Isang linggo na ang lumipas mula nang makaharap niya si Congressman de la Cerna. Magmula noon hindi na siya inimbitahan pa nito muli, wala na siyang narinig pa mula rito. Marahil dahil umayaw na siya kaya hindi na ito namimilit pa sa kanya. Nagawa niyang tanggian ang alok nitong tulong sa kanya at sa kanyang mga kapatid kapalit ang kanyang katawan. Hindi siya masamang babae, oo mahirap at malaki ang pangangailangan niya at ng kanyang mga kapatid at pwede siyang masilaw sa mga pangakong tulong na maibibigay sa kanya ni Congressman, pero ayaw niya ng gulo at sakit ng ulo, dahil alam niyang may hangganan ang lahat. Saan siya pupulutin pag hindi na siya ang gusto ng Congressman? Pag wala na siyang pakinabang at itapon na lang siya nito basta. Siya ang kawawa sa huli, magagamit ang kanyang kat

