"Ate may babayaran kami sa school bukas," saad ni Lloyd sa kanya nang umagang maghanda na ito para pumasok sa eskwelaan. "Bukas, sige may sahod na ko mamaya, makabayad ka na," tugon niya sa kapatid. "Eh Ate ako kailan mo kaya masisingit iyung inutang ko sa kaklase ko na pambayad ng book?" Tanong naman ni Leslie sa kanya. "Ah.. Iyun ba.. Oo nga no. Medyo nakalimutan ko lang," tugon niya sabay kamot sa kanyang kilay. Sa dami ng mga gastusin at kulang na kulang siya sa pera kaya nakakalimot siya. "Sige, sige, babayaran mo na rin bukas iyon," saad niya kay Leslie. "Salamat Ate, nahihiya na rin kasi ako. Baka sa susunod hindi na ko makahiram sa kanya," saad nito. "Bukas mababayaran na natin lahat iyan," nakangiting saad niya sa dalawang kapatid. "Sige na umalis na kayo, baka ma late pa k

