Tss" syempre sino paba edi si gago. Diko siya pinansin bahala siya jan. Maya maya pa ay may biglang tumama sa noo ko, papel na hugis bola. "Opss! Sorry akala ko basurahan" nakangising sabi nito. Nakuha nanaman namin ang atensyon ng lahat. Pati ang apat na salubong mga kilay, tinignan ko sila sabay iling. Tanginang gago 'to gusto na ata mamatay. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya, nang mailang siya nginitian ko 'to ng sobrang tamis. Napalunok naman si gago. Tss. Yan ganyan nga wala ako sa mood makipag gaguhan sayo. Umupo ako ng maayos at nagbasa ulit. "Excuse me? section A? " napatingin kami sa nagsalita. "Yes" pagsagot naman ni Amanda, siya kasi ang pinaka malapit sa pinto. "Pinapasabi ni Sir hindi siya makaka attend ng class sainyo, kaya pwede na daw kayo mag breaktime" Sabay alis nito. Natuwa naman ang karamihan at lumabas agad ng room. Niligpit ko ang mga gamit ko at kinuha ang paperbag na may laman ng binili ko kanina, sa field ako kakain mainit kasi sa cafeteria at maingay. Bago ako makalabas ay hinarang ako ng apat, alam kong kanina pa sila nag aalala, napatingin ako sa paligid kaming lima nalang nasa loob ng room at walang tao sa hallway. "Mukhang trip ka ng bago nating classmate a." tukso ni X sabay ngisi. "Tss" sabi ko sabay irap. Humanda sakin yung gago na yun di lang ako makaganti e. Kaya ko lang naman siya napatulan kahapon, kanina kasi wala kami sa loob ng school. Ngayong andito kami sa loob ng school wala akong ibang magawa kundi mag panggap na mahina kasi nga NERD ako diba. Tss. "Dapat di mo kami pinigilan kanina" inis na sabi ni Brix. Alam kong gustong gusto na nila bugbugin si Gago kanina. Tsaka hindi ba sila nag iisip nasa school kami magtataka mga classmates namin ba't sila nagagalit. Ano idadahilan nila kasi binato ako ng papel? edi nabuking kami. Tss. "Hayaan mo na" sabi ko sabay ngiti ng pilit. Umalis na ako baka may makakita pa sa amin, masyado silang worried, okay naman ako. Pumunta muna akong cafeteria para bumili ng tubig. Nakalimutan kong bumili kanina kaka madali baka kasi ma-late nanaman ako ,Grabe pa naman magalit si ma'am dragon. Pagkapasok ko ang ingay sa loob. Nakita ko si Gago may kasamang tatlong lalaki. Masaya silang nag k-kwentuhan ng mapatingin siya sa akin napasimangot naman ito. Pfft. Pangit ampota. Dumiretso ako sa may bilihan ng tubig. Maya maya pa ay may sumigaw. "BEST!" paglingon ko ay nayakap na ako ni Trixie. Pinabayaan ko lang siya at nang kumalas siya ay nakangiti itong umalis. Plastik. Nginitian ko ito pabalik, aalis na sana ako ng may sumigaw pa ulit. Tangina nagugutom na ako! "SANDALE!" sigaw ng isang babae, papunta ito sa gawi ko. Tinitigan ko lang ito palapit sa akin, nang makalapit na siya ay akala ko yayakapin niya rin ako yun pala ay may kinuha siyang papel sa likod ko? San galing yun? Binasa ko 'to 'Stupid hoe'. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, nilukot ng babae yung papel sabay tawag kay Trixie. "Hey b***h!" Pagtawag nito kay trixie. Tumatawang lumingon si Trixie, pero bago pa maisara ni trixie ang bibig niya bumwelo yung babae at ibinato ng malakas yung papel. SHOOT! Sabay pagpag ng kamay. "Ackkkk!" Nasusukang ani Trixie pasok na pasok yung papel sa lalamunan nya halos malunok na niya yung papel sa sobrang lakas pag bato. Nang maluwa na niya yung papel galit na sumigaw ito "HOW DARE YOU?!!" Galit na galit na sumugod si trixie, bago pa masampal ni trixie yung babae ay hawak na ng babae yung kamay ni trixie. Ang bilis ng pangyayari. Hawak na ng babae yung kamay ni trixie, lalong lumukot ang mukha ni trixie dahil hinigpitan ng babae yung paghawak niya. Napangisi ang babae. "Don't you dare stick that dirty hand of yours on my beautiful face" ani sabay balibag ng kamay ni trixie. "Ohhhh" ugong ng mga studyante sa loob ng cafeteria. Lumabas na luhaan si Trixie kasama mga alipores niya. Tsaka lang ako natauhan ng mag palakpakan ang mga tao. Anong nangyari? Napatingin ako sa babae, sinundan ko siya papunta rin siyang field. Hinawakan ko sya sa balikat, bigla niyang hinila yung kamay ko sabay palupot nito. Nabitawan ko yung paperbag ko! Bago pa man niya ma-lock ang braso ko papunta sa likod ko ay umikot ako at hinila ang kamay niya sabay palupot sa likod niya. "Aray!" anito. s**t! Napalakas ata! Itinaas niya yung isang binti niya at tumalon ng tumalon. Napatingin ako sa paa niyang nabagsakan ng paperbag. "S-sorry!" Sabi ko sabay bitaw sakanya. Kinuha ko yung paperbag ko. "S-salamat nga pala sa ginawa mo kanina" sabi ko habang nakayuko. "Sino ka?" Tanong nito. Gulat naman akong napatingin sakanya. Nang mamukhaan niya ako ay "Ikaw pala!" Sabay gulo ng buhok ko. "Di kita namukhaan nakayuko ka kasi e!" Natatawang sabi nito. "Sorry and thank you!" sabi ko ulit sabay ngiti. "Wala yun, tsaka bagay lang yun sakanya. Para mawala na yung bully sa school na 'to" aniya. "Mukhang matagal na nilang gawain yun, kasi ikaw mismo hindi naramdaman yung paglagay ng papel sa likod mo, nagkataon lang na nakita ko" mahabang sabi nito sabay kindat. Ang ganda niya! "Salamat pa rin" pag papasalamat ko. "Tara kain tayo" aya ko sakanya. Para naman makabawi ako sa ginawa niya kanina. Ewan ko ba ang gaan ng loob ko sakanya. Siguro dahil first time na may nagtanggol sa akin. Nasanay kasi ako na ako lang nagtatanggol sa sarili ko. "Sure, tara san tayo? " nakangiting sabi nito. Pumunta kaming field at umupo kami sa ilalim ng puno. Nilabas ko ang FITA at CONDENSED na binili ko, nakangiting pinapanood naman ako ni- teka? Ano nga pala pangalan neto? "Ahh ehh" diko alam sasabihin ko. Hindi naman kasi ako friendly lumaki ako na yung apat lang ang kaibigan ko. P-pano ba 'to. Isip! Isip! Isip! Alam ko na! Kumuha ako ng fita at nilagyan ng condensed, pagkatapos ko lagyan ng condensed ay binigay ko sakanya. Nakangiti niya 'tong tinanggap at kinain ng isang subuan. 0_0 Nanlaki mata namin pareho. P-pano nag kasya yun? Pinanood ko siyang kumain, nginuya nguya nya ito nang malaki pa rin ang mata sabay lunok. "ANG SARAP! " masayang sabi nito sabay tingin sa fita at condensed ko, na parang gusto pa niya. Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating kaya kumuha akong fita at nilagyan ng condensed at binigay sakanya. Nakangiti niyang tinanggap 'to sabay kain ulit ng isang subuan. Syempre kumain rin ako baka maubusan ako. Masaya kaming kumain halos maubos namin ang isang balot na fita. Pagtapos namin kumain sakto tumunog na ang bell. Ibig sabihin ay tapos na ang breaktime. Niligpit ko ang pinagkainan namin at sabay kaming tumayo, ang saya niya kasama kahit na kumain lang kami. "I have to go" sabi ko sabay alis. Tsaka ko lang naalala diko pa pala alam name niya! Lumingon ako at hinanap siya, hindi pa siya nakakalayo, kahit nakakahiya ay sumigaw ako "Anong pangalan mo? " sigaw ko. Nakangiti naman itong lumingon. "Keene. Keene Allyson L. Ferrer. " sabay talikod nito. "Keene Allyson L. Ferrer" ulit ko. Masaya akong naglakad papuntang room. Pagdating ko ay wala pang teacher. Dumiretso ako sa upuan ko, alam kong nakatingin sa akin ang apat pati si gago? Problema neto? Ayaw kong masira ang mood ko kaya diko na muna siya dinapuan ng tingin. Ang tagal niya akong tinitigan. Ano bang problema neto? Nakaka ilang a! Nang diko matiis ay nilingon ko 'to. Anyare sakanya? Hindi ko maintindihan sinasabi ng mga mata niya. Nag aalala ba siya? Eh? "A-are y-a ok-a-" hindi ko naintindihan sinabi niya dahil sa ingay ng kaklase namin at biglang dumating ang teacher namin. "Good Afternoon class, Sorry I'm late ang dami kasing new students na late nag enroll kaya nag meeting kami. " pagpapaliwanag ni Ma'am. Sabay kami napatingin kay ma'am, at sabay rin kami napatingin sa isa't isa. Pag tingin ko sa mga mata niya ay biglang tumaas nanaman mga balahibo ko. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD