chapter 11

1799 Words
Andrew POV Nang magising ako ng umaga, labis na sakit ng ulo ang naramdaman ko. Parang binibiyak iyon sa labis na sakit. At ang nag aalalang mukha ni mommy ang sumalubong sa akin. "Anak , kamusta kana? Ano nang yari sayo kagabi?" "Ok lang ako mommy , sumakit lang po ang ulo ko dahil sa labis na pagod." "Anak, hindi ba sabi ko kaylangan mo magpahinga? Hindi ka dapat magpakapagod." "Ok, lang ako ma, wag kana mag alala sakin." "Anak , alam mo naman nag-iisa anak kita kaya hindi mo maiaalis na hindi ako mag-aalala sayo . Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba kumain?" "Sige poh ma," nakangiti wika ko dito. Agad tumayo si Mommy sa kama na kinauupuan niya at saka siya naglakad palayo sa akin. Pero agad ko siya tinawag para tanungin sa isang bagay. "Mommy, pwede ba kita tanungin sa isang bagay?" "Oo naman anak, tungkol ba saan?" "Tungkol poh ito sa nangyaring aksidente sa akin." "Noong mag-crash ang helicopter na sinasakyan ko noon, saan ko po ba balak pumunta?" Natahimik ito at saka naglakad pabalik sa kinauupuan niya. "Balak mo pumunta sa Bataan noon kung saan nakatira ang gf mo, hindi ko na matandaan ang pangalan niya dahil sa tagal na ng panahon nakalipas at ngayon lang ulet natin na pag-usapan ang tungkol doon." "Gf,? Meroon ako gf?" "Uo anak meron pero wala na rin saysay para pag usapan pa siya." "Pero bakit ma? Nasaan na ba siya? Possible poh kaya siya ang batang babae na sumasagi sa isip ko kagabi?" Nagulat si Mommy sa narinig niya, kaya agad ito nagtanong tungkol doon. "Napanaginipan?" "Ano ba na panaginipan mo?" "Isang batang babae na walang mukha , mataba siya pero masayahin. Nakita ko siya sa isip ko kagabi, Ma." "Kung ganoon, magandang pangitain iyan, ibig sabihin malapit kana makaalala." "Ma, pwede ninyo ba sabihin kung bakit ako na aksidente noon?" "Ang alam ko lang nakita mo sa balita ang nangyari sa bayan natin noon. Ang sabi mo kaylangan ka ng gf mo kaya nag pa book ka ng flight pauwi dito. Ngunit pagdating mo sa Maynila ay naghanap ka ng helicopter na magdadala sa iyo sa Bataan dahil sa magkabilang landslide sa daan at baha na pwede mong madaanan noon. Pero dahil sa sama ng panahon at may malakas na hangin, na apektuhan ang sinasakyan ninyo dahilan ng pagbagsak noon. Natagpuan ka na lang ang mga rescue noon sa isang kakahuyan noon na walang malay. Pasalamat na lang kami at nabuhay ka pa matapos ng pagbagsak ng sinasakyan ninyo. Buti na lang at bumagsak ang sinasakyan ninyo sa isang lawa kung saan ay nasa mismong pangpangka." "At ano pong nangyari sa gf ko?" "Tulad nga ng sinabi ko noon, buong attention namin ay na sayo noon. Ang tanging alam ko lang ay nagkaroon ng landslide doon, pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at kung buhay pa siya." Dahil sa isiniwalat ni Mommy, ay hindi ko na magawang ikampante ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may kaylangan akong maalala sa nakaraan pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon gayong kahit ano gawin ko ay wala akong maalala sa nakaraan ko. Halos naubos ang buong araw ko na wala akong inisip kung hindi ang mga ikinewento sa akin ni Mommy. Hanggang sa napilitan na lang ako kuhanin ang cellphone ko para makapaglibang. Hanggang sa may nag pop up sa cellphone ko, kaya agad ko tiningnan kung ano ba ang laman noon. Agad nag-init ang ulo ko ng makita ang larawan ni Caroline at Alfred sa isang restaurant . Napahilamos ako ng aking mukha ng makita ang ilang sweet na larawan nila na akala mo ay matagal na sila mag kakilala. Sa tindi ng inis ko ay napahawak ako ng madiin sa cellphone ko at walang sabi-sabing ibinato ito hanggang sa mabasag ito. *********** Caroline POV Nasa isang restaurant ako kasama si Alfred, suot ko ang isang white dress na hanggang hita ko lang ang haba. Nag suot din ako ng 5-inch-high heels at nag-apply ng light makeup. Inalalayan ako ni Alfred na makaupo sa pina-reserve niyang seat para sa aming dalawa. At masasabi ko na napaka-romantic ng lugar na iyon. Napangiti ako sa kanya matapos niya ako paupuin sa upuan kaharap lang din niya. Maya-maya lang ay dumating ang isang waiter na may dalang bulaklak na inabot nito sa akin. "Ang ganda naman dito pati itong bulaklak na paka ganda rin." "Teka, paano kung hindi ako pumayag na makipag-date sayo ngayon ? Edi, sayang ito hinanda mo." "Sayang talaga kaya buti na lang hindi mo ako tinanggihan ." "Pero nasa isip ko na rin yan." Natatawang biro ko dito kaya na pakamot na lang ito ng batok niya . Dumaan pa ang ilang segundo ay dumating narin ang mga iban't ibang potahe na inorder mismo ni Alfred. Nagkaroon kami ng mahabang kwentuhan dalawa, at sa simpleng kwentuhan na iyon ay nakilala ko siya ng husto. Matapos namin kumain, ay naisipan muna namin maglibang-libang sa isang mall na hindi kalayuan sa kinainan namin. Nanood rin kami ng sine at nag-arcade dalawa na parang mga bata. Matapos namin gawin iyon ay umuwi na kami dalawa. Hanggang sa huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay ko. "Caroline, salamat sa oras mo. Napaka saya ko ngayong araw ." "Ako din nag-enjoy rin ako ng sobra." Ngumiti ito sa akin ng matamis hanggang sa unti-unting lumapit ito sa akin , at dinampian ng halik ang gilid ng labi ko. "Thank you, Caroline, for your time, and I hope this will be followed by many more times." Ngumiti ako sa kanya at tumango . Saka lang ito umalis sa harap ko at pinag buksan ako nito ng pinto ng kotse . Pag labas ko ay inantay ko na muna siya tuluyang makaalis bago ako pumasok sa bahay . Pagpasok ko sa loob ay siya namang pag-tunog ng cellphone ko kaya agad ko tiningnan iyon . Nakita ko na may nagpadala sa akin ng ilang larawan sa aking cellphone. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala noon, ngunit ang mga larawan na iyon ay mga larawan mismo namin dalawa ni Alfred. Agad akong nakaramdam ng kaba , pero minabuti ko na lang pakalmahin ang sarili ko. Agad ko inayos ang sarili ko bago ako mag desisyon magpahinga dahil sa labis na pagod . Kinaumagahan ay maaga ako pumasok sa office dahil Lunes Ngayon at sigurado tambak ang trabaho namin ni Andrew. Kahapon kasi ay may pasok kami sana, pero dahil masama ang pakiramdam raw ni Sir Andrew, ay na-cancel ang pasok ko at naging rest day iyon . Natuwa naman ako na nawalan ako kahit paano ng pasok dahil napahinga rin ang utak ko at isa pa nagkataon linggo rin kaya nais ko magpahinga. Ganoon paman, hindi parin mawala sa isip ko ang tungkol kay Andrew; naisip ko na maaari kasalanan ko rin kung bakit sumama ang pakiramdam niya, dahil sa tambak na trabaho ko at tinulungan niya pa ako . Pagpasok ko sa office ni Sir Andrew, agad ko inayos ang ilang gamit niya sa loob at ang ilang papeles na dapat niya pirmahan. Hindi naman din nagtagal at pumasok na ito. Ngumiti pa ako sa kanya at saka ko siya binati. "Good morning, sir," naka ngiti wika ko sa kanya, pero imbis na batiin niya ako ay tinalikuran ako nito at nag tuloy na lang sa kanyang table. Kahit ngiti ay hindi man lang ako nito sinagot. Napanguso tuloy ako sa inasta niya. Kaya imbis na pansinin ko ang kasungitan nito, ay lumabas na lang ako ng office . Inabot ng halos maghapon, tahimik lang ito sa loob ng office, samantalang ako ay nag-pakaabala na lang sa trabaho ko. Hindi ko tuloy mapigilan mainis sa inaarte nito kaya agad ako lumapit sa kanya at minasahe ang balikat niya. Napangiti ako ng mapapikit ito at tila nagugustuhan niya ang ginagawa ko sa kanya. "Oh, sh*t, ang sarap ng pagmasahe mo. Nakakarelax." "Nagustuhan mo ba, sir? Napansin ko medyo stressed ka, kaya makakatulong ito para mawala ang stress mo. Sige lang, sir, isandal mo lang ang katawan mo diyan sa upuan mo para mamasahe ko ang ulo mo ." Nakangiti wika ko dito. Agad naman niya sinunod ang sinabi ko sa kanya at minasahe ko ng ayos ang ulo nito. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya para dampian ng halik iyon. "I want to rest, Ms. Secretary. Can you please sleep beside me?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi agad ako nakasagot doon, kaya nagulat na lang ako ng hilahin niya ako paupo sa mga hita niya at hinalikan ako sa mga labi ko ng may pag-iingat . Hindi ka agad ako nakagalaw sa ginawa niya dahil sa pagkabigla. Hanggang sa unti-unting na lalasing ako sa mga labi niya. Napakapit ako sa leeg niya habang siya ay naka-alalay naman sa baywang ko at sa likod ng ulo ko. Kinagat kagat nito ang labi ko para maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at ginalugad niya iyon ng dila niya para hulihin ang aking dila. Agad niya sinupsop iyon Hanggang sa tuluyang maubusan kami ng hangin dalawa. Sobrang nag-enjoy ako ng husto sa mga halik niya sa akin . Napakalambot kasi ng labi nito at napaka bango pa ng hininga niya. Hindi ko inaasahan napakasarap pala nitong humalik. Matapos niya ako halikan ay hinila niya ako sa kwarto . Isang kwarto ang naroon mismo sa loob ng opisina niya, at pagdating doon ay agad niya ako itinulak sa kanyang kama, saka siya umibabaw sa akin. Doon ay muli namin pinag saluhan ang napaka tamis na halik na hatid niya sa akin. Matapos niyang gawin iyon ay humiga na ito sa tabi ko at walang sabisabing niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako ng muli ko maramdaman ang napakasarap at mainit na yakap ni Andrew sa akin. At agad nanariwa sa akin ang mga alaala noon magkasama pa kami . Mga alaala na matagal na niya kinalimutan, pero hanggang ngayon ay sariwang sariwa parin sa alaal Niyakap ko siya ng husto hanggang sa hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kusang nagpatakan sa aking mga mata. Agad siya napatingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang mga mata, kaya marahan niya hinaplos ang aking mukha na puno ng mga luha. "Are you ok? May nagawa ba ako?" "Wala, sir, may naalala lang ako at marahil dala rin po ng labis na pagod." "Really? Sige, matulog muna tayo para makapagpahinga ka ." "Gusto ko matulog katabi ka sa iisang kama, Ms. Secretary." Nakangiti wika nito sa akin na siyang ikinatango ko naman sa kanya. Muli ko siya niyakap ng mahigpit at nag-sumik-sik ako ng mabuti sa dibdib niya hanggang sa tuluyang makatulog ako sa tabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD