"Ano?" Bulalas niyang tanong matapos mabasa ang laman ng pulang sobre galing sa Congressman. Nakasulat doon na nais siyang makausap ng Congressman at inilagay nito ang contact number at address kung saan daw sila magkikita ngayong gabi. May oras na ring nakalagay roon. "Anong kailangan niya?" Tanong niya sa sarili at lumingon-lingon sa paligid. Wala na roon ang sasakyan na lumapit sa kanya kanina, nakaaalis na at wala naman siyang makitang sasakyan na nakaparada lang sa tabi para pag isipan niyang nagmamanman sa kanya. "Bakit naman ako kakausapin ng isang Congressman?' Tanong niya sa sarili. Ang nakalagay na address ay sa may tabing dagat kung saan naroon ang yate na pinaparentahan at ang iba ay mga private yatch ng mga mayayaman. Baka may yate roon ang Congressman kaya nais nitong doon

