DP-3

1532 Words
Chapter 3 Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na agad ako. Ang apat nasa kusina na naghahain, habang si daddy ay nagluluto ng ulam. Tumulong ako sa paghain at nagsi upo na kami. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. "Kamusta ang firat day sa bago mong schook nak?" Tanong no daddy habang kumakain. "Boring" tipid kong sagot. "MJ, sino yung babaeng yumakap sayo sa cafeteria?" Tanong ni Tim. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nag aantay ng sagot. "Hindi ko kilala yun" ani ko at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit na kilala ko talaga ito. Sa pangalan. Malay ko ba sa babae nayon. Pagkatapos namin kumain ay naghugas ng plato si Tim at dumiretso ng kwarto si X. Tinatamad daw sila sumama. Kaya ang sumama nalang ay si Niel at Brix. "San tayo?" Tanong ni Brix habang nag d-drive. "Sa bookstore" tipid kong sagot sabay tingin sa labas. Sa edad kong ito mas gusto ko ang magbasa kesa sa gumamit ng teknolohiya. Sa panahon kasi ngayon, maraming kabataan ang lulong sa teknolohiya. Maraming nagiging tamad. Opinyon ko lang yan a! Wala kang paki sa opinyon ko. Nang malapit na kami ay bumaba kaming tatlo. Sabi ko sakanila ako nalang mag isa bumili, kaso nagpumilit pa rin sila. Pagkapasok namin sa bookstore ay iniisa isa ko ito. Kinukuha ko ito kapag gusto ko at kung hindi naman, syempre ibabalik alangan naman magnakaw ako may pambayad ak- "MJ ano mas maganda ito o ito?" ani Brix. Nagulat naman ako dahil bigla bigla nalang sumusulpo- "Ano ba napili mo? Ayan?" sabi pa ulit nito "Panget yan! Ito maganda-" "Tangina Brix! Ikaw nalang kaya bumili" sabi ko. "Ayan! O! Ito pa! Yan!"sabay bigay sakanya ng mga librong napili ko. "Ikaw na magdesisyon sa buhay ko" May narinig naman akong tumatawa sa gilid. Inis kong nilingon ito. Ang pabebe kasi tumawa kala naman kinaganda niya. Tss. Paglingon ay namukhaan ko 'to. Classmate namin 'to a? Ano na ngang pangalan neto? Amy? Andy? Mandy? Manda? Ayun! Si Amanda! Anong ginagawa neto dito? Tawa pa rin siya ng tawa? Baliw ba siya? Ang dami namang baliw sa pilipinas. Tss. Kinuha ko ang libro ko at iniwan silang dalawa ni Brix. Inaantok na ako gusto ko na umuwi. "Tapos kana? Akin nayan isasabay kona may binili rin kasi ako" ani Niel sabay kuha ng libro. Hinabol naman ni Brix ang kanya. Nang matapos na ay lumabas na kami ng bookstore nang biglang. BANGGGGG! BANGGGGG! BANGGGGG! BANGGGGG! Napa upo kami dahil sunod sunod ang putok ng baril. Nagkagulo ang mga tao. Sigawan dito sigawan doon. Nilibot ko ang mga mata ko at hinanap kung saan galing ang putok ng baril. Mukhang may nagaganap na holdapan sa loob ng bangko. Nagkakagulo ang mga tao doon. Tumakbo kami papunta sa kotse. "Umalis na tayo dito delikado!" sabi ni Brix sabay paandar ng sasakyan. "Tulungan natin sila" wala sa sariling sabi ko. Napatingin naman silang dalawa na ani'moy nagulat at nagtatanong ang mga mata. Tumango ako at nginitian sila. Ganon pa rin sila nakatingin sa akin. Gulat na nakatingin si Brix at si Niel naman ay nakatitig lang. Nginitian ko sila. Maya maya pa ay. "Tutulungan natin sila" pag sang ayon ni Niel. Tinignan ko ito at nginitian. "Right Brix?" Tanong ni Niel kay Brix. Napatingin naman kaming dalawa ni Niel sakanya. "Ano pang tina-tanga nyo jan? Tara na!" Masayang sabi nito. Kinuha namin ang nakatagong baril sa ilalim ng upuan ng kotse, lagi kaming handa. Sanay na kami gumamit nito dahil tinuruan kami ni daddy. Diba nga teacher siya. ;) Nakaka miss humawak ng baril sabi ko sa isip ko. Napangiti nalang ako. Lumabas kami ng kotse at dahang dahang naglakad palapit sa bangko. Sinilip ko ito at tinignan kung ilan ang holdaper sa loob. 10 sila. Nakadapa ang mga hostages at ang iba ay may sugat? Anong nangyari? Holdaper ba ang mga 'to? Kumulo ang dugo ko. Mukhang sanay ang mga holdaper na 'to, mga walang sinasanto. "Brix alam mo na gagawin sa kotse nila" Tumango ito at sinimulang butasin ang mga gulong. "Niel samahan moko sa loob" sabi ko. Tumango rin ito. Bago kami pumasok ay tumawag ako ng pulis at ambulansiya. _________________________________ Third person point of view Pagkatapos ni mwoen tumawag ng pulis at ambulansya ay binarili nito ang glass door. Dumapa ito at pinagbabaril ang mga holdaper. BANGGGGG! BANGGGGG! BANGGGGG! BANGGGGG! Gumulong si mwoen dahil muntikan na siyang madaplisan. BANGGGGG! BANGGGGG! Napansin naman ni niel dahil nag alala ito. BANGGGGG! BANGGGGG! Tinitigan ito ni niel nagtatanong ang mga mata nito 'okay ka lang? ' Tumango naman at nginitian ni mwoen si niel. Nakahinga naman ng maluwag si Niel. BANGGGGG! BANGGGGG! "AHHHHHHH" sigaw ng isang bata. Nanlaki ang mata ng dalawa dahil binaril ng holdaper ang kamay ng bata. 'Mga walang awa!' sigaw sa isip ni mwoen. "LALABAS KAYO O PAPATAYIN KO 'TO!!" Sigaw ng batabang lalaki na puro tattoo at piercing. Ew. BANGGGGG! "Isa!" sigaw nito. "Dalawa!" sabay tutok ng baril sa sentido ng bata. Bago pa makapagsabi ng tatlo ay hinagis ko ang sapatos ko, sabay luhod binaril ko 'to. HEAD SHOT! Nanlaki ang mga mata ng tao at mga natitirang holdaper. Nanginginig na itinaas ang mga kamay at dumapa. Kinuha ni Niel ang mga baril at pumasok naman si Brix kasama ang mga pulis. Dinakip ng mga pulis ang holdaper at ginamot naman ang mga may sugat. "Mission Complete?" Masayang tanong ni Brix sabay baling sa lalaking mataba. "Wala pa ring pinagbago a!" Sabay ngisi ni Brix. Nagtawanan kaming tatlo. "Ma'am? Sir? Pwede po ba magtanong?" Tanong ng pulis. Sinenyasan ko naman si Brix. Tumango naman ito. Si Brix ang kumausap sa pulis, naiwan naman kaming dalawa ng niel. "Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Niel. "Oo" tipid kong sagt at nginitian ito. Maya maya pa ay dumating na si Brix. "Tara na antok na ako" pupungay pugay kong sabi. Nauna na akong maglakad, nang biglang may sumigaw. "ATEEEEE!" sigaw ng bata? Pinabayaan ko lang ito. Inaantok na ako. Nauna na akong sumakay sa kotse at pumikit. Sumakay naman ang dalawa at pinaandar na ni Brix ang kotse. Pagkauwi namin ay kumain ulet ako at naglinis ng katawan. Nakakapagod ang araw na 'to. Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa kisame. May naka away akong Gago, Napahiya ako sa Klase, May nakilala akong mga baliw? (Trixie at Amanda) at nagligtas ng mga tao. Sa kaka isip ko ay diko namalayan ay nakatulog na pala ako. Kinabukasan. Kakatok palang si daddy ay nakabihis na ako. Nginitian ko ito ng matamis. Nagulat ito na makitang bihis na ako. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "Good Morning Dy!" sabay halik sa kanyang pisngi. "Himala anak! Ang aga mo!" Pang aasar nito. "Tss" mataray kong sabi. Aga aga nang asar. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Habang kumakain ako may bumusina sa labas. Anjan na ang mga tukmol. Pag tingin ko sa relo ko ay 09:24 am palang. Aga rin nila a? Inubos ko ang pagkain ko at lumabas na. "Alis na kami, Dy!" Sigaw ko sabay pasok sa kotse. Ganon pa rin ang suot ko. Long sleeve na brown at puting palda. At syempre ang mahiwaga kong salamin. Habang bumabyahe ay kinwento naman ni Brix sa dalawa ang nangyari kahapon. Buti nalang daw walang nangyaring masama sa amin. Malayo layo pa kami sa school ay lumabas na agad ako. "Dito nalang ako. Baka may makakita sa atin, mahirap na" sabi ko sabay sara ng pinto. Diko na inantay sasabihin nila. Naglakad na agad ako. Habang naglalakad ay nag vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag text. Si Niel lang pala. __________________ From: Niel? Ingat. 09:46 am Tuesday __________________ Napangiti nalang ako. Ibinalik ko ang Cellphone ko sa bag ko at Pumasok sa convenient store malapit sa school bumili ako ng FITA at CONDENSED. Pumila na ako at nag bayad na. Habang nagbabayad ay biglang may bumanggang cart sa likod ko. Bastos! Inis kong nilingon 'to. Tignan mo nga naman, ang aga aga gantong mukha agad makikita mo. Tss. Nakangisi pa si Gago. Nang aasar kaba?! "Kala mo naman kina gwapo mo yang pangisi ngisi mo" sabi ko sabay kuya ng binili at sukli ko. "Panget mo! Gago! Mukha kang tanga!" pahabol ko sabay labas ng convenient store. Naglakad na ako papuntang school. Pagkapasok ko sa gate ay dumiretso na agad akong room. Wala pang teacher! At andoon na yung apat, nag uusap usap. Pagpasok kong room ay dumiretso na ako sa upuan ko. Pagtingin ko sa upuan ko BAGO? Nagkibit balikat nalang ako at umupo tinignan ko naman ang apat mga nakangiti habang nag uusap usap. Sila nag palit? Nag GM ako sakanila para magpasalamat. __________________ To: Tim?; Brix? ;X?; Niel? Thanks Guys!? 10:01 am Tuesday __________________ Pagkatapos ko mag text nag earphones nalang ako at nagbasa ng libro. Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Dragon este Ma'am Dizon. "Good Morning students, Sorry kung late ako ng ilang minuto may nilipat kasi sa section natin galing ROOM - B" paliwanag ni Ma'am. "Come in, Introduce yourself" masayang sabi ni Ma'am. Nagtilian naman ang mga babae. "Good Morning Mrs. Dizon and Ladies" sabay ngiti ng matamis nito. Tumaas ang mga balahibo ko. "I'm Zayn Asher McCartney" ____________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD