"Ok na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa kapatid nang makalabas na sila sa pampublikong ospital sa kabilang bayan para mapa check up ang biglang pagsakit ng tiyan nito. "Ok na Ate, hindi na masyadong masakit," tugon ni Lloyd sa kanya. "Paano naman kasi nalilipasan siya ng gutom ate," saas ni Leslie sa kanya. Alam niyang gutom ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng kapatid, madalas kasi itong malipasan ng gutom, lalo na't wala namang makain sa bahay ng tiyahin niya. Na gi-guilty tuloy siya sa dinaranas ng kapatid. "Hayaan niyo na hahanap ako ng sideline para naman kumasya ang pera natin," malungkot niyang saad. "Pasensya ka na ate, hindi pa kami nakakatulong ni Lloyd sa iyo," paumanhin ni Leslie sa kanya. "Ayos lang iyon, ang importante mag aral kayo ng mabuti, para sa inyo rin naman i

