DP-2

2070 Words
Chapter 2 Pagkapasok ko sa School ang dami paring mga babaeng ang sama kung makatingjn. Problema ng mga to? Buti nalang sa labas ko naka sagutan yung gago na yon, kung hindi baka masayang lang yung pag papanggap ko bilang Nerd. Isipin nila na Nerd tas ganon? Dapat mag mukha akong lampa or what. Teka anong oras naba? Pagtingin ko sa relo ko 10:12 am s**t! Late na ako! Pota asan ba room ko! Dapat pala sumabay nalang ako kila Brix! Tae naman. Room - C, Room - B, Room - A yun! Room - A! Pagtingin ko sa loob may teacher na, s**t naman! Bahala na nga. Pagbukas ko ng pinto lahat sila napatingin sakin pati ang apat na tukmol. "Ah eh... G-good Morning po Ma'am I'm sorry I'm L-late" sabi ko na medyo nauutal. Kinakabahan kasi ako nakatingin silang lahat sakin, nang dahil sa gago na yun na late ako. Tss. Humanda siya sakin makita ko lang siya dito. Ay mali Nerd pala ako. "First Day na first day late ka! Tsaka bakit ba ganyan itsura mo mukha kang kakagaling lang sa gyera" sabi ni Ma'am. Nagsitawanan naman ang mga Classmates ko maliban sa Apat kong kaibigan. Takot lang nila sa leader nila. Tss. Napangisi nalang ako. "Anong nginingisi ngisi mo jan? Pumasok kana maghanap ka ng upuan sa likod! Dalian mo nauubos ang oras ko" mahabang sabi nito. Mukhang matinding pagtitiis ang buong taon ko na 'to a. Pagpasok ko nagtayuan ang apat. Nagulat ako pati mga kaklase ko sabay sabay ba naman sila. Tinignan ko sila ng masama dahil gusto alam ko na ang ibig sabihin nila. "Dito kana nalang MJ- Este miss" sabi ni X, muntik pang madulas. Tss. "Ito upuan" ani Brix sabay kuha ng bag niya. "Wen" sabi naman ni Niel "Hey sexy" ani Tim. Tinignan ko naman siya ng masama gagong 'to. Nilagpasan ko lang silang apat sabay upo sa pinakalikod. Pagkatingin ko sa harap nakatingin nanaman silang lahat sakin. Ano nanaman ba? May dumi ba ako sa mukha? May papel ba ako sa likod? Kinapa ko wala naman! "What was that?" Girl 1 "I don't know" Girl 2 "I think that nerdy girl is a witch, akalain mo yung apat na Prince natin ibinibigay yung upuan nila" Girl 3 "Weird" Girl 4 Tanginang mga to mag bubulungan na nga lang naririnig ko pa. Tss. Tsaka ano? Prince? Apat na prince? Hahahahaha di nila kilala mga tukmol mga babae nga naman. "Kayong Apat jan! Kung magdadaldalan kayo magdamag jaan LUMABAS KAYO SA KLASE KO!" sigaw ni Ma'am nakakaloka tong teacher na 'to. Napayuko naman ang Apat. Tss. Mga papansin "Get ⅛ sheet of paper at ilagay ang buong pangalan nyo at ipasa sa harapan! 1! 2!" Sigaw ulet ni Ma'am. Kami naman di mag kakanda aruga kumuha ng papel dahil ang bilis ni Ma'am mag bilang. Pagkatapos ng lahat ipinasa sa harapan. Kapag nabunot ang pangalan ay magpapakilala sa harapan. "Amanda Claire Santillan" sigaw ni Ma'am tumayo naman ang kaklase kong babae ang ganda niya a. "Hi Everyone I'm Amanda Claire Santillan you can call me Manda for short, i hope maging kaibigan tayong lahat" sabay bow niya, kinikilig naman ang mga boys na akala mo bulateng nabudburan ng asin. Lalandi. Sabagay maganda naman kasi 'tong si Amanda. "WHOAH! Kaibigan lang? Ka-ibigan pa e!" Sigaw naman ng kaklase ko. Gagong to di manlang natakot kay Ma'am. Nagtawanan lang ang mga kaklase ko at ako syempre. "Mister mukha bang concert itong klase ko at kailangan mo pang sumigaw?" Nagtawanan naman ang buong klase "Tahimik!" Sigaw ng malakas ni Ma'am. Tumahimik naman kami agad na parang robot. Kaloka naman itong si Ma'am. "Next! Xander Tan" sigaw ulet ni Ma'am. Agad naman tumayo si X at yung mga kaklase ko namang babae e kala mo mga nakuryenteng ewan kung mangisay. Mga babae nga naman. "Good Morning Ma'am and Classmates I'm Xander Tan nice to meet you all" simpleng sabi nito sabay upo. Mga kaklase ko naman kung maka tili akala mo kinikiliti sa ano. Tss. "Pwede bang tumahimik kayong mga babae!" Sigaw ulet ni Ma'am "Next! Mwo- Mwe-Pano ba ito bigkasin. Ayala! Jia Ayala!" Sigaw ni Ma'am syempre ako yun tumayo ako at pumunta sa harap. "Good Morning Everyone My name is Mwoen pronounced as Owen not mwo or mwe but Owen. Mwoen Jia L. Ayala you can call me MJ for short. That's all thank you" sabi ko. Pero bago pa naman ako maka hakbang hinawakan ako ni Ma'am sa braso at napatingin naman ako sakaniya. Natahimik naman ang klase. Tutok na tutok silang lahat sa amin ni Ma'am. "Kaano ano mo si- Nevermind" napa kunot naman ang noo ko. Kaya pumunta na ako sa upuan ko. Pagka upo na pag ka upo ko. BOOGSHHH "Aray!" Sigaw ko. Napatingin nanaman silang lahat sakin sabay tawa ng malakas. Really? Tumingin naman ako sa apat mga kinakabahan. Tss. Talagang kabahan sila dahil kapag ako napuno pasasabugin ko School na 'to. Joke. Tangina! sakit sa pwet! "Anong nangyayari jan sa likod?" Tanong ni Ma'am himala hindi na siya sumisigaw? Tawanan pa rin ng tawanan mga kaklase ko. Pumikit ako at huminga ng malalim sabay dilat ng mata. Natahimik naman silang lahat. Sa sobrang tahimik rinig na yung kamay ng orasan. Great! Ganyan dapat. Matuto kayo ilugar mga kaligayahan nyo. "Ah E-eh sira po yung upuan na napili ko Ma'am, sorry po" pag umanhin ko. Yan ganyan nga MJ magtimpi ka. Gusto mo yan diba. Tahimik pa rin silang lahat na nakatingin sa akin at yung apat, ayun pinagpapawisan na sa takot. Di naman ako nangangagat sadyang ayoko lang ng ginagago ako. Malaman ko lang kung sino gumawa neto. Ay mali Nerd pala ako. "Ma'am Ako na muna" sabi ni Tim sabay punta sa harap. Buti naman. "Hi Ladies and Ma'am" sabay kindat kay Ma'am na kanina lang ay pinagpapawisan rin. Anyare dun? Napangiti naman si Ma'am. "I'm Timothy Scott, You can call me Timothy for short or Love for more shorter" biro nito. Kinilig naman ang mga malalandutay na babae pati si Ma'am. Gago talaga 'to si Tim pati ba naman teacher. "Just kidding" sabay tawa nito. Kinilig naman lalo ang mga babae. Seriously? Anong nakakakilig doon? "Ahem! Okay Next!" Tikhim ni Ma'am at ayon nagpakilala na nga silang lahat pati na rin si Brix at Niel. Hanggang sa dumating na ang next subject Teacher. Nalaman rin namin na si Ma'am ay Adviser namin ang pangalan nito ay Marisa Dizon, Ma'am Dizon daw ang itawag namin sakanya. *RINGGGGGGGGGGGG* Breaktime na ang pinaka favorite ko sa lahat. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at ako naman ay tinapos muna ang notes at inilagay sa bag ang mga gamit ko. Biglang nagsalita si Niel "sasabay kaba sa amin?" Tanong nito. Alam ko na ako ang tinatanong neto. Umiling ako at naunang lumabas. Alam na nila yon. Dahil ayokong may makakita sa amin na kasama nila ako. Ayokong malaman ng lahat na kilala ako ng mga ito. Lakad pa rin ako ng lakad. Hanggang sa naisipan ko na mag CR muna para makapag ayos di kasi ako sanay mag palda. Kabwiset lang. Habang nag aayos ako ay may lumabas naman na babae sa isang cubicle, sabay tabi sakin, nagsasalamin kami pareho. Ang ganda niya, sexy, maganda din ang hubog ng katawan. Napansin niyang tinititigan ko siya kaya napaharap siya sa akin. "Hi Are you new here? Ngayon lang kasi kita nakita, btw I'm Trixie Jackson 4th year, ikaw?" anito sabay ngiti ng sobrang tamis at lahad ng kamay. Ang ganda niya! "MJ" tipid kong sagot at tinanggap ko naman ang kanyang kamay sabay ngiti ng tipid. Di naman ako friendly. Okay na ako sa apat na tukmol. Siya naman ay sige pa rin ang ngiti. Di kaya sumakit panga neto kakangiti. Baliw ba siya? Tss. Weird. Lumabas na ako ng CR nakakatakot kasi yung trixie na yon parang may sapak sa ulo. Dumiretso naman ako ng Cafeteria at bumili ng Carbonara at Tubig. Nilibot ko ang aking mata at naghanap ng mauupuan. Nang mamataan ko ang apat, mga nakatingin sila sa akin. May upuang bakante sa kanila. Naghanap pa rin ako ng mauupuan at sakto may nahanap ako. Umupo ako doon at nag simula ng kumain. Habang sarap na sarap akong kumain. Biglang tumindig ang mga balahibo ko. Nilibot ko ang aking mata at tama nga ako. Si gago ang nakatitig sa akin. Problema neto? Wag niyang sabihin na gusto niya yung kinakain ko? Sorry nalang siya favorite ko ang carbonara. Diko siya pinansin at sinimulan ko nalang ulit kumain. Bahala siya sa buhay niya. Mamatay siya sa inggit. Basta ako GUTOM ako. Nagulat nalang ako biglang nag ingay sa labas ng cafeteria. Palakas ng palakas ang ingay mukhang papunta dito ang ingay. Hanggang pati na rin sa loob ay nag ingay na ang mga tao. Ano bang meron? Tss. Bahala nga sila basta ako kakain nalang ako. Kain pa rin ako ng kain kahit na naiinis ako kasi ang ingay sa loob ng cafeteria. Nanakit ang tenga ko ng makarinig ng tilian ay sigawan na animoy parang mga kinikilig na ewan. Doon na nakuha ang atensyon ko. Si trixie ay nakatayo at si gago? Nakaluhod? Anong ginagawa nun? Mag Gf? Bf? sila? At ano bang pake ko. Nanlaki ang mata ko ng dinaanan lang nito ni trixie sabay bili ng pagkain niya. Sinundan naman ni gago ng tingin si trixie kung saan ito pupunta. Naiwang nakaluhod si gago. Broken? O busted? Bat ko ba sila pinopoblema. Tss. Maka alis na nga. Akmang aalis na ako bigla namang sumigaw si trixie ng "BEST! andito ka lang pala!" Nanlaki ang mata ko ng papunta ito sa akin na parang yayakapin ako nito. Siraulong to tinulak ko naman siya bago ako mayakap. Nagsinghapan naman ako tao. s**t! Muntik na siya matapilok. Pfft. "Sorry, don't call me best hindi kita kilala at mas lalong hindi kita kaibigan" sabi ko na naka straight face. Nilagpasan ko siya at lumabas na ng cafeteria. Yung totoo? May sapak kaya yun sa ulo. Tss. Bumalik ako ng room at nag earphone nalang dito ko nalang hihintayin ang next teacher ayokong gumala di ako familiar sa lugar na 'to. Habang nakapikit ako nagsitayuan nanaman ang mga balahibo ko. Tangina? Dumilat ako at nilibot ng mga mata ko sa loob ng classroom. Andito na pala ang apat nakatingin sa akin si Niel mukhang may iniisip. Well alam ko na yon nag alala sila dahil dun sa nangyari sa cafeteria. Hanggang sa unti unti nagsibalikan ang mga kaklase ko sa room. Dumating na rin ang mga susunod naming teacher at nagpakilala isa isa. Okay naman sila mababait, yung iba strict yung iba mababait at syempre di mawawalan ng boring na teacher. Inantok talaga ako kahit first day palang. Hanggang sa nag uwian na at doon ako dumaan da likod na gate. Sakto pag labas ko ng gate andon na sila pagkakita nila sakin hinagis ni X yung susi ng kotse ko. Ako nalang pala hinihintay. Pagkapasok ko ang mga tukmol nagmamadali mag suot ng kani kanilang seatbelt sabay kapit ng mahigpit. Tss. OA. Inistart ko na ang kotse at binuksan ang makina. Walang ano ano pinaandar ko ito ng mabilis. Hindi uso sa akin ang seatbelt hindi ako takot mamatay, tropa ko ata si kamatayan. Wala pang 10 minuto nasa tapat na kami ng bahay. Ang saya. Nakakamiss mag drive. Nag unahan magsibaba ang apat ng tukmol at tumakbo papasok ng bahay. Anyare sa mga yun? Nag kibit balikat nalang ako at pumasok ng bahay. Pagpasok ko sa bahay andon si Daddy busy manood ng TV. Pinuntahan ko ito at hinalikan sa pisngi. "Wala ka bang nasagasaan?"Bungad niya "Sinong nag badtrip sayo nak?" Sabay tawa nito. Napangisi nalang ako. Kabisado na nila ako. "Wala dy pagod lang ako" sabi ko sabay kuha ng chips na kinakain niya "Hoy bumaba nga kayo jaan! Okay lang ako bilisan niyo magbihis samahan niyo ako may bibilhin ako" sigaw ko. Nagsibabaan naman ang mga tukmol. Mga namumutla na animoy nakaligtas sa panganib. Natawa nalang ako sa mga itsura nila. Ganon naba talaga ako kabilis mag drive para mging ganyan mga itsura nila. "Tito, ako na po lagi mag d-drive wag na po si MJ" sabi ni Brix na namumutla pa. "Feeling ko naiwan pa yung kaluluwa ko sa daanan" dagdag pa ni Tim. Nakatulala. Tinampal naman ito ni X. Napangisi nalang ako. Mga abno talaga. Umakyat nalang ako at nagbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD