chapter 12

1445 Words
Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Andrew; hindi ko alam kung nasan siya. Nagmadali ako bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Pag labas ko ay nakita ko ito: nasa tapat ng laptop niya habang suot ang makapal na salamin niya. "Sir?" Ngumiti ito sa akin ng matamis at saka niya hinubad ang salamin niya . "Naka pag pahinga kaba ng maayos?" "Yes sir, sana ginising ninyo ako." "Gusto ko makapagpahinga ka ng maayos." "Alam mo kasi ngayon lang ako nakapag-relax ng ayos habang katabi kita. Thank you." Agad akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay bigla akong nakaramdam ng matinding kilig. Nanatili lang ako sa tayo ko habang siya ay nakatingin lang sa akin ng diretso. Maya-maya ay tumayo na rin ito at saka dahan-dahang lumapit sa akin. "I'm sure na gugutom kana gusto mo ba kumain muna tayo? Nag pa deliver ako ng pag kain. It's almost four o'clock. Kaylangan natin mag meryenda dahil mamaya pa ang uwi natin." Tipid na ngumiti ako sa kanya at saka sumunod sa pag-hila niya papunta sa isang sofa. Doon ay napansin ko ang ilang nakahanda pag kain na nasa lamesa na. Ngayon ko lang napansin dahil nakatuon ang paningin ko sa kanya. Nakangiti pinag sa luhan namin ang mga pag kain . Hindi ko tuloy maiwasan titigan siya dahil nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero kung ano man iyon, ay ayoko na tanungin pa. Natatakot ako sa possible na maging sagot niya at hangga't maaari ayoko masaktan. Lalo na at mahal na mahal ko ang tao na ito noon pa man, para sa akin si Andrew ang nag-iisang pamilya ko, at kung ano man ang meron sa amin ngayon ay masaya na ako. Ang importante ay magkasama na kami dalawa. Matapos namin kumain ay muli namin sinimulan ang aming trabaho dalawa. Siya na rin ang naghatid sa akin pauwi. Agad akong bumaba sa sasakyan ng huminto ito sa aking apartment. "Sir, salamat po sa paghatid ninyo sa akin." "Walang anuman, aalis na ako. Kita na lang ulet tayo bukas ." "Sige poh sir salamat poh ng marami." Matapos itong magpaalam sa akin ay umalis na ito at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. *********** Andrew POV Pagpasok ko sa office ay hindi ko maiwanan ang mainis dahil sa mga nakita ko na larawan na magkasama sila dalawa ni Alfred. Binati niya ako, pero hindi ko nagawa pansinin ito; pakiramdam ko kasi ay makakapagbitaw lang ako ng hindi magagandang salita sa kanya na hindi niya magugustuhan. Nanatili ako tahimik sa office at hindi ko siya pinapansin, pero pakiramdam ko ay parang mas lalo bumibigat ang loob ko sa pag-iwas ko sa kanya. Nakakatawa man isipin pero parang nagtatampo bf ako kung umasta sa harap niya. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng lumapit ito sa akin at minasahe ako . Nagustuhan ko ang bawat paggalaw ng malambot at malumanay na pag-ikot ng kanyang kamay sa balikat ko hanggang sa gumapang ang kamay nito papunta sa ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang sarap ng pagmasahe niya doon, lalo na at nararamdaman ko ang kakaibang sarap na hatid ng mahihiwagang kamay niya sa aking katawan. Ang marahan na may halong bigat at diin ng kamay niya sa aking balikat ay nakakapagpagaan ng aking pakiramdam. Ang mga kamay niya na iyon ang nakakapagpawala ng galit at inis ko sa kanya . Agad ko hinuli ang kamay niya at dinampian ng halik ang malambot at makinis niyang kamay tanda ng pag papasalamat ko sa kanya . Pero ang lambot ng kamay niya noon ay naghatid pa ng mas kakaibang pakiramdam sa akin na parang may hinahanap pa ako, kaya agad ko hinatak siya paupo sa aking kandungan . Nagulat siya sa ginawa ko. Maging ako ay nakaramdam din ng pagkalito dahil hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata namin dalawa . At dahil doon ay hindi ko na nagawa pigilan ang sarili ko na mahalikan siya. Hindi ko itatanggi na nagustuhan ko ang mga malalambot na labi nito na pakiramdam ko ay nahanap ko na ang bagay na dati ko pang hinahanap . Agad ko binitiwan ang mga labi niya ng makaramdam ako ng pag kawala ng hangin. Nais ko na sana lumayo ng mga oras na iyon dahil nakaramdam na ako ng pag-aalinlangan dahil ako ay nakapangako na sa iba at ayoko samantalahin ang pagkakataon na ito na wala ang gf ko. Pero pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng matinding pagkalungkot ng mga oras na iyon . Imbis na layuan siya, mas gusto ko makasama siya. Para siyang isang bisyo na mahirap iwasan. Kaya walang sabi-sabing hinila ko siya sa aking silid at agad umibabaw sa kanya at doon ay muli namin pinag-saluhan ang maalab at matamis na halik . Tinabihan ko siya sa kanyang pagtulog noon habang pinanood ko lang siya, pero hindi nagtagal, at agad akong nakaramdam ng kakaibang saya sa puso ko ng makasama ko siya. Pakiramdam ko ay nasa sarili akong bahay ng mga oras na iyon. Wala akong naramdaman na kahit ano pag sisisi na nakilala at nakasama ko siya ang tanging masasabi ko lang ay masaya ako nasa tabi ko siya. Nang magising ako ay napangiti ako; nasa tabi ko pa rin siya at mapayapang natutulog sa aking tabi. Muli ko dinampian ng halik ang labi niya bago ako lumabas ng aking silid at muli sinimulan ang trabaho. Umorder din ako ng pagkain na makakain namin sa oras na magising siya. Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang order ko at ilang sandali lang ay nagising narin siya. Niyaya ko siya kumain bago namin sinimulan ang trabaho, alas otso na ng gabi ng matapos kami . Kaya hinatid ko na lang ito sa apartment niya. Ayoko man na umalis para manatili sa tabi niya ay pinilit ko parin iwan ito dahil ayoko makaabala pa sa kanyang pag-papahinga. Nang tuluyan na ako makauwi sa bahay ay agad ako nakatanggap ng tawag mula sa aking gf na si Katelyn. "Hi , hon, kamusta kana?" Nakangiti wika nito. "Ok naman ako, ikaw, kamusta kana?" Walang ganang sabi ko sa kanya. Iyong dating masaya ako sa tuwing magkausap kami ay tila nagbago na at pakiramdam ko ay hindi na ako masaya tulad ng dati. "Ok lang, I miss you so much." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. "Are you ok? May masakit ba sayo?" "Wala , naman kaylan ka uuwi?" "Mga 3 days pa ako dito, pero wag kang mag-alala, mabilis na lang iyon." "Ok , sige, mag-ingat ka diyan, huh..." "Sige, I love you." Nakangiti wika niya . "I love you too." Matapos namin mag-usap ay agad akong umakyat sa aking kwarto para mag-half bath, pero hindi ko maiwasan maisip ang mukha ni Caroline habang naliligo ako. Nararamdaman ko ang pagkabuhay ng aking alaga habang iniisip ang maamo mukha ni Caroline . "Oh, come on dude, relax ka lang, hindi natin pwede gawin iyan. Alam ko ang nararamdaman mo pero mali iyon . Kaylangan natin i respeto siya lalo na at nag galing siya sa madilim niyang nakaraan." Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Habang pilit na winawaglit sa aking isipan si Caroline. Matapos ko maligo, ay binuhay ko ang cellphone ko . At agad ng scroll sa aking social media accounts. Nakita ko ang profile account ni Caroline sa isang social media account. Naka two-piece swimsuit ito habang nasa isang resort. Agad ako nag react sa larawan nito. Ilang beses ko pinusuan ang larawan niya. Bago ko pinatay ang cellphone ko at pinilit ang sarili ko makatulog. Pero hindi ko magawa makatulog kaya binuhay ko na lang ang TV. At nanood na lang ng Netflix, seryoso, pinanood ko ang isang romance movie. Pero hindi ko magawa dalawin ng antok dahil kahit sa pano-nood ng movie ay mukha parin ni Caroline ang sumasagi sa isip ko. Inis na ibinato ko ang remote ng t.v. ko at muli ko tinignan ang aking account at nakita ko naka online si Caroline kaya agad ko siya tinawagan. Mabilis naman niyang sinagot ang tawag ko at mukha katatapos lang nito maligo dahil naka-topis lang ito ng towel at basang-basa pa ang buhok nito . Napakunot ang noo ko sa kanya ng makita ang ayos nito. "Caroline, bakit ganyang ang ayos mo ? Nagagawa mo sumagot ng tawag na ganyan ang itsura mo." "Sorry sir, katatapos ko lang maligo." "Bakit ka ba napatawag?" "Hindi ako makatulog; nakita ko online ka, kaya naisipan ko tawagan ka." Napakagat labi siya at saka ngumiti sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD