"Ibibigay mo ang lahat ng iyan sa akin at ang kapalit ay ang katawan ko hindi ba Mikel?' Saad nito sa kanya. "Yes, Liyah. Be my woman and you will get everything money can buy. Mamumuhay kayo ng marangya ng mga kapatid mo, malayo sa nakagisnan niyong buhay. Hindi niyo na kailangan pang makitira sa kamag anak niyo. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho at makakapag aral ka ng maayos pati na ang mga kapatid mo Liyah. Huwag mo sanang ipagkait sa mga kapatid mo ang magkaroon ng magandang buhay, pati na sarili mo, Liyah," litanya niya sa dalaga. Nais talaga niya itong makumbinsi, na para bang hindi siya papayag na tanggian ng isang katulad nito. Tila nasagi ang kanyang ego sa pambabalewla nito sa kanya, at ngayon na cha-challenge na siya sa dalaga at hindi pwedeng hindi niya ito mapapayag. "T

