chapter 8

1363 Words
Matapos ng 30 minutes ay dumating na ang mga order namin ni Caroline. Tahimik na inayos niya ang kakainan namin sa table habang ako ay nakaupo sa swivel chair ko habang pinipirmahan ko ang ilang papeles sa table ko. "Sir, nakahanda na poh ang pag kain natin." Tahimik na tumayo ako, saka ako lumapit sa gawi ni Caroline. Sabay na kumain kami dalawa ng mapadako ang tingin ko sa kanya. "Caroline, tungkol sa nangyari kanína, sorry sa gulo na ginawa ko sa restaurant." Tumikhim muna ito saka ibinaba ang pag kain hawak niya. Hindi siya tumingin sa akin at nanatili nakatuon ang paningin niya sa pagkain. "Bakit mo ba ginawa iyon ? Sana hinayaan mo na lang." Inis na napatigil ako sa pag-kain ko at wala sabisabing binaligtad ko ang lamesa nasa harap ko. Na ikinalaki ng mata nito. "B*LL S**T ! CAROLINE! PWEDE BA TIGILAN MO ANG KAKASABI NA SANA HINAYAAN KO NA LANG! DAHIL DIYAN SA MGA SINASABI MO NAIINIIS AKO!. AYOKO NA BINABASTOS KA NG IBANG TAO ! GUSTO KO I RESPETO KA NILA, MAHIRAP BA INTINDIHIN IYON?" "SINABI KO NAMAN HINDI BA? SANAY NA AKO! SANAY NA AKO NG GANITO BUHAY , SANAY NA AKO BINABASTOS ! DAHIL MAS MALALA PA DOON ANG PING DAANAN KO!" "IYON NA NGA EH… NANG YARI NA SAYO NA PINAG SAMANTALAHAN KA NG IBA, PERO BAKIT HAHAYAAN MO PARIN BASTUSIN KA NG KAHIT NA SINO." "DAHIL HINDI NA MAAALIS PA NOON, NA MARUMING BABAE NA AKO ! WALA NA KAHIT NA SINO ANG KAYA RUMESPETO SA AKIN ANDREW ! DAHIL ANO MAN PAG MAMALINIS ANG GAWIN KO MARUMI PA RIN AKO AT IYON NA RIN ANG TINGIN KO SA SARILI KO !" agad tumulo ang mga luha niya, saka niya sinapo ang mukha niya gamit ang dalawang palad niya. Ramdam ko ang sakit ng mga pinagdaanan niya sa loob ng maraming taon . Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. "I'm sorry , Caroline, alam ko mahirap para sayo ang mga pinagdaanan mo. Pero Caroline, i respeto mo naman ang sarili mo , sayo magmumula ang pagrespeto ng tao sayo. Alam ko masakit ang pinagdaanan mo, pero na rito ako, handa ako, at respeto ka, at iyon ang gusto ko gawin ng ibang tao sa iyo." "Hindi ko hahayaan na manatili ka sa madilim na mundo mo, Caroline. Narito ako para samahan ka at itutuwid natin ang maling landas na tinatahak mo." "I'm sorry sa nangyari kahapon , sorry kung pakiramdam mo ay ayaw ko sayo dahil lang sa mga pinagdaanan mo. Pero Caroline, gusto ko maging kaibigan ka at gusto ko irespeto ka. Ang pagtanggi ko sayo ay hindi na ngangahulugan na pinandidirian kita kundi gusto ko irespeto ka . Pag pumayag ako sa nais mo, wala na rin ako pinagkaiba sa pinsan mo na nang-abuso sa iyo." "Caroline , ang tanging gusto ko ay mapunta ka sa tao na mamahalin ka ng buo, higit pa sa pagkatao mo. Gusto ko na makakilala ka ng tamang lalaki para sa iyo, Caroline; nais ko na igalang ka nila, pero unahin mo irespeto ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo, Caroline, huwag mo hayaan bastusin ka ng iba, ipag laban mo naman ang sarili mo. Ano man ang pinag-galingan mo noon ay nais ko kalimutan mo na iyon. Baguhin mo ang sarili mo, Caroline, umalis ka sa madilim na nakaraan mo , at hayaan mo tulungan kita." Hinawakan ko ang mag kabilang balikat nito, saka ko hinaplos ang maamo mukha niya at pinunasan ang mga luha sa mata niya. Pinilit ko ngumiti sa kanya at saka ko muli ito niyakap ng mahigpit. *************** Alfred POV Maaga akong pumasok sa company dahil nag-patawag ng meeting si Andrew. Pagpasok ko sa elevator , ay kapansin-pansin ang isang babae na tumatakbo pa punta sa elevator. Pasara na sana iyon, bigla nitong iharang ang kamay niya sa pinto ng elevator. Kaya agad ko pinindot iyon para pigilan ang pagsasara noon. Nang bumukas iyon ay agad napadako ang tingin ko sa isang babae na pumasok doon. Napakasimple lang ng mukha nito at walang kahit na ano make up at nakaka-panibago rin ang klase ng pananamit nito . Dahil mas formal siya tingnan ngayon kesa noong una ko ito makita. Napaka-sexy kasi ng suot niya noon, at hapit na hapit ang dress na suot niya noon at mababa lang din ang neckline. Samantalang ngayon ay makikita ang simpleng pananamit nito, suot ang pangkaraniwan niyang office uniform. Maging ang mukha nito ay napakalaki rin ng pinag bago niya dahil wala na siyang make up ngayon at tanging liptint lang ang gamit nito. Tumikhim ako para kuhanin ang attention niya at nagtagumpay naman ako doon. "Hi ! Good morning," masayang wika ko dito. "Ay.. sir kayo po pala, ang aga ninyo ngayon ah.." "Buti nga napa-aga ako kasi maaga naging maganda ang araw ko." Natawa naman ito sa sinabi ko, saka ko kinuha ang mga gamit na daladala nito. "Ay , sir, ako na po." "Hindi na ako na ang bahala magdala nito , magaan lang naman ito." "Nakakahiya naman poh sa inyo sir," "Hindi mo kaylangan mahiya , ok lang naman na ipag bitbit ko ng gamit ang babaeng nag papatibok ng puso ko." Alam mo, you look so good! Mas gusto ko ang ayos mo ngayon kesa noong una kita makita." "Talaga, sir? Salamat po sa papuri ninyo ." Nakita ko kung paano namula ang mukha nito na parang isang kamatis. Napangiti ako ng makita ko na mukha siyang isang mamahaling manika sa aking harapan. Agad tumigil ang elevator at sabay kami lumabas doon. Hanggang sa marating namin ang table nito. "Ahmm... sir, salamat po sa paghatid ninyo sa akin ." "Wala iyon, may bayad yan, huh," "Luh, kala ko pa naman libre." "Jowk lang , tama na sakin iyong pumayag kang makipag-lunch sa akin mamaya pag katapos ng meeting namin ng boss mo. Ok lang ba?" "Lunch? Ok sige, iyon lang pala eh… Kala ko kung ano na!" Nakangiti wika nito sa akin. Agad kumalabog ang dibdib ko ng makita ko ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi na parang inaakit ako nito. "Narito ka na pala?" Agad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Andrew. "Dude, ikaw pala!" Gulat na wika ko. Nagpabalikbalik ang tingin nito sa aming dalawa ni Caroline, saka huminto ang tingin nito sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ginigisa ako nito sa sarili ko mantika ng matalim akong tiningnan nito. "Anong lunch ang pinag sasabi mo? "Ahh… Kasi dude, niyaya ko lang ito sa secretary mo mag lunch mamaya pag katapos ng meeting natin." "Ahhh... Ganoon ba ok!" "So… ok lang na hiramin ko ang secretary mo mamaya lunch?" Nakangiti wika ko dito, nakaramdam ako ng saya ng hindi ito tumutol na hiramin ang secretary nito. "Yes, ok lang naman sakin na isama mo siya ." "Talaga dude?, naku pare , salamat.!" Agad ko niyakap ito sa labis na tuwa ko sa sinabi niya pero panandalian lang pala ang tuwa na iyon. Dahil matapos ng meeting namin ni Andrew ay sinundo ko na si Caroline sa opisina nito. Kinuha ko rin ang shoulder bag na gamit niya para sabay na kami bumaba . Pagdating sa parking area ay pinaupo ko na siya sa passenger seat at ako naman ay sa driver seat. Napansin ko na hindi suot ni Caroline ang seatbelt niya. Kaya lumapit ako sa kanya para sana ikabit iyon kasi mabilis ako magmaneho ng kotse . Ayoko na may mangyari sa kanyang masama kaya balak ko sana isuot iyon sa kanya . Lalapit na sana ako ng makarinig ako ng boses ng lalaki na nasa back seat ng aking kotse. "Caroline, fasten your seatbelt; wag mo hayaan na iba pa ang mag kabit niyan sayo." Sabay na napatingin kami ni Caroline sa likod ng kotse ko ng makita nasa loob noon si Andrew. "Andrew? Ano ginagawa mo dito?" "Hindi ba may lunch kayo?" "Ano ba sa tingin mo? Edi, sasama ako," "Huh, teka dude, kala ko ba pumayag ka sumama sakin si Caroline?" "Uo nga! Pero wala ako sinabi, hindi ako sasama." Madiin na wika nito sa amin, na ikinalaglag ng balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD