Leave ------------------------------------------------- "Dada..." maligayang sigaw ng mga anak ko nang makita nila si Carl. Nagsitakbuhan sila at niyakap ang mga binti neto. "Mamaya nyo na yakapin si Dada baka mahulog niya yung dala niya." Sita ko sa kambal. Humagikhik sila at sinunod ang sinabi ko. Inilapag ni Carl ang dala niyang tray. Malalagkit at mapanuring mga tingin naman ang ginawad ni mommy sa kanya. "Good morning po, Mommy." Carl said while smiling. Natampal ko ang noo ko sa sinabi niya. Tumawa si Mommy at tinignan ako. "My, si Carl po kaibigan ko." Pagpapakilala ko. She smiled at me at binalik ang tingin kay Carl. "Carl Jevin Laurel, at your service." Puno ng buhay niyang pagpapakilala habang inilalahad ang kaniyang mga kamay. Kinamayan naman siya ni Mommy at inaaral ng

