Hindi ako mapalagay lalo na at iba ang tingin sa kanya nito kaya pagkatapos ng meeting ay umuna na ako sa kotse ni Alfred ng hindi nito nalalaman.
Pagpasok na pagpasok ko ay nagulat sila sa presensya ko. Sinabi ko na sasama ako kaya nakita ko ang pamamaga ng mukha ni Alfred. Ngayon ay alam ko na kung gaano katinik si Alfred pagdating sa mga babae kaya hindi ako makakapayag na pati si Caroline ay isa sa bibiktimahin niya.
Pagdating sa restaurant ay napansin ko na hindi comfortable si Caroline sa presensya ko kaya mas lalo ko lang ito ininis, pero hindi ko inaasahan na ako pala ang maiinis dito.
Paano naman kasi talaga ginantihan pa niya ako at alam niya kung saan ako nagiging mahina kaya doon siya nagsimula.
Agad nagising ang kargada ko dahil sa simpleng paghaplos niya sa gitna ng bahagi ko. Sunod sunod ako na pamura dahil sa ginawa niya. Kung wala lang kami sa restaurant na iyon, baka na bali ko na ang pangako ko sa kanya na irerespeto ko siya bilang isang kaibigan ko.
Sa inis ko ay galit na ibinaba ko ang paa niya. Hanggang sa magkapalitan na kami ng mga salita, at iyon ang inabutan ni Alfred.
Nadagdagan pa ang inis ko ng sinabi ni Caroline na sa oras na maging bf niya si Alfred ay mas gusto niya sa bahay na lang ito at ipagluluto na lang niya ito ng masarap na putahe.
Hindi ako tanga para hindi magets ang sinabi nito kaya inis na umalis ako sa harap nila at nag-tungo sa rest room .
Inis na pinag susuntok ko ang pader ng restroom sa sobrang galit ko sa kanya.
Hanggang sa makabalik kami sa office ay bitbit ko parin ang galit sa dibdib ko.
Kaya natuwa ako na sa pagbalik namin sa office ay natambakan ng patong-patong na trabaho si Caroline, pero agad rin naman ako nakaramdam ng awa na hindi na ito makatayo mula sa upuan nito at maging pagmemeryenda ay hindi na rin nito magawa.
Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang ilang paperwork doon at dinala sa office.
Niyakag ko rin ito sa loob para sabay namin matapos ang tambak na trabaho nito.
Marami kasi kaylangan i-encode doon at may mga supplier na kaylangan namin tawagan.
May mga papeles rin galing sa accounting na kaylangan niya busisiin ng mabuti bago ko paman iyon pirmahan .
Dahil sa awa ko sa kanya at sa dami niya kaylangan asikasuhin, tinulungan ko na siya sa mga trabaho niya hanggang sa umabot na kami ng gabi.
Dahil sa tindi ng pagod niya, maging ako ay napag-desisyonan na lang namin umuwi muna para makapagpahinga kami.
Pagdating ko sa tapat ng bahay niya ay napansin ko na tulog na tulog ito dahil sa labis na pagod, kaya agad akong lumabas ng kotse at binuksan ang pinto ng sasakyan ko na nasa gilid niya.
Napatingin ako sa maamong mukha nito kaya hindi ko na napigilan haplusin ito.
May kung ano sumipa sa puso ko ng matitigan ko siya na para bang nakilala ko na siya noon pa.
Pinilit ko iwaksi ang nasa isipan ko, at saka ko kinuha ang susi ng bahay niya sa kanyang bag.
Nang mabuksan ko ang pinto noon ay hindi na ako nag-abala pa gisingin siya kaya binuhat ko na lang ito, hangganga makapasok kami sa loob ng bahay niya.
Dahan-dahan ko siya inilapag sa kanyang kama, saka ko hinubad ang sapatos nito .
Naupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang malambot na kamay nito.
Napangiti ako ng makita ang mukha niyang mala-anghel sa ganda.
Wala sa sarili, dinampian ko ng isang maliit na halik ang labi niya bago ako naka pagdesisyon na umalis na para makapagpahinga ako.
Pagdating na pagdating ko ay napatingin ako sa litrato niya na nasa lamesa.
Napangiti ako ng makita ko kung gaano kaganda ang mga ngiti niya na para bang walang inaalalang problema.
Muli ko ipinatong iyon doon, pero isang maliit na kahon ang nasagi ko dahilan ng pagkahulog nito sa sahig .
Pinagmasdan ko ang isang bagay na nagpagilong-gilong, kaya agad ko dinampot iyon na pahinto ito sa pag-gilong sa tapat ng aking paa.
Dahan-dahan dinampot ko iyon ng may pagtataka, hanggang sa makita ko ang isang singsing.
Isang simpleng singsing lang iyon na gawa sa isang plastic.
Na pang karaniwan nilalaro ng mga bata.
Pinakatitigan ko mabuti iyon hanggang sa makaramdam ako ng matinding pananakit ng aking ulo.
Sa sobrang sakit noon ay pakiramdam ko ay pinupukpok iyon ng pagkalakas-lakas hanggang sa tuluyan na ako mapahiyaw sa sakit .
Hanggang sa sumagi sa isipan ko ang isang image ng batang babae na hindi malinaw kung ano ang itsura nito.
Dahil doon ay pinilit ko makatayo mula sa pagkakaluhod ko habang hawak hawak ko ang aking ulo. Nag tatakbo ako palabas ng bahay ni Caroline hanggang sa pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko pauwi sa aking bahay.
Pagdating ko doon ay halos pagapang na ako bumaba ng aking kotse kaya agad nagtakbuhan ang ilang bodyguard ko at mga katulong para alalayan ako makatayo .
Agad nila ako hinatid sa kwarto ko at saka nila ako hiniga sa malambot kong kama.
Nagpatuloy ang pananakit ng ulo ko hanggang sa lumapit ang isang nurse at tinurukan ako ng pangpakalma.
Dahil doon ay unti-unti ko na nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata, dahilan ng pagkakatulog ko.
Caroline POV
Nang magising ako ng umaga, ay agad ko inayos ang sarili ko, at dahil wala naman ako pasok, ay bumisita muna ako sa mga kaibigan ko.
"Uy, bes, musta na? Tagal mo na, hindi nagpakita sa amen. Simula ng umalis ka dito sa bar, ay hindi kana bumalik dito," wika ni Stacy.
"Alam mo naging mainitin na ang ulo ni Mamang ng umalis ka dito, alam mo naman na ikaw ang pinaka paborito noon." Wika ni Carry.
"Pasensya na, alam naman ninyo nagbabagong buhay na ako, hindi ba? At isa pa, gusto ko na malimutan ang lahat."
"Pero in fairness, ang ganda mo, mukha ka ng kagalang-galang ." Si carry.
"Teka, nasan na nga pala si Mamang?"
"Ahh, baka tulog pa siya mamaya pa iyon magigising mabuti pa dumito kana muna na mimis kana namin eh,"
"Ok sige," nakangiti wika ko sa kanila.
Nag kaya kagan pa kami mamasyal sa mall kasama ang mga kaibigan ko.
Sapul kasi ng mapapasok ako sa bar ay si Stacy at si Carry na ang naging kaibigan ko na kapwa G.R.O. rin noon.
Lahat ng nangyayari sa akin noon ay nalalaman din nila dahil sila ang nagiging sandalan ko sa tuwing napupuno ako ng labis na lungkot.
Matapos namin mamasyal, sabay sabay na kami umuwi, pero nagulat ako ng makita ko si Alfred sa harap ng aking bahay.
"Teka, ano ginagawa mo dito?"
"Hi, sorry kung biglaan ako nag punta ng hindi man lang nag sasabi."
"Alfred, paano mo nalaman ang bahay ko?"
"Ahh, e kasi pinahanap kita talaga. Gusto ko kasi yayain ka mag dinner.
Kahapon kasi hindi tayo nagkausap dahil kay Andrew, kaya nais ko sana na yayain ka ulet mag dinner kung ok lang ba sayo."
"Ahh, ganoon ba? Sige, halika, pumasok ka muna sa loob.
Magbibihis lang ako galing kasi ako sa mga kaibigan ko, kaya medyo amoy pawis na ako.
Antayin mo na lang ako kasi mag hahalf bath lang ako."
"Ok sige , willing naman ako maghintay sayo kahit gaano ka pa katagal," masayang wika nito dahil sa pagpayag ko na lumabas kami dalawa.
Napangiti na lang ako kaya agad ako pumasok sa loob ng kwarto ko para makapaligo.