Happens for a reason ----------------------------------------------------- "Carl... San kayo? iuwi mo na yung mga bata. Aalis kami." Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko habang kausap ko si Carl. Hindi siya sumagot at pinatay ang tawag. Pumanhik ako sa itaas at nagsilid ng iilan-ilang damit ng aking kambal. Hindi pa din maubos-ubos ang luha ko. Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon. "Sierra, pinahanda ko na yung sasakyan para pagdating ng kambal ay aalis na tayo." batid sa boses ni Mommy ang lungkot at sakit. Napahinto ako sa paglagay ng mga damit at tiningala ko siya. Hindi ko napansin ang pagdating niya dahil masyadong magulo ang utak ko ngayon. "Mahahanp din natin siya. Magpakatatag ka." She said while closing door. Paano namin siya mahahanap kung wala man lang siyang s

