chapter 9

1407 Words
Tahimik lang kami habang nasa byahe nina Andrew at ni Alfred Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Sabay na bumaba ng kotse si Andrew at Alfred, at parang nagkakarera sila sa pagbukas ng pinto ng kotse. Pero dahil mas malapit sa akin si Andrew, ito na ang nagbukas ng pinto sa gilid ko, samantalang si Alfred ay napapakamot na lang ng kanyang batok. Pagpasok namin doon ay dinala kami ni Alfred sa isang naka-reserve na seat para sa amin. Napansin ko pa na dalawang upuan lang iyon gayong tatlo kami. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil kami lang naman talaga ang dapat magkasama ni Alfred at umepal lang itong si Andrew. "Ahmm, Caroline, maupo kana, pag aanyaya nito sa akin. Tahimik na naupo ako sa isang upuan samantalang si Alfred ay naupo sa harap ko. "Teka, bakit wala akong upuan?" Naka kunot ang noo na sabi ni Andrew. "Ahh, ehh kasi hindi mo sinabi sasama ka! Ang pina reserve ko kasi ay pang sa amin lang dalawa ni Caroline pasensya na bro." "Caroline, pwede ba tumayo ka?" "Ha , sige, agad ako tumayo mula sa kinauupuan ko . Pero nagulat ako ng maupo si Andrew sa upuan ko habang ako ay naiwan nakatayo. "Teka, paano si Caroline bro, saan siya uupo?" "Edi , tumayo siya , boss niya ako kaya dapat ako ang nakaupo." "Bro, lunch namin dalawa ni Caroline pwede ba wag mo guluhin." "Baka lunch natin tatlo bro, kasama ninyo ako kaya tatlo tayo mag lu-lunch." Sa inis ni Alfred ay hinila ako nito paupo sa upuan niya. "Sige , Caroline, dito kana maupo sa upuan ko. Kakausapin ko lang ang manager ng restaurant para makapag pa-add ako ng upuan ." Ngumiti ako dito, pero ang masamang tingin ko na pinukol ko kay Andrew. Iniwan kami nito dalawa ni Andrew sa table kaya hindi ko maiwasang bigyan siya ng matalim na tingin. Tinaasan lang niya ako ng dalawang kilay niya kaya hindi ko maiwasang mainis lalo sa kanya. Dahil doon ay nakaisip ako ng kalokohan. Alam ko ayaw niya ito, pero dahil iniinis niya ako, talagang pahihirapan ko siya. Dahan-dahan hinubad ko ang sapatos ko, at dahil may kahabaan ang tela sa lamesa, ay hindi mapapansin ng iba ang ginagawa ko mula sa ilalim noon. Dahan-dahan inangat ko ang paa ko mula sa paa niya hanggang sa makaabot ito sa pagitan ng hita niya. Nakita ko ang pagtiimbagang nito maging ang sunod-sunod na mura nito ng ihaplos ko ang paa ko sa kanyang gitna. "Oh, f**k Caroline." Galit na wika nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya sabay kuha ko ng wine glass sa aking harapan at sinalinan iyon. Nakangiti lang ako habang iniinom ko iyon, pero hinawakan niya ng madiin ang paa ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Halos mamula ang buong mukha niya sa labis na galit niya sa akin kaya buong lakas niya ibinaba iyon. "Caroline, pinag sabihan na kita na wag mo gagawin iyan, hindi ba? Akala ko ba nag kaintindihan na tayo kaya pinilit mo baguhin ang sarili mo?" "Hindi ko gagawin iyon kung hindi mo ako iniinis. Bakit ba sumama kapa?" "Gusto ko lang makasiguro ligtas ka." "Malaki na ako, Sir Andrew, at isa empleyado ninyo ako kung tutuusin labas na kayo sa personal na buhay ko. At isa pa kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako bata." "Hindi nga pero matigas masyado ang ulo mo. Pwede ba tigilan mo ang pag gawa sakin ng mga ganoong bagay dahil hindi na kakatuwa." "Ok , sabi mo ehh…tutal ayaw mo gawin ko sayo pwes sa iba na lang." "CAROLINE." Inis na wika nito na ikinairap ko naman sa kanya. "Andrew, ano bang nangyayari dito? Bakit ba hinihiyawan mo si Caroline? "Ahhh, wala Alfred, may nagawa lang ako mali sa trabaho ko, wag mo na lang pansinin ." "Ganoon ba? "Yup , ano nga pala sabi ng manager?" "Ahhmm…nag papa add ako ng isang seat dito at pumayag naman sila, Maya-maya lang ay darating narin iyon." "Mabuti naman ," nakangiti wika ko sa kanya. Maya-mayaa ay lumapit sa amin ang isang crew at nagdalang isa pang upuan para may maupuan si Alfred. Saka inabot sa amin ng isang waiter ang menu nila para makapamili na kami ng pag kain namin. Matapos namin pumili, ay nagpaalam na muna ako na pupunta sa restroom habang nagkwekwentuhan ang dalawa sa table. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako bumalik sa table namin tatlo. Sakto naman ang dating ko ng nagdatingan sa table namin ang mga order namin tatlo. "Hmmm…masarap ang pag kain dito, sir Alfred. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo kasi isa ito sa paborito ko restaurant." "Talaga, sir, mukha isa na rin ito sa magiging paborito ko restaurant, sir," "Gusto mo araw-araw kita dalhin dito, hindi lang dito. Marami pa akong restaurant na gusto kong pagdalhan sayo, pero saka na siguro pag sinagot mo na ako." "Alfred , hindi naman mukhang pagkain si Caroline kaya hindi mo kaylangan dalhin siya kung saan saan, hindi ba Caroline?" "Yes, sir, hindi naman ako mahilig kumain, pero kung sakali maging tayo, sir, mas gusto ko manatili sa bahay mo. Mas masarap kasi kumain pag sa bahay . Saka isa pa, pwede kita ipagluto, sir Alfred." "Parang mas gusto ko ang nasa isip mo, Caroline." Natatawang wika nito. Nakita ko ang labis na pamumula ng mukha ni Andrew sa galit sa akin dahil hindi nito gusto ang pinag-uusapan namin ni Sir Alfred, Agad niyang dinampot ang table napkin at pinunasan ang labi niya, saka hinagis sa table. Sinundan ko naman ang papalayong likod niya na wari ko ay papunta sa restroom. Hindi ko maiwasan matawa dahil sa reaction nito . Nakakainis kasi siya dahil nagagawa niya bwisetin ako. Matapos namin mag-lunch ay hinatid narin kami ni Alfred sa office dahil may ilang meeting pa ito na dapat puntahan. Halos maghapon rin kami magkasama ni Andrew sa office nito dahil sa tambak na paperwork na iniwan niya sa akin. Mabuti na lang at tinulungan rin ako ni Andrew sa ilang trabaho ko . Kaya hindi ko maiwasang mapangiti dito dahil kahit nagkatampuhan kami kanina ay nagagawa parin niya tulungan ako. Halos inabot na kami ng 10:00 ng gabi sa loob ng office dahil sa tambak na trabaho ko. Pero na riyan parin siya para tulungan ako . "Caroline, Gabi, na mabuti pa umuwi na tayo ." "Pero sir, hindi pa ako tapos dito. Kaylangan na poh ito bukas." "Bukas mo na yan tapusin, isa pa, pagod na rin ako . Mas importante ang kalusugan natin kesa sa trabaho na iyan ." "Sige, poh sir, pasensya na poh at hindi ko natapos ito." "No need to say sorry, talagang may oras na ganito dito. Nagkakameron ng biglaang aberya pero hindi mo naman kasalanan ang lahat. Mas madali natin matatapos iyan kung hindi natin ipepresure ang sarili natin. Isa pa, kaylangan rin ng pahinga ng mga isip natin para mas makapag-isip tayo ng ayos." "Sige , poh sir, ayusin ko muna itong mga folder para makauwi na rin poh tayo." Matapos ko ayusin ang mga folder ko ay hinatid na ako ni sir Andrew pa uwi sa bahay. Nakatulog pa nga ako dahil sa labis na pagod ko, at hindi ko narin namalayan kung paano ako nakauwi sa aking bahay na aking tinutuluyan. ******** Andrew POV Isang lalaki nakatalikod sa gawi ko ang aking nakita ng pumasok ako sa loob ng company ko. Kasalukuyan ka kwentuhan niya ang secretary ko na si Caroline. Agad akong nakaramdam ng inis nang makita ko ito nakikipag tawanan sa isa sa mga business partner ko na si Alfred. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, pero habang papalapit ako sa gawi nila, ay hindi ko maiwasang mamangha sa angkin kagandahan nito. Hindi ko kasi inaasahan na mas maganda siya ngayon dahil sa pagiging simple niya. Mas bumagay kasi sa ayos nito ang paglalagay ng kaunting polbo at liptint . At ang pagsusuot niya ng simpleng office attire. Kaya hindi ko siya masisi kung magiging agaw pansin siya ngayon kesa noon. Agad ako nag salita mula sa likod nila at sabay sila napatingin sa akin. Hindi nila inaasahan na darating ako doon kaya pareho sila nagulat. Agad na nama alam si Alfred sa akin na nais raw niya isabay sa lunch si Caroline kaya pumayag ako. Nang pumasok na kami sa conference room, napansin ko na agad ang kakaibang tingin ni Alfred kay Caroline, kaya nakaramdam ako ng inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD